Kabanata 23

1.8K 62 4
                                    

Matapos ang halos isang iras na byahe. Nakarating na kami sa isang mansyon na pagmamay-ari ng mga Villafuerte. Isa sila sa mga sikat na pamilya dito sa Pilipinas. So, hindi na kataka taka na may ganto silang kalaking bahay. Inihinto na ni Kai ang sasakyan niya. Binuksan naman ng valet ang pintuan ko.

"Good evening, Maam." bati niya at nginitian ko lang siya. Ibinigay naman ni Kai ang susi niya at iginiya ang braso niya sakin.

"Prepare your smile, Dee." he whispered and as if on cue, pagpasok ng mansyon ng mga Villafuerte, nakakabulag na flash ng mga camera ang bumungad samin. Sanay naman ako sa spotlight dahil nga kilala ang store ko sa States. Pero hindi ko inaasahan ito ngayon.

"I thought the Villafuerte's likes privacy. Bakit parang pinugaran ng paparazzi itong bahay nila?" tanong ko ng pabulong habang awkward na ngumingiti sa mga camera.

"That's how they roll, Dee." saad niya at tumango naman ako. Matapos ng nakakabulag na senaryo nakarating na rin kami sa event's place mismo.

Nakakamangha ang detalye ng design ng party na ito. Siguradong pinaghandaan talaga to. Lahat ng tao na nadaraanan namin ay tipong mga mamahaling tao.

"Buenaventura." tawag ng isang lalaki at nakita ko naman ang pag ngiti ni Kai.

"Salem." he said and the guy look at me.

"Oh, who do you have here? Good evening, milady. Salem Villafuerte at your service." pagpapakilala niya. Para akong nilalamon ng malalim niyang mata. Hindi ako magtataka kung maraming babaeng nagkakandarapa para sa lalaking to. Halata sa kanyang tindig na isa siyang tinitingalang tao.

"Abcde. Abcde Santos." sagot ko at nakipagkamay sa kanya. He chuckled and tap Kai's shoulder.

"Chill, Kai. Sa pinapakita mo parang sinasabi mo na ring sakin na wala na kayo ni Primo. Anyways, cool name, Abcde and nice meeting a beautiful lady like you." sabi niya at nag-nod naman ako. Nakita ko ang pag-iba ng aura ni Kai matapos sabihin ni Salem yun sa kanya.

"Hey, okay ka lang?" tanong ko at tumango siya sakin at nilagay ang braso niya sa bewang ko.

"Hanap na tayo ng upuan." sabi niya sa akin at iginiya ako sa bakanteng upuan.

...
Isa palang birthday party ito. Kaarawan pala ng babaeng kapatid ni Salem na si Adriana. Sabi sakin ni Kai may clothing line din daw ito pero imbes na sa States ito sumikat sa Europe daw kilala ang business nito. Para din daw itong naging reunion ng anim na magpipinsan.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko kay Kai. Ilang beses na kong nagtatanong sa kanya nito dahil napansin ko ang pagkatahimim niya sa hindi malamang dahilan.

"Okay nga lang ako, Dee. Don't worry may iniisip lang." sabi niya. Tumugtog naman ang isang love song at lahat ng magkasintahan ay nagsipuntahan na sa dance floor. Nakita kong tumayo si Kai at inilahad ang kanyang kamay sakin.

"Would you dance with me?" he asks and I nodded and accepted his hands. Nang nasa dance floor na kami, hindi siya nag atubiling yakapin ako. Kapag ganito siya alam kong may problema siya at ang nais niya lang sayo ay nandyan ka sa tabi niya.

Like I said before, Kai is never good in his words. Hindi niya maexpress lahat ng gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng mga salita. He have a hard time doing that. I put my head on his shoulder as we slowly sway to the song.

"Am I making a mistake?" he whispered. Hindi ko siya maintindihan. "Is it worth it?" he whispered again. Hindi na ako nagsalita. Hindi ko naman kasi siya maintindihan eh.

Una siyang kumalas sa yakapan namin at ikinulong ang mukha ko sa dalawang kamay niya.

"Am I making the best mistake or the worst one?" tanong niya. Hindi ko talaga alam kung anong ibig niyang sabihin. Niyakap niya ko ulit at pinagpatuloy ang pagsasayaw namin.

Nang lumalim na ang gabi, napagpasyahan namin na umuwi na dahil medyo may mga tama na yung mga bisita nila. Sinabi ni Kai sakin na mabuti ng umalis kami bago ko pa daw makita kung pano malasing ang mga Villafuerte. Habang nasa daan kami hindi ko parin mapigilan ang sarili kong mag-isip kung bakit niya sinabi yung mga yon. Hindi ko naman siya maintindihan.

"Ano nga palang ibig sabihin mo nung kanina?" hindi ko na napigilang magtanong.

"Wala yon. By the way, malapit na birthday ni Kiana. Mom is throwing her a party at alam mo naman kung gaano ka niya kagustong magplan ng isa sa mga party niya." sabi niya at tumango naman ako.

"Surprise party ba to?" tanong ko at tumango naman siya. May naiisip na akong idea para sa birthday kaagad ni Kiana.

"Okay ba sayo? Babayaran naman kita ng katulad ng presyo na ibinabayad sayo ng customer mo. Alam ko namang matagal ka ng hindi nagpaplano ng events." sabi niya. Nagpaplano nga ako ng wedding at proposal niyo ni Primo eh.

"Oo, kaya pakisabi kay tita na baka medyo rusty na ako. Saan nga pala gaganapin?" tanong ko.

"Sa bahay lang. Alam mo naman si mama mo masyadong kuripot. Kesyo mas mapapamahal pa daw kung may venue pa." reklamo niya. Lumalabas talaga yung pagkabakla niya kapag nagrarant siya ng ganyan.

"Hayaan mo na. Basta by tomorrow isesend ko sayo yung mood board para makapili ka ng gusto mong type ng party." sabi ko at tumango naman siya.

"Gusto mo kumain muna? May 7/11 dito sa dadaanan natin." saad niya at tumango naman ako.

"Basta libre mo eh. Sige lang." sabi ko at naoatawa naman siya.

This is the most confusing Kai I've ever encountered pero atleast nag-enjoy naman akong kasama siya.

...
Short chapter. Mali bilang ko, 7 chapters left.😂

Want You Back (Book 1)Where stories live. Discover now