Kabanata 13

1.9K 63 3
                                    

Hinila ako ni Kiana papunta sa mga pinsan niyang masayang naguusap-usap habang umiinom. Namiss ko tuloy yung mga pinsan ko din.

"Oh my gosh, Dee." bati ni Jane, kapatid ni Irene, panganay sa tatlong anak ni Tito Salem.

"Hi, Jane." mahiyaing bati ko. Gatherings really made me shy. Hindi kasi ako yung taong magaling makihalibilo. Kaya ko makisama kapag matagal na tayong magkakilala but I'm not a person na uunang mag-aapproach to make friends.

"Ang ganda ganda mo. Ang payat payat. Nakakainis." saad niya at pinamulahan naman ako dahil dun. Isa-isa kong binati ang mga lalaking pinsan nila Kiana. Take note, sa apat na magkakapatid na Buenaventura. Tanging sina Tito Salem at Tito Diego lang ang may babae. Tapos tig tatlong anak silang lahat maliban kay Tito Diego.

"Kailan ka pala umuwi, Dee? Hinahanap ka ni Papa." saad ni Finn. Kapatid nila Irene.

"Nakaraan lang. Nasabi niya nga kanina na dumaan siya." sagot ko. Pinaupo naman ako ni Kiana sa tabi ni Irene. Binigyan ako ni Jane ng inumin at malugod kong tinanggap ito.

Kai like usual don't mind my existence. Okay, lang naman at least hindi awkward diba. Marami kaming napagkwentuhang mga babae bago nakisali ang mga lalaki sa usapan namin.

"Hindi ko nga alam kung bakit naging malambot tong si Kai. Surrounded naman siya namin." biro ni Eric at tinawanan naman siya ng mga pinsan niyang iba.

"Well, maybe I like admiring guys than girls. Eh ikaw, halos jombangin mo na lahat ng babae." masungit na sambit ni Kai.

"Easy, Jaden Kai. Masyado kang pikon. Minsan lang tayo nagbobonding eh." saad naman ni Victor. Umirap lang si Kai at sumimsim sa inumin niya.

"Alam mo nung naging kayo nito, Dee. Tuwang tuwa kaming mga pinsan niya. Kasi lalaki na utol namin eh. Halos magthrow kami ng stag party para sa kanya." kwento ni Sawyer. Ngumiti naman ako at nakaramdam ng ilang.

Alam kong dapat kong paghandaan ito kasi hindi matatapos tong araw na ito hangga't hindi nauungkat yung past namin ni Kai. Ilang taon din niya akong naging girlfriend. Akala ng lahat ng pamilya niya eh kunting kembot nalang sa relasyon namin eh yayayain nako ng kasal ni Kai.

"Oo, tol. Naalala ko yun. Yun yung unang beses na nakita nating pumorma ng panlalaki tong si Kai. Hindi yung puro pink at iba't ibang kulay ang sinusuot." dagdag ni Victor. Madami naring nakidagdag sa kwento kung paano ko nga pinatigas umano ang pusong malambot ng isang Jaden Kai Buenaventura. Tanging ako lang, si Kai at Kiana ang hindi nakikisali.

"Pero maiba ako ah. Bakit mo ba hiniwalayan tong pinsan namin?" tanong ni Finn. That question makes my heart stop. Hindi ko alam na aabot sa tanong na yan ang usapan namin. I can feel the eyes of his cousins staring directly at me waiting for my answer. Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa katanungan na yan. Hindi pa ko ready sabihin sa kanila. Kasi pakiramdam ko yung marupok na pader na itinayo ko eh mababasag muli at hindi ko na kaya pa itong itayo muli ng ako lang mag isa.

"Tinatanong pa ba yan, Finn. Psh. Of course, she gave up. Napagod. Tapos." sabat ni Kai at napatingin ako sa kanya. Ganyang ganyan ang sinabi ko sa kanya nung nakipaghiwalay ako noon. Funny how that words hurt my heart 10 times of how I felt when I said that to him before.

"Shh, insan. Hindi ganon yon. Sometines, girls have deeper meanings sa pakikipaghiwalay nila." pagtatanggi ni Victor. "So bakit nga, Dee?" tanong niya. Halos hindi nako makahinga at pinipilit ko na lang pigilan ang nararamdaman ko.

