Kabanata 3

2.2K 84 5
                                    

Pagkadaong ng yate sa shore ng isang isla, nagsibabaan na kami. I smiled at the memories. Panigurado akong si Kai mismo ang nagsuggest kay Primo ng place na ito. Aside from it's beautiful scenery, may memories din kami dito. Like this is where he surprises me on my birthday. But I bet hindi niya na ito naaalala at binaon na ito sa limot.

"This is so cool, babe." Primo exclaimed and I saw Kai smiled at his boyfriend's amazed face. Ang saya saya nila tingnan. I'm starting to feel guilty sa gagawin ko. Para akong kirida na maninira ng pamilya.

Para akong aagaw sa inosenteng bata ng kendi. Is it wrong to want happiness again for my life? Mali bang humiling ng sobra-sobra? At lalabas na whore ako sa gagawin ko. But I guess my desire to want something is overflowing kaya hindi ko ito pipigilin.

"I remember this place, Dee." Hanna said beside me. I look at her and smiled. "You both are very happy that day." I nodded and sadly bowed my head. "Tara." aya niya at napatango nalang ako.

Every part of this island reminds me of us. Hindi masakit ito para sakin. Hindi naman ako katulad ng ibang tao na kapag may nagpapaalala ng bagay sa kanila ng ex nila ay ngangawa. It makes me happy.

"Sisimulan na natin ang oplan agawin si Kai ngayon ah." sambit ni Paolo at napangisi nalang ako. "Wag kang ngingisi-ngisi lang jan, chararat ka. Kailangan mapukaw mo talaga ang atensyon ni papa Kai dahil para san pa at nagpunta ka dito. Shipper niyo kong dalawa kaya galingan mo, mader." sabi niya at tumawa nalang ako.

"Tara na, Ate Dee. Let's get dress na." yaya ni Kiana at nagpatianod nalang ako sa hila niya.

Pagkatapos naming magbihis ay lumabad nako sa cr at napasinghap naman si Kiana. Nakared two piece ako.

"Ate Dee, grabe. Ang sexy mo na sobra. Bagay na bagay sayo yang red two piece kasi pumiti ka lalo. Naiinggit ako, Ate." sabi niya at napangiti nalang ako.

"Maganda naman katawan mo ah." komento ko at napasimangot naman siya. Actually, si Kiana ang ideal girl ko pagdating sa katawan. She was not slim neither fat. Sakto lang. Naka royal blue siyang two piece.

"Napabayaan ko kasi katawan ko nung umalis ka, Ate eh." sabi niya at ngumiti naman ako.

"Ikaw talaga. Tara na." sabi ko at nagcover up muna. Masyadong revealing ang suot ko. Sanay naman akong magswimsuit dahil sa America ay baliwala lang ito sa ibang tao. Kahit wala ka pang bra kapag lumabas ka.

Kumaway ang mga kaibigan namin saming dalawa at sabay na tinungo ang cottage.

"Magtanghalian daw muna tayo bago maligo." bungad ni Jade na kasalukuyang naglalagay ng sunscreen sa kamay niya. Nakaswim suit top siya at short na alam kong tatanggalin niya kapag naligo na.

"Mabuti yun dahil nagugutom na ako." sambit naman ni Kiana. Hindi na ako umimik at nagayos na lang ng gamit ko. Nahagip ng mata ko sina Primo at Kai na nagpipicture di kalayuan sa kinaroroonan namin.

"Ang sweet nilang dalawa no?" sabi ng babaeng kaibigan ni Primo.

"I heard kapag umoo si Kai sa alok na kasal ni Primo ay mamamalagi na sila sa London pero ikakasal sila sa Canada dahil doon palang legal ang sane sex marriage." sagot pa ng isa.

"Pero grabe ang pagmamahalan nila. Alam mo yung walang wala si Kai noon nung nakita siya ni Primo." nakinig lang ako sa usapan nila habang mabagal na kinukumpuni ang mga gamit ko.

"Oo, nakakaawa talaga noon si Kai. Wala naman daw third party na naganap pero sa hindi malamang dahilan nakipaghiwalay si ate mo girl." alam kong tinitingnan na nila ako. I sighed. Hindi pwedeng mawala ang sarili ko sa usapan patungkol kay Kai at Primo. I started their relationship.

Want You Back (Book 1)Where stories live. Discover now