C23 "Favorite word"

5.6K 994 108
                                    

RID2#CHAPTER 23
"FAVORITE WORD"

Week end na ulit at sa Alonte naman ako papasok.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Tyang.

"Ok lang ho"

"Yung mga mata mo kasi mukhang pagod na pagod. Sabi ko naman sa'yo na may pera para sa eskwela mo, ikaw lang itong nagpapakahirap eh"

"Tyang ok lng ako"

"Naiisip mo ba ang pamangkin mo? Hindi naman pababayaan ni Gavin iyon, huwag ka ng mag alala pa"

Tumango nalang ako. Hindi kasi matatapos ang pangaral ni Tyang pag di ko siya sinang ayunan.

"Oh" she said sabay abot sa lunchbox ko.

"Salamat Tyang" I said at saka ko siya niyakap. Nakamasid pala sa amin si Tatay sa may pintuan.

"Ihahatid na kita" He said at hinayaan ko nalang din si Tatay para di na humaba ang diskusyon.

Sa Alonte Industries naman ay nagkakagulo dahil darating daw ang kapatid ni Nate. Si Nate naman ay isang linggo ng di nagpaparamdam sa akin, ang sabi lang niya noong maihatid niya ako sa Bicol mula sa Maynila ay papa-Cebu siya dahil kailangan siya ng kumpanya nila doon.

At ngayon kung darating ang kapatid niya ay isa lang ang ibig sabihin non.

Darating si Selena. Isa lang naman yata ang kapatid niya, hindi ko alam, hindi naman kasi nagkekwento iyon.

Bawat tauhan sa opisina ay parang kabado. Hindi naman nakakatakot si Selena eh. Bakit ba sila aburido?

Napagpasyahan ko nalang pumunta sa planta. Nandoon kasi ang karamihan ng mga computer na laging may problema.

"Rikky" Tawag ni Julius ang katrabaho ko nang makita akong papalabas.

"Oh?"

"Punta ka daw kay Ma'am Leah"

"Ok" Sambit ko. Si Ma'am Leah ay ang boss ng Admin at HR.

"Ma'am" I said nang mamataan ko siyang papalabas ng office niya.

"Rikky, mabuti at nandito kana, samahan mo ako sa entrance at any minute ay darating na si Ma'am Alonte"

"Ho? Bakit ho ako?" I asked.

"Nabanggit niya na magkakilala na daw kayo, naisip ko matutuwa iyon pag nakita ka niya"

Napakunot noo ako.

"Naisip ko nga baka close kayo kasi diba nililigawan ka ni Sir Nate" dagdag pa nito.

"Ma'am Leah--"

"Hayan na pala sila" turo niya sa papalapit na puting sasakyan.

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa entrance.

Pero bakit ba hindi na ako nagtaka nang makita kong lumabas siya kasama si Gavin Nunez?

Napahawak nalang ako sa sentido ko. Alright Ica is dead pero Juskolords hindi man lang inabot ng 40days bago pinalitan ng bago?

Ica please lang multuhin mo ang Tatay ng anak mo.

"Good morning Ma'am, Sir" Bati ni Ma'am Leah sa dalawa.

"Good Morning Leah, this is Gavin" Selena said at pinakilala ang kasama niya na sa akin na agad nakatingin.

"Hi Rikky" Selena greeted me at may kasamang beso pa.

Ngumiti ako ng tipid at plastic. Made in Beijing pa.

Ang sama ko kung tutuusin. Selena's smile wasn't fake pero heto ako maasim pa sa lime.

Rolling in the deep 2Where stories live. Discover now