Kabanata 9

1.9K 62 3
                                    

Kinaumagahan nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Actually kanina pa siya maingay eh. Hindi ko lang pinapansin kasi gusto ko pa talagang matulog. Napabuntong hininga ako at napagpasiyahang sagutin na ang tumatawag.

"Hello?" medyo paos kong sambit dahil nga kagigising ko lang.

"Ay, bagong gising. May pupuntahan tayo, girl." baklang bati sakin ni Kai. I know it's him. The difference between him and Paolo is that Paolo has this high pitched voice yung as in para talagang naiimpit pero natural while Kai has this still deep voice pero malambot. Gets? Bahala na kayo.

"Saan naman tayo pupunta? Pwede bang magstay muna dito sa bahay. Grabe wala akong pahinga simula nung dumating ako ha." sambit ko at humiga ulit sa kama.

"Okay lang yan, girl. Atsaka susulitin natin yung 5 months mo dito. I diba parang nay taning lang. Sunduin ka namin ni Kiana diyan mamaya. Bye." sabi niya sabay baba ng telepono para hindi na ako makaangal. He knows me to much. Alam niyang kapag hindi niya ako binabaan. Makikipag argue ako sa kanya hanggang sa mapaoo ko nalang siya sa kakulitan ko.

I sighed and stayed on my bed for a couple of minutes bago ko mapagdesisyunan na maligo dahil hihilahin na naman ako ni Kiana palabas ng kwarto ko. After taking a shower, I opted for a white flowy dress. I braided my hair and put some light make up on.

Mas maganda na rin na aalis kami ngayon atlis kahit papaano is on going yung plano ko pati yung wedding plan chuvarness ni Primo. Hayst. Nakakaloka.

Habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa sling bag ko isang busina ang naghudyat sakin na andyan na ang ex kong bakla pati ang kapatid niya. Bumaba nako at nagpaalam sa isang katulong na napadaan.

"Wow, ambilis mo atang kumilos, Ate Dee. Parang dati kapag sinusundo ka namin ni kuya 30 minutes pa bago ka bumaba ah." komento ni Kiana ng pumasok ako sa kotse ni Kai. Dun ako umupo sa passenger seat dahil nakaupo na si Kiana sa likod. Tong babaitang to talaga. "Ay, past na pala yon. Sorry." sabi niya na may halong pangungutya. Sapakin ko kaya to.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglagay na ng seatbelt. Isang alaala ang nanumbalik sakin ng gawin ko yun.

"San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya ng sinundo niya ko sa trabaho. Ito ang unang beses na sinundo niya ko sa trabaho. Nanliligaw palang siya.

"Basta, girl." sabi niya at ngisi sakin. Bakit ba ang gwapo ng kupal na to?

"Ayan ka na naman sa kabaklaan mo." pang-aasar ko. Inistart niya muna ang sasakyan niya bago tumingin sakin.

"Mahal mo naman. Sus, girl. Huwag ng pakipot." sabi niya na nagpangiti sakin. Naglean in naman siya sakin kaya napaatras naman ako.

"A-anong gagawin mo?" nauutal kong tanong. Ngumisi siya sakin at tuluyang lumiyad. Ramdam ko na ang mainit na hininga niya sa labi ko. Shit ano ba tong ginagawa ng baklang to. Ngumisi siya bago tuluyang lumapit sakin.

"Magseat belt ka, girl. Papakasalan pa kita kaya kailangan safe ka." sabi niya sabay kabit ng seatbelt sakin. Tangina nitong baklang to. Paasa. Ako naman kasi assumera. Pinamulahan naman ako sa sinabi niya at hindi na umimik pa.

"Bakit nanahimik ka?" taning niya ng umandar na ang sasakyan. Tumawa siya na ikanainis ko. "Kala mo hahalikan kita no. Eww, girl. Charot. May tamang panahon diyan, girl. Kahit temp na temp na ako at kadiri yun." sambit niya.

Napangiti naman ako at ikinabit na ng tuluyan ang seatbelt ko. Napansin ko naman na nakatingin si Kai sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tong merlat na to. Kabadtrip." sabi niya sabay start ng sasakyan niya.

"Ano na namang ginawa ko sayo?" sambit ko at ikinunot ang noo ko. Napatingin ako sa rearview mirror at ang gaga niyang kapatid ay tuwang tuwa.

"Bakit kahit ang light ng makeup mo ang ganda mo pa rin?" sabi niya na ikinatitig ko sa kanya. Pinapakilig bako ng isang to ng hindi niya alam. Pati ang gaga niyang kapatid ang laki na ng ngiti sa likod.

"Ano?" tanging nasambit ko.

"Anong secret mo? Kainis eh. Pahingi naman ng skin care tips." sabi niya na ikinailing ko ng ulo. Itong baklang to talaga.

"Magdrive ka na nga lang." sabi ko at tumingin na sa labas.

"Okay, madam." sambit niya at pinaandar na ang kotse niya.

...
After ng nakakangawit sa pwet na byahe, nakarating rin kami sa pupuntahan namin. I smiled when I recognize the place. Pampanga. Specifically sa sunflower maze.

"Namiss mo dito no? Tara na." sabi niya sabay baba ng kotse niya. Sumunod naman kami ni Kiana sa kanya.

"Grabe kayo ni kuya ah. Muling ibalik na ba?" sambit niya at siniko ko naman siya.

"Medyo subtle naman, Kiana. Grabe kong kiligin daig mo pa ako." sabi ko.

"So, kinilig ka nga, Ate Dee. I'm so kilig, jusko." sabi niya at tumili na ikinatingin naman ni Kai sa gawi namin ni Kiana.

"Bwisit ka talaga, Kiana. Mamaya ka sakin." bulong ko at nauna ng maglakad sa kanya.

...
Hinila ako ni Kiana kung saan saan habang si Kai naman ay nakasunod lang samin.

"Kuya, picturan mo naman kami ni Ate dito." sabi niya sa kuya niya at bigay ng phone niya. Hindi naman nakaangal si Kai at sabay kaming nagpose ni Kiana. "Ikaw naman, Ate Dee. Mag-isa." sabi niya at umalis sa tabi ko.

"Hindi na. Ayos lang." pagtatanggi ko at napatingin naman ako kay Kai na nakangiti lang sakin na para bang sinasabihan ako na sige lang.

"Medyo tagilid ka Ate Dee. Ayan, bongga. Dali na kuya. Take a picture na." sabi ni Kiana.

" sabi ni Kiana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Okay na." sabi ni Kai. Tiningnan ni Kiana ang picture at ngumiti.

"Kayo namang dalawa. Dali na, minsan lang." sabi ni Kiana at napataas ako ng kilay sa kanya.

"Tama na nga, Kiana." sambit ko at nginitian niya lang ako.

"Tara na at baka masapak ko lang tong merlat kong kapatid." sabi ni Kai sakin at tumabi siya sakin.

"Ano ba yan? Parang class picture lang. Ang panget." sabi ni Kiana. Masasapak ko na rin tong babaeng to eh.

"Kung di ko lang kapatid to." bulong ni Kai at lumapit ng unti sakin. Magkadikit na ang braso naming dalawa pero ramdam mo parin ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Nagulat ako ng hapitin niya ang bewang ko at iharap niya ko sa kanya. Itinapat niya ang noo namin at narinig ko ang salita ni Kiana na nakuhaan niya na kami.

Tangina talaga ng baklang ko. Papatayin ako nito sa pagpapakilig niya eh. Badtrip.

"Okay ka na? Tara na dun." sabi ni Kai sa kapatid niya at nauna ng maglakad samin. Hinampas ko naman ng pabiro si Kiana.

"Gaga ka talaga." sambit ko at lumawak naman ang ngisi niya.

"Kunwari ka pa, Ate Dee. Kinilig ka naman eh." sabi niya at inirapan ko lang siya pero hindi ko rin napigilan ang pagngiti ko. "Diba? Kinilig ka rin. Kunwari ka pa, Ate Dee eh." pang-aasar niya sabay tawa.

...
Sorry sa late update. ☺

Want You Back (Book 1)Where stories live. Discover now