C22 "Nothing more, nothing less"

4.5K 925 41
                                    

RID2#CHAPTER 22
NOTHING MORE, NOTHING LESS

I closed my eyes upon hitting the enter key. Then the operational terminal codes began returning to normal, yun kasi ang pinuntirya ko para masabotahe ang operational codes ni Gavin.
The problem was an incorrect hexadecimal number conversion routine. Yung tipong hindi ma identify ng system ang bawat input ng operations making the program to go haywire.

Tapos na debug ko narin ang directory niya.

I sighed.

Tama naman siya hindi naman siya ang mag susuffer pag nabulilyaso ang operasyon ng kumpanya niya nang dahil sa pangha-hack ko, it will always be the people below him.

Tinamaan ako ng pangongonsensiya niya eh.

I closed my laptop and sighed again. Oh di sige panalo na naman siya.

Napagdesisyunan ko nalang na lumabas para puntahan si Brownie at ang anak niyang si Chocachoka sa ilalim ng mangga.

At sakto naman na lumabas si Barbara ang magiging asawa ni Ken sa kabilang bahay.

"Oi Barbie, where is Ken?" Tawag ko sa kanya.

Napahagikgik ito. "Loko ka talaga Rikky" she smiled. Halata na ang pagbubuntis nito.

"Aabot yata sa simbahan si Kebab? Baka naman doon niya maisipang lumabas habang ikinakasal kayo ni Ken? "

"Rikky, ang pangit talaga ng tawag mo sa baby ko at hello, six months palang ang tyan ko eh" yamot niya.

Tinawanan ko lang siya at hinimas ang tiyan niya.

"Ang laki niya kasi parang bola" sambit ko pa.

"Mabigat na nga siya eh" proud na sabi nito.

"Di ba umuwi si Ken?" Mamya ay tanong ko.

"Hindi eh, namatayan daw yung amo niya"

Kinabahan ako sa sinabi niya.

"Sino ang namatay?" I asked. Kasi diba sa pamilya ni Gavin siya nagta-trabaho eh.

Tapos naalala ko bigla yung sinabi ni Loki na pupunta ng funeral si Titi at Gavin.

Matapos kasi naming mashutdown ang system ni Gavin ay bumalik na kami ng Bicol ni Nate kahapon. At kaninang pagkagising ko nalang nabasa ang text ni Gavin--ang text niyang nangongonsensiya.

"Rikky ok ka lang, bakit bigla kang namutla?" Barbara asked.

"Barbie alam mo ba kung sino ang namatay?" I asked again.

"Naku hindi eh, hindi ko na tinanong si Ken kasi nga buntis ako at malala pa naman ako mag imagine sa mga multo"

Tumango ako pero hindi talaga ako mapakali.

"Gusto mo bang tanungin ko si Ken?" she suggested.

"Ah, h-hindi na. Ako na" Sambit ko at saka ako nagpaalam.

"Rikky ok ka lang ba talaga?" Hiyaw pa niya.

"Ok lang" sabi ko at saka tinakbo ang cellphone ko.

I called Ken pero hindi ito sumasagot. Tatlong beses ko siyang tinawagan pero baka abala ito masyado.

Si Loki ay tinawagan ko din pero pati siya ay di sumagot. Mas lalo na akong naaburido.

I called Mayen but the call was cancelled. Hindi ko na alam kung sino ang tatawagan ko, Si Gavin nalang talaga. Kahit ayaw ko pa siyang makausap ay masyado akong kinakabahan na hindi ko alam. Of course hindi si Gavin ang patay kasi kahapon ko lang siya nakita.

So I called him.

Dalawang beses ko siyang kinontak bago nito sinagot ang tawag.

"Hello" he answered in a hoarse voice.

"G-Gavin" I said.

"Marikit"

Silence. Hindi ko alam kung papaano ako magtatanong.

"Talk now or call tomorrow I'm too busy to wait until you break your silence "

"Ahm t-teka, saglit lang gusto ko lang malaman kung si-sino ang namatay" Halos hindi ako huminga habang nagsasalita.

I heard him sigh tapos ay sinagot din ako.

"Ah--how did you know that someone has died?"

"Gavin sino nga?" I demanded, ramdam kong ayaw niyang magsalita.

"You do care after all"

"Si I-Ica ba?" I almost whispered. Hindi ko alam pero malakas talaga ang kutob kong ang pinsan ko ang namatay.

"Yeah, It's Jessica's funeral, I am sorry" he admitted.

With what I heard ay napahigpit ang hawak ko sa cellphone.

"U-ulitin mo" I said with my voice trembling.

"It's Ica" he said clearly.

Yung kaba ko ay tuluyan nang umalpas sa dibdib ko sa pamamagitan ng pagluha. Hindi man kami close ni Ica ay hindi ko naman mailarawan ang nararamdaman kong lungkot sa pagpanaw niya.

At awa para sa pamangkin ko.

"Kailan ang libing?" I gulped.

"She has already been laid to rest"

Gustong gusto kong tanungin kung bakit hindi nila sinabi sa akin pero hindi na ako naimik pa. Impit lang akong umiyak. Wala na akong magagawa pa dahil nailibing na siya.

"S-sige, condolence" I sobbed.

"Mari--"

Pinatayan ko na siya ng tawag. Kinuha ko ang rosaryo ko at saka tahimik nalang na nagdasal.

Nalulungkot ako para sa pamangkin ko. Ang bata pa niya para mawalan ng Nanay.

I silently prayed for her too. For her to be able to cope up with her lost. Gustong - gusto ko siyang yakapin sana kasi alam ko ang nararamdaman ng mawalan ng isang Ina pero hindi ko naman magawa dahil una, hindi niya ako kilala, baka mas lalo lang siyang umiyak. Pangalawa ang layo ko sa Manila.

Kinahapunan ay binisita ko si Nanay sa sementeryo. Sinabihan ko siya sa pagpanaw ni Ica. I asked her to be with my cousin na sana gabayan nilang dalawa ang pamangkin ko.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos.

Siguro dadalawin ko nalang ang pamangkin ko at si Ica sa sementeryo sa susunod na pe-pwede akong makaluwas sa Manila.

For now I will just pray for them, nothing more, nothing less.

~~~~

Haha heto na. basa basa❤️

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon