Kabanata 4

2.1K 78 0
                                    

Buong maghapon hindi ko nakita si Kai simula nung nangyari kanina. Sobra nakong naguguilty kahit alam ko namang hindi ko kasalanan. Hindi na ako muli pang naligo dahil narin sa takot na mabastos na naman.

Like I don't get guys. Hindi na ba pwede kaming magsuot ng ganon because it'll gave them lust. Hindi na ba pwedeng iexpress namin yung sarili namin through clothes kasi malilibugan sila.

While I was staring at my friends, I heard footsteps nearing me so I immediately look kung sino ito.

"Ikaw pala, Primo." bati ko at ngumiti siya sakin. If hindi ko lang alam na bakla tong si Primo, nagustuhan ko din siguro to. He's handsome. Sayang siya pero wala naman tayong magagawa kung ganyan talaga sia.

"Sorry for Kai again. Grabe lang talaga siguro siya magcare sayo noon. Kung natakot ka niya I'm apologizing in behalf of him." he said and I smiled. Now, I'm feeling more guilty. Napakabait na tao ni Kai. Paano kaya kung malaman nia na aagawin ko sa kanya ang boyfriend niya?

"It's okay. Nagulat lang ako." reply ko at tumango siya.

"I can definitely see why Kai is so heartbroken nung hiniwalayan mo sia. I mean, look at you. You're an epitome of beauty. Kahit sinong lalaki magakakagusto sayo. Kahit bakla." sabi niya and I just smiled in appreciation.

"But the thing na hindi ko lang magets kung bakit mo siya hiniwalayan." he said and I tensed. Ayokong laging bainabanggit ang hiwalayan na yan. It makes me stupid. Pinakawalan ko lang naman kasi ang taong sobrang pinahalagahan ako na pati kasarian niya binawasan niya para sakin.

"I heard your love story. It was perfect. Almost perfect. Just like us. Kaya natatakot ako na baka sa isang iglap mawala na lang sakin si Kai." he said and I look at him. Did he just compare his relationshop with Kai to what we have. Did he just makes me guilty even more.

"I'm sure mahal ka naman ni Kai and knowing him siya yung taong hindi gumigive up basta basta." sabi ko at napatingin siya sakin.

"Yun nga eh. Hindi siya gumigive up basta basta." he said and I look away. Why do I feel like he's pertaining to me?

"I guess, pupunta nalang muna ako sa kwarto para makapalit. Nilalamig na kasi ako eh." pag-iiba ko ng topic at tumango naman siya.

"I'll let Paolo or Kiana go to your room kapag dinner na." sabi niya at ngumiti sakin. I just returned the gesture.

Kinabahan ako sa mga sinabi sakin ni Primo kanina. May alam ba siya o naririnig niya ba mga pag-uusap namin. Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nabunggo na pala ako.

"Sorry." I said and look at the person and my heart beats like crazy again. Standing in front of me is the guy that holds my heart.

"Matuto ka kasing tumingin sa daan. Sa lalim ng iniisip mo kulang na lang mahulog ka sa hagdan." sabi niya at napayuko naman ako.

"Salamat nga pala kanina." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. He just nods at me and walk away.

"Kai...." I called him and he look back. I stared at his face. Minememorize ko kumbaga. Because I don't know if my plan will work or not.

"May sasabihin ka ba?" masungit niyang taning na nakapagpangiti sakin.

"Wala." saad ko at ngumiti sa kanya. He didn't return the gesture but he rolled his eyes at me. Tingnan mo tong baklang to.

"Ansungit." bulong ko at tumalikod na. Alam kong narinig niya yun kaya narinig ko siyang napatsk. Napangiti naman ako dahil dun at pumanhik na pabalik sa room namin ni Kiana.

Sumandal ako sa pintuan at huminga ng malalim. Grabe yung tibok ng puso ko. Anlakas parin ng epekto mo sakin, Kai. Napagdesisyunan kong magpalit ng damit para sa dinner. Isang red lace dress ang sinuot ko.

Maya-maya pumasok si Kiana na basang basa dahil nga sa naligo sila sa dagat.

"Ate Dee, dinner na daw." sabi niya at tumango ako. "Magbibihis lang ako sabay na taung pumunta don." saad niya at tumango naman ako.

...
Dinner went well. Halos lahat ay maingay dahil nagcacatch up ulit. Nang dumating ang pagkain ay si Kiana ang nagsandok para sakin.

"Kiana alam mo namang hindi ko mauubos yan." bulong ko sa kanya at napasigh siya.

"Subukan mo lang, Ate Dee. Makakahalata na si kuya. Paolo is beside you naman pag hindi mo na kaya." sabi niya at tumango ako.

"Hindi ko talaga mauubos to. Isusuka ko lang to mamaya." sabi ko pabalik at tiningnan niya naman ako ng malungkot. "Don't look at me like that, Kiana. Kain na tayo." sabi ko at tumango naman siya at hindi umimik pagkasabi ko nun.

"Hindi ba masarap ang pagkain, Abcde?" tanong ng isang kaibigan ni Primo. I look at her and I just smiled.

"Masarap naman. Maunti lang talaga ako kumain." sagot ko at tumango naman siya.

"Sabagay, halata naman sa hubog ng katawan mo na inaalagaan mo ng mabuti yung katawan mo." sabi niya at tumango nalang ako.

Nag-aya sila ng camp fire bonding pagkatapos kumain. Syempre bilang pakikisama sumama ako. Kahit pagod na ang katawan ko.

"You should sleep na, Dee." Jade said and I just smiled in response.

"Spin the bottle tayo." yaya ni Paolo at nag-agree naman ang lahat. Masaya ang lahat dahil sa laro. Halos lahat ng kaibigan nina Primo at Kai ang gumawa ng mga dares. Hindi pa tumatapat sakin ang bote kaya thankful ako.

Pero dahil nakikiayon sakin ang tadhana. Note the sarcasm. Tumapat sakin ito.

"Yes. Kanina ka pa naliligtas, Dee." sabi ni Paolo.

"Umayos ka, bakla." sabi ko ng nakangiti sa kanya.

"Okay, truth or dare." he asks and I thought for it for a moment. I'm gonna play safe for tonight.

"Truth." sagot ko at napagroan naman si Paolo na ikinatuwa ko.

"Amboring mo, Dee. Kahit kailan ka talaga. Anyways, ahhh ito. After niyong magbreak ni Kai, may nakilala ka bang iba or nakafling?" tanong niya at tinaasan ko naman siya ng kilay sa tanong niya.

"Ano ba namang tanong yan?" saad ko. Halos lahat na ng atensyon ay napunta sakin. Mas lalo akong kinabahan ng nakita kong nakatingin sakin si Kai.

"Sagutin mo nalang, Dee." giit ni Paolo. Mapapatay ko talaga tong baklang to. Napabuntong-hininga ako.

"Wala." mabilisang sagot ko. Napagasp naman ang bakla.

"As in wala? Kahit kalandian sa bar?" pag-uulit niya. Napakunot naman ang noo ko sa kanya at binibigyan siya ng makahulugang tingin na tigilan na niya ako.

"Wala nga." sabi ko at napako ang tingin ko kay Kai na napangisi at napayuko. Para saan ang smirk na yun, Kai? Nakita kong inilapit niya ang sarili kay Primo na nagpaiwas sakin ng tingin.

"Bakit? Sa ganda mong yan wala ka talagang naging kafling?" saad ng isa sa kaibigan ni Primo.

"Wala talaga. Masyado kong tinuon yung sarili ko sa trabaho. I wanted to be a successful entrepreneur. Well, dream achieved." medyo mapride kong saad.

"Ay oo nga pala, you own a fashion boutique, Ate Dee. I forgot." sabi ni Kiana at tumango naman ako. Pinaikot na muli nila ang bote at nagsimula muling mag-laro.

Hindi parin mawala sa isipan ko ang pagngising ginawa ni Kai kanina. Is he flirting with his boyfriend? O napangisi siya dahil wala akong ipinalit sa kaniya after all these years? I need answers pero ayoko dahil alam kong masasaktan lang ako.

...

Want You Back (Book 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant