Kabanata 11

1.8K 73 9
                                    

Katulad ng sinabi ni Kai kahapon habang nasa byahe kami pinilit niya akong lumabas ulit ngayong gabi. Parang walang kapaguran ang isang to. Grabe kung makagala. Anlayo kaya ng Pangasinan. Pero kilala ko si Kai. He don't want any of his plans to be cancelled. Gusto niya laging on time ang paggawa niya nito. Katulad sa trabaho. He was a very strict boss. Naalala ko noon may napagalitan at napaiyak siyang empleyado niya dahil nalate ito sa meeting na importante para sa kompanya. Without me there, baka nakasuhan na si Kai ng verbal assault.

"Jusko, maghintay ka nga. Hindi ka ba napapagod ha?" saad ko habang naliligo sa bathroom ko. Nasa loob siya ng kwarto ko. Hindi ko alam ano ginagawa niya right now pero may feeling ako na hinahanapan niya ako ng damit sa maleta ko.

"Hindi. Atsaka sayang oppurtunity, Dee. Fafa tong irereto ko sayo. Sayang naman kasi aalis na siya bukas magmimigrate na sa New York malay mo pagbalik mo sa States makita mo siya edi destiny na kayo. Tsaka ulam na to, Dee. Kanin nalang kulang pede ka ng lumafang." sigaw niya pabalik sakin. Napairap na lang ako at pinagpatuloy ang pagligo ko. Paano ko maakit ang isang to eh nirereto nako sa iba?

Sinuot ko yung pinili niyang damit sakin ng matapos akong maligo. Pagkalabas ko ng cr wala na siya don. Napangiti ako sa pagiging gentleman hanggang ngayon ng baklang yon. Naka black spaghetti strap body con dress ako. I smiled at his taste. Nag-apply ako ng light makeup pero naka red lipstick. I blow dried my hair, get my purse and put on my black heels.

"Tara na. Bago pa magbago isip ko." saad ko ng makababa ako at ng makasakay ako sa kotse niya.

"Pwede ba akong mag-apply bilang stylist mo?" biro niya at inirapan ko labg siya. "Okay, okay. Magda drive na ako." sabi niya.

Nakarating naman kami sa isang bar sa Maynila. Masyadong matao ang bar na ito at amoy na amoy ang alak. Malalim na ang gabi kaya sure akong kanina pa ang mga tao dito at ang ilan sa kanila kung hindi ako magkakamali ay lasing na.

"Tara. Andoon sila." saad niya at hinila ako kung saan. Nandon nga sina Hana, Jade, Kiana, Paolo at ilan sa mga kaibigan ni Kai na hindi ko kilala. New friends niya ata. Nginitian ko silang lahat at hinila naman ako ng bakla sa isang lalaking mukhang Amerikano. Brown yung mata niya at grabe yung appeal niya. Ang guwapo niya sobra infairness.

"Ito nga pala si Abcde Santos. Dee, si Kyle Medina." pagpapakilala ni Kai. Ngumiti naman ako sa lalaki na ginantihan naman niya ako ng poging ngiti. Kung hindi ko lang mahal tong baklang to baka kanina pako nagkainteres sa lalaking to. Makalaglag panty ang kagwapuhan eh. Over.

"Diyan ka na." bulong ng bakla at tinulak ako. Muntik nako masubsub kundi ako tinulungan ni Kyle. Napangiti naman ako sa hiya.

"Sorry ah. Kainis kasi yung lalaking yun eh. hehe." awkward na tawa ko.

"Why don't you take a seat?" aya niya sabay lahad ng upuan sa tabi niya. Tumango naman ako at umupo sa tabi niya.

...
Mabait naman si Kyle. Sadyang wala lang akong interes talaga. Hindi naman sa pagiging choosy kasi hulog na ng langit tong si Kyle eh. Sadyang mahal ko parin talaga hanggang ngayon yung bakla kong ex. Napag-usapan namin ang tungkol dun at naiintindihan naman niya ako.

"Alam mo may plano ako? I know Kai. I've been friends with him for quite a while now. Why don't we make him jealous?" suggest niya.

"Psh. Hindi magseselos yun. Siya pa nga tumulak sakin sayo eh. Paano magseselos yun?" sabi ko at napatawa nalang siya.

"Okay kasi I'm getting uncomfortable na sa stares na binibigay nita sakin kanina pa." sabi niya at napatingin naman ako kay Kai na nag-iwas ng tingin ng lumingon ako. Busted.

"Hayaan mo siya. Alam mo dahil nireto niya ako sayo. Why don't we dance? Sabi nga niya malay mo magkita tayo sa New York at destiny na kumbaga." sabi ko at tumawa naman siya sabay inom ng alak.

"Alright. Yun eh kung pag nakita kita wala pang bato na nakalagay diyan sa daliri mo." sabi niya at tumawa lang ako. Inalalayan niya ako tumayo at sabay kaming pumunta sa dancefloor.

Sobrang dikit ng katawan namin pero hindi ko alintana yun dahil na rin sa closeness na nangyari samin pagkatapos namin mag-usap. O maybe dahil narin sa kalasingan.

"Pag hindi gumana ang plano ko makuha muli ang ex ko. Hahanapin kita sa New York." sabi ko at tumawa naman siya. Naglean siya ng kunti para bumulong sakin.

"Wag mo na ako hanapin kusa akong lalapit sayo." bulong niya at umiling lang ako. Ilang minuto pa kami nagsayaw bago ako higitin ng kung sino man. Ready na kong bulyawan ito ng nakita kong si Kai pala to.

"Uwi na tayo." malamig na sabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko namalayan na nagpaalam na pala si Kyle kay Kai na aalis na siya. "Tara na." sambit niya at hila sakin palabas ng bar.

"Pero yung purse ko nandon pa." angil ko at napatsk naman siya.

"Nasakin na. Tara na." malamig parin ang tono niya. Napakunot naman ang noo ko. Hindi nako nakapagtimpi at hinila ang kamay ko na hawak hawak niya.

"Ano bang problema mo?!" galit na tanong ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong bulyawan siya. Bored niya lang akong tiningnan.

"Uuwi na tayo o kakaladkarin kita papasok ng sasakyan ko." banta niya na mas lalo kong ikinainis. Lasing na nga yata ako.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?!" sabi ko kaya hindi na siyang nag atubiling sumagot pa at hinila na ako papunta sa sasakyan niya. "Ano ba bitawan mo ko?! Nasasaktan ako!" sambit ko at binitawan naman niya ako.

"Pumasok ka na." mahinahon ngunit malamig niyang utos sakin.

"Hindi kita maintindihan. Kanina kung ipagtulakan mo ko wagas. Tapos ngayon para kang boyfriend ko kung makahila. Ano bang problema mo?!" pakikipag away ko pa. Ganto kami mag away nung kami pa. Ako yung palasalita siya yung mahinahon lang at nagtitimpi. But in the end siya parin yung nanghihingi ng patawad kahit ako yung mali.

"Pumasok ka na." pag-uulit niya at hindi pinansin yung sinabi ko kanina.

"Ayoko nga. Ayoko pang um-" natigil ako sa kakadada ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung totoo ba yung nangyayari. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng dibdib ko na ngayon ko kang ulit naramdaman sa loob ng ilang taon. I closed my eyes and let the moment happen.

I let Kai kiss me like how he kiss me before.

...

Want You Back (Book 1)Where stories live. Discover now