Kabanata 24

1.9K 64 4
                                    

Tatlong araw matapos ang dinaluhan naming party ni Kai, nandito ako ngayon kasama siya upang mamili ng mga kakailanganing designs para sa kaarawan ni Kiana. Kanina pa kaming mga 8 ng umaga dito pero 11 na ay nandito parin kami sa store na kung saan binibili ko dati yung mga kailangan ko.

"Hindi ka ba naiinip? Sinabi ko naman kasi sayo na ako nalang eh." saad ko habang tumitingin ng tela na gagamitin para sa tables.

"Ang kulit mo teh. Hindi nga tsaka I cancelled my appointments ever since Mom said na I need to focus myself for Kiana's birthday at kaoag nalaman niyang hindi kita sinamahan she will be mad at me." paliwanag niya at tumango naman ako.

"May mga idea na ba si Kiana na may party kayo gagawin sa kanya?" I asks and put the black satin cloth sa push cart ko.

"So far wala pa. Sinabi niya sakin na want niya lang ng small family gathering. Pero teh, ang mamush ay hindi papayag ng ganon. She wants a grand party for her daughter you better give her that." he said and I nodded.

Alam ko naman ang ganong ugali ni Tita. She wants to give all the power she have just for her children. Kaya niyang isakripisyo lahat ng meron siya para sa pagmamahal niya sa anak niya. I remember Kai told me na minsan na silang mabankrupt dahil gustong ibigay ng mommy niya sa kanila ang lahat ng gusto nila. Good thing, Kai and Kiana are not spoiled. Iniispoil man sila ni Tita pero they know their limitations.

"Tama yun. Mas better na wala siyang ni isang idea about sa party." sabi ko and he nodded. He look at the flower designs I'm looking at.

"Naalala ko yung mga panahon na sinasamahan kita sa ganto. Alam mo yung kahit bakla ako ayoko parin yung ganito katagal na shopping." sabi niya sakin at natawa naman ako.

"Halos iwan mo na ako sa store na to." saad ko.

"Pero hindi ko naman gagawin yun. Mahal kita non eh. Takot ko lang na mawala ka sa paningin ko nun." sambit niya na ikinamula ko naman. Nakakaloka tong lalaking to ang lowkey magpakilig.

"Kasi pag iniwan mo ko alam mong mag-aaway at mag-aaway tayo." pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi rin. Mahal lang kita ng sobra nun kaya hindi kita maiwan iwan." sabi niya. Alam kong may dobleng meaning yun pero hindi ko nalang pinansin.

"Uhm, any news about Primo? Kailan daw ang balik niya?" tanong ko at naglakad na. Itinulak naman niya ang pushcart.

"Ikaw. May crush ka yata sa bebe ko?" suspicious na tanong niya.

"Gaga, wala akong crush kay Primo. Naging kaibigan ko rin naman yung boyfriend ko that's why I'm asking masyadong maissue." saad ko at huminto sa mga silverware.

"Hindi pa daw niya alam eh. Pero isang buwan na siya dun so probably by the end of this month babalik na rin yun dito." sabi niya at tiningnan ko naman siya.

"Hindi ka masaya?" tanong ko at tiningnan naman niya ako pabalik.

"Masaya syempre." saad niya sabay pitik ng noo ko. "Babalik na 'yong boyfriend ko. Malamang masaya ako." sabay irap niyang sagot.

"Hindi mo kailangan mamitik. Masakit." saad ko habang hinihimas yung noo ko.

"Ginawa ko yun para magising ka. Nawawala na yata utak mo eh." saad niya. "Para hindi ka na rin maging slow." may binulong pa siya pero hindi ko ito narinig.

Pinagpatuloy namin ang pagpili ng mga party needs. Saktong 12:30 ng matapos kaming mamili.

"So, where do you want to eat?" tanong niya.

"Kahit saan basta yung mabubusog ako." sabi ko at tumango ako.

"I know a place." sagot niya habang taas baba ang kilay niya.

Nang manukhaan ko ang place na tinatahak namin napatingin ako sa gawi niya. Why this place?

"Why this place?" I asks and he look at me with a smile.

"Wala lang. I miss their cuisine. Atsaka tayong dalawa una nakadiscover ng restaurant na to before they were famous kaya nakakamiss lang balikan." sabi niya at tumango naman ako.

"Dating gawi ba ang order mo?" tanong ko at tumango siya.

"You can't blame me. Yung sisig nila yung the best." sabi niya at dahan dahan na nagpark sa isang space.

"Well, I miss this place too." saad ko at bumaba na siya para pagbuksan ako ng pinto.

Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant at agad kong nakita ang may-ari nito.

"Oh my gosh! Kayo na ba yan?" sabi ni Aling Denisse at lumapit samin.

"Opo, Manang." sagot ni Kai at niyakap kami.

"Ay, nako. Ang gaganda't gwapo niyo parin. Kayo parin ba hanggang ngayon?" tanong niya at iginiya kami sa isang bakanteng upuan. Natawa ako ng awkward at si Kai naman ay huminga ng malalim.

"Hindi na po, Manang pero magkaibigan po kami." sagot ni Kai at ngumiti naman ako sa kanya bilang pasasalamat dahil iniligtas niya ako sa awkwardness.

"Ay sayang naman. Maganda't gwapo sana magiging anak niya." komento niya at napangiti naman ako. "O siya, anong oorderin niyo? Yung dati parin ba?" tanong niya at sabay kaning tumango.

"Alam niyo parin ba?" tanong ko at hinawakan naman niya ako sa balikat.

"Oo naman, iha. Dalawang taon lang naman kayo hindi nagawi dito pero best seller din kasi ang inorder niyo noon nung tulungan niyo ang business ko para maging popular." sabi niya at tumango naman ako. "O sige, iwan ko muna kayo at ipaghahanda ko ang kakainin niyo." saad niya.

"Pumupunta ka parin ba dito?" tanong ko at umiling siya.

"Teh, para mo na rin akong tinorture non kung pupunta pako dito. Part ng moving on process ko nung nakipaghiwalay ka sakin ay ang huwag puntahan o gawin lahat ng nakakapagpaalala sakin ng katauhan mo." paliwanang niya at tumango naman ako.

"Ikaw, pano ka nagmove on?" he asks and I shrugs.

"Hindi ko alam. I think one day nalaman ko nalang na panatag na yung puso ko. Nandon parin yung guilt pero I am more calm than before." sabi ko at tumango naman siya at biglang natawa.

"Funny how we casually talk about our past relationship with no pain hidden inside the both of us." saad niya at I half smiled. Ikaw lang ata nakakaramdam ng ganyan Kai because I found myself still want you even if I'm the one who broke our connection.

...
Short update.... 6 more chapters to go.💕

Want You Back (Book 1)Where stories live. Discover now