Chapter Eight

476K 9.6K 706
                                    

EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Tinignan ko ang lalaking nakaidlip na ata sa sobrang pagod sa may gilid ko. Alas diyes y media na ng gabi at pauwi na kaming dalawa galing sa isa sa branch ng LCM. Ako na ang nag drive dahil alam kong pagod siya. Hindi rin kasi kami agad umuwi, nanood pa kami ng sine at naglibot-libot pa hanggang sa makaramdam kami pareho ng pagod.

Maamo ang mukha niya kapag natutulog at hindi mo aakalaing isip bata siya at masungit. His stubbles makes him more look masculine. Nakakadagdag sa kagwapuhan niya 'yon at sa appeal niya. Matagal ko nang naamin sa sarili ko na gwapo talaga si Axcel. Naalala ko na lagi siyang pinagkakaguluhan noon, kung hindi naman. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, mapa-babae man o bading. Axcel is really good looking like his father, Mr. Levinn Montemayor. Kahit pa may edad na ito, marami pa rin ang nagkakagusto kay Tito Levinn na kinaiinis naman ni Tita Freen.

Wala sa sariling napangiti ako habang napapailing ng may maalala ako.

"Hoy!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Napasimangot naman ako ng makita ko ang pangit niyang mukha.

"Ginagawa mo ditong tonta ka?" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Bakit? Masama ka bang samahan ha, fiancée?" He smirked.

"Ano'ng palagay mo sa akin walang friends? Gago ka ah!" Sabi ko sa kanya. Nasa library kasi ako at nagrereview sa Earth and Science at tsaka Trigonometry para sa long quiz mamaya.

"Wala ka naman talagang friends, 'yung maingay na babae lang ata na laging kasama mo 'yung kaibigan mo dito. At himala na hindi mo ata siya kasama." Sabi niya.

"So? Pakielam ko sa'yo?" Sabi ko sa kanya. Inayos ko ang eye glasses ko.

"Sungit mo naman sa akin fiancée, parang di kita magiging asawa someday ah." Sabi niya. Nagpantig naman ang dalawa kong tenga.

"At sinong tonta ang nagsabi sa'yo na magiging asawa mo ako? Wala nga sa bokabularyo ko ang maging boyfriend ka, maging asawa pa kaya? Duh." Sabi ko sa kanya sabay irap ng bongga.

"Sus, pakipot ka pa. Gusto mo naman na alam ng lahat na fiancée kita? Kunwari ka rin eh 'no? Pasimpleng landi ka pa—ARAY!" Walang sabi-sabi ko siyang binatukan pagkasabi niya 'non. 

"Isa pang sabihan mo akong malandi, gigitilan kita ng leeg." Nangigigil kong sabi sa kanya.

"Grabe ka naman sa fiancée mo. Halikan kita diyan eh!" Sabi niya.

"Huwag ka ngang maingay diyan! Ang ingay-ingay mo, kita mong nasa library tayo eh. Tsaka pwede ba, kung wala kang magawa. Huwag mo akong guluhin?!" Konti na lang talaga at papatayin ko na siya ng wala sa oras.

"Halikan tayo, try natin kung marunong ka na ng french kiss." Sabi niya bigla.

"Di bakit hindi mo laplapin 'yang sarili mong labi? You are so stupid, you know." Sabi ko na sinabayan ko ng irap.

"Mas masarap kapag labi ng babae, bili na." Pangungulit niya.

"Tumigil ka nga, Montemayor!" Naiinis kong sabi. Ang tahimik ng mundo ko kanina, tapos dumating lang 'tong gagong 'to, gumulo na bigla.

"Ang sungit mo kahit kaylan, fiancée. Di ka marunong mag french kiss 'no? Virgin ka pa 'no?" Sabi niya. Hindi na ako nakatiis at bigla kong sinampal ang bibig niya.

"Itikom mo 'yang bastos mong bibig, kung hindi tatahiin ko 'yan. At wala ka bang balak mag-review? Hindi 'yung ginugulo mo ang tahimik kong buhay." Sabi ko sa kanya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon