Kabanata 8

1.9K 63 0
                                    

I enjoy my time here in Baguio. Una dahil kasama ko si Kai kahit na nagsusungit at parang may regla siya okay lang. Pangalawa, I get to explore the city again just like I used too. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Nagkita kita na kami nila Hanna dahil para silang sira na sunod ng sunod samin ni Kai habang namamasyal kami.

"My treat na dahil hindi ko pa kayo nalilibre simula nung nakauwi ako. Kaya sulitin niyo na." sabi ko at napahiyaw naman sila sa tuwa.

"Bonggacious ang bagong dating." saad ni Paolo at ngumiti lang ako. Nagsiorderan naman sila at nag-order lang ako ng salad at milkshake.

"Sa dami ng inorder namin yan lang inorder mo?" puna ni Kai habang nakatingin sa pagkain ko. Napangiti naman ako sa kanya.

"I need to maintain my figure, Mr. Buenaventura." sambit ko at napatsk naman siya.

"Kailan ka pa natuto niyang maintain maintain na yan. Merlat na to. Kumain ka ng marami." sabi niya na nakakunot ang noo. Nakatingin naman samin ang mga kaibigan namin at nanahimik animo'y nanonood ng palabas.

"Hindi nga pwede, Kai." sabi ko at bahagyang tiningnan si Kiana para manghingi ng tulong. Una ay hindi niya maintindihan ang makahulugan kong tingin pero sa awa ng Diyos ay naintindihan niya naman kamalaunan.

"Oo, kuya. Ate Dee is also a model in America medyo lowkey nga lang yung agency and yung photoshoots but still she needs to maintain her body shape." pagsisinungaling ni Kiana.

"Ano namang pakialam ko? Nako merlat ka baka mapatay ako ng mudrabels mo kapag nalaman niyang hindi ka nakain dito sa Pinas. Oh, kumain ka. Kanin dapat hindi salad." sabi niya sabay hain sakin ng kanin.

"Bakit ba ang kulit mo?" tanong ko ng may halong pagkainis. I appreciate his efforts thought pero hindi na kasi katulad noon ang ngayon. Marami ng nagbago. Marami ng dapat iwasan.

"Ako pa makulit. Tss. Kumain ka na. Wag kang aangal. Friends na tayo diba. Ang magfriendlalu ganyan kung magbigayan." sabi niya sabay hawi ng invisible hair niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Patago na lang naming kakainin yan, Dee." sabi ni Hanna na katabi ko. Tumango naman ako at sumubo ng kanin para makita ni Kai na kumakain nga ako. Dalawang subo lang ang ginawa ko at palihim na binigay kay Hanna yung kanin ko.

Successful naman ang ginawa namin at pinagpatuloy ang pagkain ko ng salad pero dahil sa kanin na kinain ko naramdaman kong kunti nalang ay maduduwal nako.

"Tama na, Dee." sambit ni Jade at napatango naman ako at sumipsip sa milkshake ko. Pagtapos namin kumain binayaran ko lahat ng inorder nila at naoagpasiyahan na naming bumalik pa Maynila. Habang naglalakad kami papuntang sasakyan nakaramdam naman ako ng kunting pagduduwal kaya napahinto ako sa lakad.

"Ate Dee, okay ka lang?" tanong ni Kiana na nakasunod pala sakin. Tumango ako at nginitian siya. "Sure ka ah? Mapapatay ko talaga yun si Kuya." sabi niya at inalalayan akong umakyat sa sasakyan. Halos hindi nakawala sa paningin ko ang nag-aalalang tingin ng mga kaibigan namin maliban kay Kai na wala namang alam.

"Okay ka lang?" tanong ni Jade at napatango naman ako.

"Nabigla lang." sabi ko at napabuntong hininga siya.

"Uwi na ba tayo?" tanong ni Kai at tumango naman si Paolo sa kanya. May driver naman kaming kasama kaya hindi na kami nahirapan pa.

...
Pagkauwi ng bahay sinalubong naman ako ni Manang Ophelia.

"Kumain ka na ba, iha?" tanong niya at tumango naman ako. "Siya sige at magpahinga ka na. Tumawag nga pala ang mommy mo kinakamusta ka." sabu niya at ngumiti ako bago pumanhik sa kwarto. Habang papasok ng kwarto I dialed mom's number and after three rings sumagot naman siya.

"Hello, my baby? Kamusta ka diyan?" she said and I smiled. Marinig ko kang boses ni mommy okay na ako. You know those motherly feels.

"Okay lang ako, mommy. Actually sorry po dahil hindi ako nakatawag simula ng makarating ako rito. Nag-aya kasi kaagad sina Paolo na sumama ako sa Puerto kaya nakalimutan ko na rin." paliwanag ko.

"Okay lang, baby. You miss your friends. You leave them so abruptly kaya naiintindihan ko kung gano mo sila kamiss." saad niya at napangiti naman ako dahil don. "Nagkita na ba kayo ulit?" tanong niya and I know she's pertaining to Kai.

"Yes, Mom. We did. Actually, treat ng boyfriend nia yung Puerto." sabi ko at napabuntong hininga naman si mommy.

"Oh, so he's gay again?" sabi ni mommy at napangiwi naman ako.

"He's always been, Mom pero okay na kami." sabi ko at alam kong tinaasan na ko ng kilay ni Mommy.

"Okay na nga kayo. Okay ka ba? Honey, I know you're still hurting kahit itago mo sakin nararamdaman ko bilang mommy mo ramdam ko, baby. You leave him so suddenly syempre mas masakit yun sa part mo kasi hindi mo masabi ang dahilan sa kanya. Oh about that matter, nasabi mo na ba?" she asks and I sighed while taking a sit on my bed.

"I don't have plans to, Mom. But my friends know na. I just don't want him to pity me, Ma." saad ko at napahum naman siya as a response.

"Alright well, get off the phone already before I started to miss you and book you a flight back to America immediately." sabi niya at napatawa naman ako.

"Okay, Mom. Bye na. I love you po." sabi ko at ganon din ang sinagoy niya. I felt content nung nakausap ko si Mama. Feeling ko sobrang nagpatong patong na ang problema ko. Una, kailangan kong mag plan ng wedding sa ex kong gusto kong mapasakin muli. Pangalawa, kailangan kong mapaibig sakin ang ex ko at pangatlo, kailangan kong maging subtle habang ginagawa yun.

Napahilata ako at napapikit. Hays. Kung hindi ko kaya iniwan si Kai, kami pa kaya?

"Ano ba namang pag-iisip yan, Dee?!" inis na sambit ko sa sarili ko at napabangon. Kumuha ako ng pampalit ko at napagpasyahan kong maligo muna bago matulog. Pagtapos kong maligo sakting nagring naman ang phone ko. Tumatawag si Primo.

"Hello?" sagot ko at ilang salita pa ang narinig ko bago siya nagsalita.

"Hey, sissy. So how was the plan?" he asks at napabuntong hininga ako.

"Tatry kong maging subtle sa pagtatanong bukas. Yayayain ko sila nila Kiana gumala or something to get something out of him." sabi ko.

"Okay lang, Dee. I know na kababalik niyo palang. Nag Baguio pala kayo. Sayang hindi ako nakasama pero aasahan kita, Dee ah." sambit niya at napangiti naman ako ng pilit.

Nakikiayon nga ang universe sakin. Nahihirapan naman ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang nagplano ng wedding nila eh ako mismo hindi pa nakakamove on sa ex ko.

"Oo naman. Bigatin pa naman ang client ko so kailangan kong pag igihan. Medyo rusty pa ako ah. Matagal na kasi ng huli kong magwedding plan." saad ko at napatawa naman siya.

"Basta I trust you. In two months, I want everything to be done." sabi niya at napatango naman ako. After ng kunting chikahan, binaba niya na ang tawag. Napabuntong hininga naman ako.

Also in two months, done na rin ang lahat.

"Kaya mo to, Dee." bulong ko sa sarili ko at napahiga sa kama.

...

Want You Back (Book 1)Where stories live. Discover now