"You know what, Kuya Victor. Let it go na. Whatever her reason pwede naman malaman ito sa susunod." sabi ni Kiana.

"Yeah, because clearly what I said is the reason. Matagal na yon, Victor and besides I have Primo now so why bring up the past." sambit ni Kai na mas lalong nakapagpasakit ng puso ko.

"Right. Pero hindi pa rin ako naniniwaa na yun yung dahilan. I know, Dee. Hindi siya gagawa ng mga bagay na walang deeper meaning." sabi ni Victor. Even him knows me. Ang tagal naming magkakasama kaya alam kong hindi sila naniniwala sa alibi ko noon na sinasabi ni Kai ngayon sa kanila.

Napunta sa iba ang usapan nila at nakahinga naman ako ng maluwag. I saw how Kai excuse himself. I felt like I needed to talk to him so I excuse myself also.

"Hello? Yes, babe..... I'm fine.... Yeah, take care always. I love you." narinig kong sambit niya. Obviously, kausap niya si Primo.

"Kai, can we talk?" I said when I saw him hang up the phone. He look at me and raised his brows.

"Hindi pa ba pag-uusap yung ginagawa natin ngayon?" pagtataray niya. Ano na namang nakain nito?

"Thank you for what you did there. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa buing pamilya mo lalo na sayo ng iniwan nalang kita basta and I'm sorry for that. Also, about the othe--" pinutol niya na ako sa dapat ay sasabihin ko.

"I was drunk and wasn't thinking. Kalimutan mo na yun. Wala lang yon. I am fully committed to Primo and what I did is a mistake." saad niya. Napanganga naman ako sa masakit na salitang binitiwan niya.

"O-okay." tanging naisagot ko. Pinipigilan ko na lang umiyak sa harapan niya bago tumalikod at lumabas ng bahay nila at bumalik sa mga pinsan niya. Uminom ako ng uminom na mas ikinatuwa ng mga pinsan niyang lalaki dahil ngayon ulit nila nakita ang isang Abcde na uminom muli.

"Ay nako, pigilan niyo na yang si Abcde." narinig kong saway ni Tita Thea. Kiana was the first one to tame me.

"Ate, tama na. Magdrive ka pa." sabi niya at kuha ng bote sakin. Napapout naman ako.

"One more, please. As in last one na. Hindi na ulit." sabi ko at binigay niya sakin ang bote para ubusin ko. Inisang lagok ko ito at ngumiti sa kanya habang binibigay ang bote. "I told you last na yan."

"Lasing ka na." she stated. "Ma, uwi ko lang muna po tong si Ate Dee. Mahirap na at baka madisgrasya pa." sabi niya. Nakakunot noo ko siyang tiningnan at binulungan.

"Ayoko pang umuwi." saad ko at humagikgik. Nilasing mo na naman ang sarili mo, Dee. Very good ka talaga.

"Nakainom ka rin, Kiana eh. Baka mapahamak pa kayo." sambit ni Tita Thea.

"I'll take her home." agad namang napalingon ang natitirang pinsan nila Kiana kay Kai ng magsalita ako. "Nahimasmasan na ko, Ma. I can surely drive." sabi niya sabay tayo at pagpag ng damit niya. Lumapit siya sakin at effortless na inaaba ako sa likod niya. "Alam kong nasa wisyo ka pa ng kunti. Kumapit ka ng hindi ka mahulog." instruct niya at sinunod ko naman yon. Kuampit ako maigi sa kanya at inangat naman niya ako at inalalayan ako sa binti para hindi ako mahulog.

"Mag-ingat, Kai ah. Jusko." sabi ni Tita at nagkiss lang si Kai sa Mama niya.

"Asan susi mo?" tanong niya.

"Nasa bag ko." sagot ko at higa sa balikat niya. "Can I ask a question?"

"Nagtatanong ka na nga diba." pag tataray niya. I rolled my eyes at him. Binuksan niya ang pintuan ng kotse ko at ibinaba ako doon. Inayos niya ako ng pagkakaupo at nilagyan ng seatbelt.

"What really happen after I left, Kai?" huling sambit ko bago ako tuluyang nilamon ng antok.

...
Note:

Shameless plug. Give support to my other book. The Bucketlist yung title. Thank you guys. Xx

Want You Back (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora