C5 "Silence is dreading"

7.1K 1K 99
                                    

RID2#CHAPTER 5
Silence is dreading.

✿°•✮•°✿

"Bakit ba kayo nauwi sa tusukan?" tatay asked when the chopper finally was out of sight. Mabuti nalang at may pwedeng paglandingan ang chopper na iyon sa bakuran namin dahil sa maluwag na damuhan.

Imbes na sagutin si Tatay ay pumasok ako sa kusina at kumuha nalang ng Spanish bread na agad ko din iniluwa kasi panis naman pala.

"Tay, bakit bumili ka ng panis?" Sita ko sa kanya.

"Panis ba? Kaya pala hindi maipinta ang mukha ni Gavin kanina" Tawa nito.

Kinuha ko nalang ang mga tinapay at inilagay sa lagayan ng pagkain ni Scarlett at Magenta, ang dalawa kong baboy.

"Rikky, masarap ba?" Bigla ay labas ni Tyang sa banyo, sumakit kasi ang tyan niya kaya pabalik-balik siya doon.

"Panis nga Tyang, pa'nong masarap?" I asked.

"Hindi yun, yung halik ni Gavin, masarap ba?" She asked with excitement.

"Anong halik? Huwag mong sabihing nakahalik na naman iyon sa'yo?" Gulat na sabi ni Tatay.

I blushed.

"Hoy Erikka Marikit, umayos ka ha! Mana ka sa Nanay mo, matuksuhin"

I just rolled my eyes.

"Ito namang si Igo parang di natukso kay Ising" siwalat ni Tyang.

"Hay makaalis na nga" sambit ko at tumayo na sa mesa.

"Saan na naman ang punta mo?" Tatay asked.

"Doon kina Mang Tasyo, may kakataying baka, tutulong ako para may pananghalian ho tayo" I said.

"Rikky, mainit na eh, dito ka nalang tulungan mo ako sa ginigiling kong mani" Tyang said pero umiling ako.

"Ayoko sa mga palaman" sambit ko at saka umalis na.

"Problema nun?" I heard Tyang say when I left, kung alam lang niya kung saan ginagamit ng mga babae ni Gavin ang mga palaman. Jusko Lords.

Mag aalas diyes palang pero tirik na talaga ang araw. Mainit na talaga, pagdating ko kina mang Tasyo ay nakita ko si Tasya ang anak niyang kaibigan ko din.

"Rikky" she said. May handaan kasi sa kanila kaya may katayang nangyayari.

"Makikikatay ako, nasentensyahan na ba Tasya?" I asked.

"Huwag ka na doon, puro sila lalake doon eh, tulungan mo nalang akong magluto dito, darating na si Kuya pero wala pang luto"

"Si Neo uuwi?" I asked.

"Sira ka talaga, natural uuwi iyon, siya nagpaaral kay bunso" tawa nito.

Si Antonio o Neo ang valedictorian namin noong highschool. Nakakuha ng scholarship sa abroad kaya doon na nagtapos at nagtrabaho.

"Kaya pala may pabaka kayo, sosyal!" Tawa ko.

"May trabaho din kasi siyang nakuha sa mga Alonte" sambit pa niya.

"So dito na siya magta-trabaho?"

"OO, balita ko may hiring pa sila doon, pinag-papasa nga ako ni Papa"

"Eh ikaw, nakatapos ka naman, apply ka na" suhestiyon ko.

"Bakit di tayo mag-apply na dalawa?"she suggested.

"Mag-aaral daw ako sabi ni Tyang" kibit balikat ko.

"Parang ayaw mo naman magaral, magapply ka na din, malay mo naman pumasa ka"

Rolling in the deep 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang