Chapter 25

86.5K 2.7K 596
                                    

~52k+ reads

Dedicated to Alvarez147, Cammille21, and July_22.


Chapter 25: Pain in Memories


Fuschia's POV


Dalawang linggo na.Dalawang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang mga laro. At hanggang ngayon tulad ng mga oras na ito ay lagi kong nararamdaman ang isang tao na animo'y laging nakasunod at nagmamasid sa akin. Tago ang presensya niya pero tuwing titingin ako sa likod ay isang tao lang ang aking laging nakikita. Tulad nang nangyari kahapon.


Napahinga ako ng malalim pagkatapos kong lampasan ang madaming estudyante na humaharang sa akin para lang puriiin ako. Di ako santo para gawin nila ang bagay na iyon.


Habang naglalakad sa pasilyo ng mga locker ay nararamdaman ko na may isang pares na nakatingin sa akin. Hindi ko maramdaman ang presensiya niya pero ramdam ko ang titig nito.


Bahagya akong tumungo sa tapat ng locker ko at hinawakan sa ibabang bahagi ng hita ko ang isang dagger na lagi ko nang dala dala. Tumingin ako sa likod ko at akto na sanang itatapat ang dagger ko nang makita kung sino ito. Isang babae.


Hindi ko na lang ito pinansin ng makita kong naglagay ito ng gamit sa kanyang locker. Marahil ay naglagay lang ito ng gamit sa locker niya kaya parehas kami ng daan. Siguro nga.



Iwinaksi ko na iyon sa utak ko pero nitong nakaraang linggo, lagi ko nang nararamdaman ang titig sa likod ko. At gaya lagi ng pagdaan ko sa pasilyo ng locker room ay ang babaeng iyon ang nakikita ko. Mukhang hindi na insidente lahat ng nangyayari.


"Fuschia!" Binalingan ko bigla ng isang masamang tingin si Satara. Hindi tamang sigawan ang isang hindi bingi na katulad ko. Itinaas naman nito ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko na. Childish. 


"Fine. Masyado kasing malayo ang pagiisip mo kaya hindi mo kami naririnig. Psh. Wala tayong klase ngayon kaya napagisipan namin magbar. So take it or take it?" Same attitude. 


Napangiti ako sa isip ko. Hindi pa rin pala nagbabago ang isang Satara. Kung may tao man na kayang gawin ang lahat ng katarayan niya sa akin ay walang dudang si Satara ang babaeng iyon pero kahit man ganoon siya ay hindi pa rin siya lumalagpas sa limitasyon ng pasensya ko.



"As if I have a choice." Sagot ko sa kanya at tumayo na mula sa upuan. Rinig ko pa ang sigawan nilang Yes. Oo na ngayon lang uli kami magbabar kaya pinagbigyan ko na. 



Everyone deserves a break lalo na ang isang tulad ko. Masyado akong madaming naiisip lately kaya okay na din siguro ang plano nila magbar tutal maluwag ang management sa mga estudyante ngayon.



Armour's POV


"Another one." Saad ko sa bartender sa harap ko. Kita ko man sa kanya ang ayaw na pagbigay ng alak sa akin ay wala na rin siyang nagawa pa. 

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon