Kinuha iyon ni Fabian at hinila na ako palabas ng presinto.

"Bakit n'yo yan palalabasin agad? Binugbog nga ako n'yan! Asik ng lalaking may hawak ng baril kanina.

Lumingon si Fabian na halatang nag pipigil ng galit.

"Manahimik ka. Ipapaliwanag mo pa sa amin kung bakit walang lisensya ang baril mo." Sabi ng isang pulis. Wala naman na silang imik at hinila ko na ang braso ni Fabian.

Nakasakay na muli kami sa sasakyan at kaagad nitong pinaandar ang makina. Saglit kaming nakatambay sa labas. Nanatili lang itong walang imik at nakatingin sa labas.

"May problema tayo hindi ba? Kanina mo pa ako hindi pinapansin." Paninimula ko. Tsaka naman n'ya pinaandar ang sasakyan at hindi ako inimik pa. Napairap ako at tumingin na lang sa labas. Ano bang problema ng isang 'to?

Hanggang sa makarating na kami ng condo. Matapos n'yang i-park ang sasakyan sa parking ay kaagad itong bumaba. Bumaba na rin ako at pinindot nito ang susi. Nakasunod lamang ako sa kanya pagkapasok namin ng lobby. Nakita ko pa ang isang babaeng receptionist na malagkit ang tingin dito.

"Hoy ikaw anong tinitingin tingin mo?" Nasabi ko dahil sa pagka bwiset kay Fabian. Hindi naman ito umimik at napayuko marahil ay dahil napahiya s'ya. Pinindot na ni Fabian ang button ng elevator at kaagad na pumasok. Sumunod nalang ako dito. Walang katao tao sa loob at nakikita ko pa ang repleksyon nito sa salamin.

"Kausapin mo ako pwede ba?" Inis na sabi ko.

"I'll deal with you later." Seryosong sagot n'ya at lumabas pagkabukas ng pinto sa aming palapag. Kinuha n'ya ang card at binuksan ang pinto. Awtomatiko namang bumukas ang power ng kuryente nang ilagay nito ang card sa power.

Niluwagan nito ang neck tie at dumiretso sa kitchen. Kaagad na kumuha ng beer in can at bumalik sa sala tsaka naupo sa sofa. Binuksan n'ya ito at nilagok. Tinanggal n'ya ang sapatos na kung saan saan lang napunta at itim na mejas na lang ang natira. Ipinatong nito ang mga paa sa mesa at binuksan ang TV tsaka muling lumagok.

"Fine if you don't want to talk to me then I'll go ahead." Sabi ko at padabog na umakyat para kunin ang maleta ko at mga damit sa cabinet. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit hindi ko matagalan ang ganitong pag uugali ni Fabian.

Kaagad n'yang tinapon ang hawak na can at tumakbo patungo sa akin.

"What the hell are you doing!" Sigaw nito. Natulala ako nang pagtaasan n'ya ako ng boses.

"I'm leaving you!" Kaagad na sagot ko nang makabawi mula sa pagkakagulat.

"You're not leaving!" At kinuha nito ang maleta at padabog na inihagis sa kama.

"Ano bang problema mo! Bumabalik ka nanaman sa ugali mo! Hindi mo sinasabi sa 'kin kung anong problema! Damn! Kung si Mr. De Alegre ang problema mo bakit ka pa pumayag? Bakit mo pa pinirmahan ang kontrata about sa La Solidad Subdivision!" Sigaw ko. Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha nito.

"Because I love you! Sinusuportahan ko ang gusto mo! Can't you see I'm jealous! I'm fucking jealous!" At hinigpitan nito ang pagkakahawak sa braso ko.

"Anong kinaseselos mo? Ang pagiging mabait n'ya sa 'kin? Ang pag tanggap ko ng kape na inalok n'ya? Fabian grow up! Hindi ko maramdamang mahal mo ako sa ginagawa mo! You're selfish! Wala kang tiwala sa 'kin."

"Yes maybe I'm selfish but I trust you Guia." Bumaba ang boses nito. Naging mahinahon.

"No you're not. Maybe I'm not really in love with you. Baka nga bata pa ako at hindi ko pa alam ang salitang pagmamahal kaya tayo nagtatalo ngayon. Maybe my feelings for you is just a infatuation." Lumuwag ang pagkakahawak n'ya sa mga braso ko matapos kong bitiwan ang mga salitang 'yon. Namuo ang pag tatanong sa mga mata nito.

"Let's break up Fabian. I'm sorry I don't know what to do anymore." At napatingin ako sa ibang direksyon.

Natawa ito ng mahina at nag salita.

"What? Are you sure of that? Infatuation? For all the things that I've done for you? Pati pagkakaibigan namin ng ama mo Guia sinugal ko. And here you are saying that maybe your feelings is just a fucking infatuation?"

"Now tell me! Are you damn playing games?!" Sigaw nito. Tumalikod ako at kinuha ang malate sa kama. Padabog kong binuksan ang cabinet at kinuha ang mga damit ko.

"I said we're done Fabian. Tapos na... ayoko na..."

Nagmura ito ng malutong at saka sinutok ang malaking salamin na nasa gilid ng kwarto. Napasigaw ako sa takot at napahawak sa 'king tainga. Nilingon ko s'ya at kitang kita ko ang pag tulo ng mga dugo sa sahig.

"Please stop." Naiiyak na sabi ko.

Napasigaw ito at sinutok suntok pa ang salamin. Ang dami ng nagkalat na bubog sa sahig kasama ang mga dugong pumapatak.

"Fabian stop! Don't hurt yourself!"

"Don't fucking call my name!" Sigaw nito at padabog na bumaba. Dinig ko pa ang pagkalampag ng pinto nito at alam kong lumabas s'ya.

Napaupo naman ako sa gilid ng kama at doon binuhos ang maraming luha. I don't know what to do anymore. Gulong gulo ang isip ko.

Napahawak ako sa 'king buhok at napayuko. Nasa tapat ko naman ang maleta ko. Ilang sandali pa akong nasa ganoong posisyon at tsaka lamang nakapag isip ng matino. Kaagad akong pumunta ng drawer at nag sulat ng liham. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Fabian at mas masasaktan ko s'ya kapag nanatili ang relasyon namin na puro bangayan at pag seselos na lang.

Nag desisyon akong umalis matapos kong isulat ang huling liham ko sa kanya. Nag desisyon akong mag resign mismo sa kompanya n'ya at gulong gulo ako ngayon kung saan pupunta. Hindi ako maaaring umuwi dahil alam kong hinding hindi na ako matatanggap pa ng papa.

Kinuha ko na ang maleta at saglit na pinagmasdan ang litrato namin ni Fabian sa drawer. Masayang masaya kami sa picture frame na 'yon. Masaya at walang problema.

Humakbang na ako pababa hanggang sa makapunta ng pinto. Iiwan ko na ang lahat ng memoryang nakaukit dito sa bahay n'ya.

Umalis ako ng condo. Tinawagan ko ang dati kong kakilala noong college ako si Mariz. Baka may alam kasi itong apartment na maaari kong malipatan. Nabigo naman ako dahil hindi ko na s'ya makontak pa. Naglakad lakad na lamang ako papalayo ng condominium. Malapit ng mag dilim at hindi ko na alam kung saan tutuloy.

Tumigil ako sa paglalakad nang may maaninag akong sasakyan na kanina pa sumusunod. Nilingon ko naman ito at saka ko lang napagtanto na sasakyan ito ni Mr. De Alegre.

Bumaba ang tinted na bintana sa may likurang banda. Kasama n'ya ang kanyang driver.

"Ms. Bishop?"

"Mr. De Alegre kayo pala."

"Get in the car." Utos n'ya.

"Nako hindi na po. Nakakahiya talaga sa inyo."

"Don't make me repeat myself Ms. Bishop." Seryosong sabi ni Mr. De Alegre.

Wala naman akong nagawa at pumasok na sa loob ng sasakyan nito.

ITUTULOY...

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Where stories live. Discover now