SIMULA

7K 107 29
                                    

Bakit napakaunfair ng mundo? As in sobrang unfair. Hindi ba pwedeng lahat masaya nalang. Bakit naimbento pa ang feeling na malungkot?

Kasalukuyan akong umiiyak sa bar, hindi naman ako mag-isa katulad ng nga nababasa o napapanood. Kasama ko yung mga friends ko at kanina pa nila hinahagod yung likod ko para tumahan ako.

"Dee, tumigil ka na. Hindi ko nga rin akalain nung una." ani ni Jade. Mas lalo lang ako umiyak.

Probably mukha nakong tanga kakaiyak at kakahikbi sa bar na ito. Kasalanan ko ba kung pagbalik ko galing Amerika simula ng hiwalayan ko ang boyfriend ko eh ibang iba na siya? As in iba dahil nakita ko siyang may kasama. Take note hindi babae kundi lalaki. May mas isasakit pa ba yon?

I know kasalanan ko kasi hindi ko naipaliwanag sa kanya kung bakit ko siya hiniwalayan. Basta sinabi ko na lang sa kanya na hiwalay na kami. Pero pinangako sa sarili ko na pagbalik ko makikipagkita ako sa kanya at makikipagbalikan. Anong napala ko ngayon, eto nagmumukmok sa isang bar.

"Ate Dee, kuya is really miserable without you. Nasaksihan ko kung paano siya naging matamlay nung naghiwalay kayo. But then, I saw him get back to his feet when he met Primo. Alam mo naman before na may pagkabakla talaga si kuya. Only you make him a man he was." Kiana said, ang kapatid na bunso ni Jaden Kai Buenaventura.

Ang pogi ng pangngalan no. Kaya hindi ko talaga akalain na magiging bakla siya ulit. I have nothing against gay. I mean, I accepted him before. Nainlove nga ako sa kanya eh. Masakit lang na ikaw nga ang nakapagpabago sa kanya pero ikaw rin ang magpapabalik sa kanya.

"Paano mo ba kasi siya nakita?" Hanna asks. I sighed at pinunasan muna ang mga mata ko.

"I was about to hail a taxi. Kasi nga I forgot to call one of you para sunduin ako. Nung nakita ko siya sa loob ng airport kayakap yung Primo na yun. I guess they just got back from a vacation based narin sa mga suot nila." I said and they all sighed.

"Yes, pumunta silang Bora." sagot ni Kiana.

"Pero Abcde maghunusdili ka na. Dami pang iba diyan." sagot ng bakla naming friend na friend din ni Kai na si Paolo.

"Ayoko ng iba, okay. I promise myself na babalikan ko siya." saad ko.

"Pero wala ka ng binalikan." pangbabara niya at dahil dun nagunahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko.

"Shit ka talaga, Paolo. Hindi na nga umiiyak kanina eh." sabi ni Hanna at inalo na naman ako nila.

Life is so unfair.

...
The next day, matinding sakit ng ulo ang bumungad sakin. I groaned and get up. Luminga linga ako sa paligid at napabuntong hininga. Ni hindi ko manlang naalala kung pano ako nakabalik.

"Mam Abcde." tawag mula sa labas ng kasambahay namin na si Manang Ophelia. Binuksan niya ang pinto at binigyan ako ng isang malaking ngiti.

"Mam, heto po inumin niyo nakakatulong po yan sa hangover. Balita ko po ay 5 months lang po kayo dito at tutulak na pabalik sa Amerika. Grabe naman po at ang bilis." sabi niya at napangiti naman ako sabay inom ng gamot.

"Opo, Manang eh. Nakabase na po kasi ako doon. Bali dito tourist na lang ako." sabi ko at napatango nalang siya.

"Osiya sige, iha. Ipaghahanda na kita ng pagkain. Bumaba ka na ha. Pupunta daw ang mga kaibigan mo at aalis daw kayo." saad niya at umalis na.

Napagpasyahan kong maligo muna bago bumaba kasi kabisado ko ang mga kaibigan ko. Hindi na nila ako papaliguin pag nandito na sila. Nagsuot ako ng white tube dress at bumaba na. Saktong pagbaba ko ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ko.

"Good morning, kamahalan." bati ni Paolo at nagsibatian naman sila.

"Good morning. Ang aga niyo naman ata." saad ko at sinundan nila ako sa dining room.

"Syempre mag-aagahan kami dito at sasama ka samin." saad ni Kiana.

"Saan naman tayo pupunta?" I asks at umupo na kami. Nakahain na nga ang mga pagkain katulad ng sinabi ni Manang.

"Sa Puerto Galera." tugon ni Hanna. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano naman ang gagawin natin doon?" sagot ko at nagtinginan muna sila. "Spill the beans already." mahinahong sambit ko.

"Nung nakita mo si kuya at kuya Primo sa airport. Kakabalik lang nila galing Bora non but kahapon lang nung walang sawa ka naglasing, pumunta na sila sa Puerto Galera." sabi ni Kiana.

"And what's in it for me? Bakit ako involve?" tanong ko. Isang momento muna ng katahimikan ang bumalot sa paligid.

"Dahil plano ni kuya Primo na magpropose kay kuya by the end of May. So may two months ka pa para maakit mo pabalik sayo si kuya. Because Mom was never on board with him and Kuya Primo. Pero dahil nga nasaktan si kuya ng naghiwalay kayo wala na siyang nagawa but to accept it." she explains at nagitla naman ako sa mga information na meron siya.

Sa pagkakakilala ko kay Kai, pag mahal niya ang isang tao ipinaglalaban niya to. Kaya hindi nako magtataka kung bakit okay sa Mom niya ang relasyon niya kay Primo na yun. Whoever that guy is at alam ko na pag nagpropose ito ay walang pakundangang sasagutin agad ito ni Kai.

"Okay. Let me pack my things." sabi ko at nagsilayan naman ang mga ngiti sa labi nila.

Be ready, Kai. I'm gonna make you mine.

...
Fact: Ang basa po sa pangalan niya ay Abcde (Ab-si-dee).

Want You Back (Book 1)Where stories live. Discover now