Harapin ang salamin ng buong tapang,

At tapusin ang iyong kalaban~

Inilipat ko ito sa isa pang pahina.

Napaatras ako ng lumutang ang bawat letra, kasabay ng pagbuo ng bawat imahe na isinasaad sa libro.

"Eclipse. Isang uri ng pangyayari sa pagitan ng araw at buwan, ito ay matagal na hinintay ng bawat nilalang. Ang Eclipse ay nangyayari sa mundo ng mga immortal kasabay ng pangyayari din nito sa mundo ng mortal, eclipse ang itinuturing na pinakamalakas na kapangyarihan sunod sa kapangyarihang natatamasa ng isang Dyosa. Tinatawag na eclipse ang isang nilalang na may kalahating dugo ng Dyos at kalahating mortal, ang sinumang nilalang na isilang na may dugong eclipse, ang nilalang na maaaring pagharian ang mundo ng mortal at immortal."

Napaawang ang aking labi ng makita kong lumitaw ang isang larawan ng babae, nakatalikod ito at nakayuko. Tumatabing ang mahaba nitong buhok sakanyang mukha.

Tila lumabas ang aking puso habang iniintay ko ang dahan-dahang paglingon nito saakin.

"Eileithyia Cleioziya Latona. Ang nilalang na taglay ang dugo ng isang dyos at isang mortal, ang unang babaeng eclipse. Ang dyosa na matagal ng hinahanap." Tumulo ang aking luha ng makita ko ang itsura nito.

Inangat ko ang aking kamay at hinaplos ito, ngunit tumagos lamang ang imahe.

Ako, ako ito.

"Isa kang dyosa, Cleo. Hindi nga kami nagkamali ng una naming kita saiyo." Nananatiling nakaawang ang aking labi.

Maski ang tatlo saaking tabi ay hindi makapaniwala.

"Kaya pala nakadama ka ng antok sa tsokolate, isa ka pala talagang dyosa." Mahinang saad ni Zuleika.

Kusang lumipat ang pahina.

Doon ay nakasaad ang huling sulat ng dating pinuno.

"Cleo, nais kong humingi ng tawad sa pagmamalupit ko saiyo, sainyo ng mga kasama mo. Ang strafe na iginagawad ko sainyo ay hindi isang ordinaryong parusa, ito ang aking paraan upang ipabatid saiyo dahan-dahan at ng hindi mo nalalaman na isa kang dyosa, iginagawad ko rin ito sa iba mo pang kasama upang hindi ka makahalata, ngunit sinusobrahan ko upang ikaw mismo ang makaalam nito. Nang iligtas kita sa tore, alam kong hindi ka pang-karaniwang nilalang, hindi saiyo ang tore. Kung kaya't malaya kitang naialis mula sa kamay ng dragon. Cleo, hindi ikaw ang dapat nakakulong doon, kundi ang iyong ina. Ngunit dahil nakatakas ito habang hindi pa siya naililigtas ng iyong ama, nagkita sila ng hindi inaasahan. Kapwa hindi alam ng bawat isa na sila ay magkapareha, at ang isang hindi pangkaraniwang tali ang nagbuklod sakanila, nabuo ang bawal na pag-iibigan ng isang mortal at immortal. Nalaman ito ng mga immortal. Nabuo ka kasabay ng digmaan sa pagitan ng immortal at mortal. Muling bumalik ang iyong Ina sa tore para protektahan ka, inilagak ka niya doon sa pag-aakalang walang makaaalam na may dugo kang dyos at para na rin protektahan ka sa mga nilalang na maghahangad ng matindi saiyong natatanging kapangyarihan."

Tumulong muli ang masaganang luha mula saaking mga mata, hindi lubos maisip ang nangyari saaking ama at ina.

"Matapos ka niyang itago ay bumalik siya sa digmaan upang tulungan ang iyong ama, ngunit hindi nila nagawang ipaglaban ang bawal na pag-iibigan. Nakulong sa isang sumpa ang iyong Ina, kasama ang iba pang mga mortal, sila ang nagsilbing kagubatan. Maski ang iyong ama ay hindi nagawang tanggalin ang sumpa sa mga mortal, mortal ang iyong Ina, Cleo. Ngunit walang nakaalam kung paano siya nakulong sa tore. Bumalik ang iyong ama sa itaas ng hindi niya maibalik sa dati ang lahat."

Ramdam ko ang pagyakap saakin ni Via at Lucia, kapwa hinahaplos ang aking ulo at likod.

"Hinihintay ka niya, Cleo. Hinihintay ka ng iyong ama upang tanggalin ang sumpang inilapat sa iyong ina." Nang sumunod na pahina ay wala ng nakasulat.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now