Kabanata 27

2.2K 68 8
                                    

Sabay kaming bumaba ni Kai papuntang kusina. Nagluluto si Tita ng umagahan like expected. Kahit marami kasing katulong tong sina Kai. Gusto ni tita na siya parin yung naghahanda ng pagkain para sa pamilya niya.

"Good morning po, Tita." I greeted her with a kiss on her cheeks.

"Good morning, iha. How was your sleep?" tanong niya at bigla namang tumawa si Kai. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya tumigil na siya. Tiningnan siya ni Tita na nagtataka kung bakit bigla na lang tumawa ng parang baliw yung anak niya.

"Nakatulog naman po ako ng maayos." saad ko at agad pinamulahan ng maalala ko kung ano yung nangyari kagabi.

"Upo na kayo dian, iha. Matatapos na rin to." sabi ni Tita at tumango naman ako. Kai pulled out a chair for me and I smiled. Pero tinampal ko yung mukha niya ng makaupo na siya sa tabi ko. Mahina lang naman.

"Para kang adik." saad ko at ngumiti naman siya ng nakakaloko sakin.

"Sorry na, girl. Kalma lang hindi ko naman isisiwalat yung nangyari." bulong niya. Nakita ko naman na bumaba si Kiana na hindi ko ineexpect na kasama si Paolo. "Tingnan mo tong dalawang to. Expect it, Dee." sabi niya sabay halakhak. Hinampas ko naman siya ng pabiro dahil sa sexual jokes niya.

"Morning, Mama, Ate Dee at Kuya." masiglang sabi ni Kiana.

"Masayang masaya ah." pang-aasar ni Kai kay Kiana. Kinurot ko naman siya kaya dumaing siya. "Masakit girl." pagmamaktol niya na ikinangiti lang ni Kiana.

"O tama na yang harutan niyo kumain na tayo. Ang dad niyo ay kanina pa umalis. Nagmamadali kaya hindi natin siya makakasama ngayong almusal." saad ni Tita at nagsimula naman kaming kumain.

...
Hapon na ng makarating ako sa bahay kasi si Tita ayaw akong paalisin sa bahay nila kesyo ngayon lang daw ako nagstay ng matagal muli sa bahay nila. Kung hindi pa ako pinilit na umuwi na ni Kai ay hindi talaga ako pakakawalan ng nanay niya.

What happen between me and Kai was something. I guess. Hindi ko alam kung may magbabago ba sa pakikitungo namin sa isa't isa o we will stay as friends. While we're making love alam ko na merong something sa pagitan namin. But maybe ako lang yung nakakaramdam non. Humiga ako sa kama ko at bumunting hininga. Nagulat ako ng biglang magring ang phone ko.

"Hello?" sagot ko ng hindi tinitingnan yung caller id.

"Mamsh, it's me Primo. I like all your designs but I emailed you na yung para sakin ay pinakaperfect." sagot niya at halos mawalan naman ako ng hininga sa pinagsasasabi niya. "Hello, te?" tanong niya.

"Yes, Primo. I will check it later. Birthday kasi kahapon ni Kiana kaya hindi ko rin masyadong nacheck yung emails ko this past few days kasi ako yung nagplan nong event." saad ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako kahit kausap ko lang sa telepono si Primo.

"Oh, understandable, girl. Anyways, good news maaga natapos yung problem dito sa business ko. I will say na three days from now makakauwi nako diyan." excited na sabi niya. I should be happy because my client is now going home at mas lalo akong matutulungan sa pagplan ko.

Pero as of now nung nalaman kong uuwi na siya and what happen last night between Kai and I, naramdaman ko yung feeling ng inagawan. Kahit hindi naman talaga dapat ako yung makaramdam non. What we did is wrong. Kahit pagbalik baliktarin pa natin. Kai has someone na at ako tong si marupok pumatol sa nobyo niya.

Suddenly, naramdaman ko na lang na basa na ang aking pisngi ng mga luha ko. I never thought na seeking for happiness would be this bad.

"Hello, are you still there?" tanong ni Primo at ngumiti ako ng mapait.

"Yes. I'm happy you're going home na atleast hindi ako mahihirapan na magplan about sa proposal." saad ko. I am trying my best to keep my voice steady.

"Oo naman, girl. Hayst, excited na ko. Makikita ko na ulit sa wakas si Kai. Anyways, balitaan na lang kita ulit kung nandito na ko so we can meet up behind Kai's back." saad niya sabat hagikhik.

"Yes, of course. Thanks, Primo." sabi ko and he ended the call after he bid his goodbye.

Hindi ko na mapigilan ang pagiyak ko ng mababa niya na yung tawag. I guess, all good parties must come to an end. I mean, may mali rin naman ako. I choose to love him even though alam ko na meron na siyang iba. Ang tanga diba. I dialed my Mom's number.

"Mom..." ngarag kong salita habang umiiyak. You know those saying na kahit malayo yung nanay mo mararamdaman mo parin yung presence nila. That's what I feel after talking to her.

...
After two days, finalize ko na lahat ng kailangang gawin para sa proposal ni Primo kay Kai. I talked to all the suppliers na and all I have to do is to check kung approve ba iyon kay Primo. Naisip ko kasi pagkatapos kong tawagan si mommy ay huwag ng itali yung sarili ko kay Kai. He has someone now. Ako lang naman yung naghangan na magbabalikan pa kami na kaya ko pa siyang maging akin muli pagkatapos kong iwan siya.

Ilang beses naring tumawag sakin si Kiana pero lahat yun iniignore ko. Buti nalang at hindi tumatawag si Kai kasi alam kong rurupok na naman ako sa kanya.

"Yes, Primo. Ready na tong lahat para icheck mo." saad ko while looking at the pre-made style design na gagawin ko.

"Thanks, Dee. Base sa mga pinakita mo sakin alam kong maganda yun. Sorry kung inabala kita." saad niya and I smiled. Sobrang bait talaga ni Primo.

"Hindi okay lang yun. Ano ka ba. Lahat naman diba gagawin natin para sa taong mahal natin." sabi ko at tumawa naman siya.

"Pag nakita mo na si Mr. Right mo, please walang kalimutan ah." biro niya at natawa naman ako.

"Nakita ko na siya kaso he deserved someone better. Someone like you." saad ko sa isip ko.

"Oo naman. If mangyari man yun. Sige na, I'll hang up na. Hope you have a safe flight." sabi ko. He bid his goodbye and hang up the phone.

Tumunog yung cellphone ko with a message from someone.

Tumunog yung cellphone ko with a message from someone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

...
3 chapters to go.. Panis may pa photo. HAHAHAH sorry for the late UD. Nagkawriter's block ako dahil narin may ginagawa akong twitter serye. But anyways, here you go.💕💕

Want You Back (Book 1)On viuen les histories. Descobreix ara