Chapter 18

91.5K 2.9K 497
                                    

Chapter 18: Transferee




Fuschia's POV


This passed few days puro tsismis na lang ang naririnig ko. Puro kwento sa nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang biglaang pagdalo ni Empress na nagpakumpleto sa grupong Royals. Nakakatawang isipin kung paanong mga tila silang bulag sa katotohanan na matagal nang nasa harapan lang nila.



Higit pa doon ay tila nagdiwang ang mga estudyante sa kadahilanang naging bukas na muli ang eskwelahan sa paglabas at pasok ng estudyante pero sa kabila nito ay naging mahigpit pa rin ang mga namumuno sa eskwelahan na ito ang tungkol sa panuntunan na kailangan muna ng permiso.



"Did you hear about it?" tanong sa akin ni Satara na kasabay kong maglakad. Nakunot ng bahagya ang noo ko dahil sa tanong niya na bahagya nyang ikinangiti.



"I heard a while ago na mayroong mga bagong estudyante. They're from Europe." Ikinibit ko na lang ang balikat ko sa kanya bilang senyales na wala akong pakialam tungkol doon.



"But, there's something interesting on them." As if on cue, napatingin agad ako kay Blairre. Ngumiti naman siya sa akin nang makahulugan na nagpataka sa akin



"Except for being rich bitches, their profile are all secured."



Klaio Satara's POV


Hindi na ako masyadong nagulat dahil naikwento na rin sa akin ni Blairre ang tunkol dito. It's a bit interesting but I don't know what's inside of Fuschia's mind. Nakita ko ang simpleng pagtango na lang nito kay Blairre habang papaupo na kami sa isang table sa bandang gitna ng cafeteria. Ang maingay na paligid nito na kanina naming narinig habang papasok sa gusali ay tila nanahimik at tanging kubyertos lang ang naririnig. But the fact na ang mga mata nila ay nakatuon sa aming mga galaw ay bagay na ikinangingiti ko ng palihim. 



Go on stupid students. Guess where is Empress. Guess why we're not complete in this school. Guess why we're with the nerd whom you are all fearing for. 



"Go." Napatigil kami sa sana'y pagkain namin nang lingunin namin ang nagsalita. Apat na babae ang nasa harapan namin ngayon pero tanging ang may kalamigan na boses na nagsalita lang ang pinagtuunan namin ng pansin except kay Fuschia na walang pakielam sa nangyayari at nagsimula ng kainin ang pagkain na nasa harapan niya.



"And why?" May tonong tanong ni Blairre sa kanya.



"Let's say giving us that table will serve as welcoming us? Plus, I'm sure this school is not owned by one of the Royals." sabat ng isa sa kanila. I see, they are the transfer students.

EMPIRE HIGHWhere stories live. Discover now