Chapter 31 "Madam chignon"

5.1K 946 68
                                    

RID2#CHAPTER 31
MADAM CHIGNON

The ride was unpleasant.

Bakit?

Kasi ang lamig at ang tahimik pa, plus nakakatakot ang katabi ko. Mabuti nalang at hindi gabi kasi Horror na ang datingan kung ganon.

Her occational snorting on what she sees outside the window made me nervous twice as much.

Bakit ba siya sumisingasing? Hindi pa ba sapat na nakaka-intimidate na ang datingan niya?

Mabuti nalang hindi siya kamukha ni Titi totally. Mas kamukha parin ni Titi si Mayen, I cannot imagine that little brat be like her Lola totally.

The car stopped in a posh cafeteria. What do I expect, Gavin's mother is elegant. Nasabi ko naba na laging naka chignon ang buhok nito? Her brows are perfectly done too. Hindi ko nga alam kung nakatatoo ito but it fits her clean face. Halatang alaga talaga. Gavin got her pore-free face from her kaya makinis ang itchyworm na iyon eh. Everything about Mrs Nuñez is class. Nahiya naman ako sa Birkin niya. JuskoLords.

"Are you a homoxesual woman Miss Soliven?" She asked.

"A-Ako ho lesbian?" I asked her. Sa dami ng pwedeng itanong niya juskoLords!

"Your stares creep me out, stop staring!" she said firmly.

"Nagagandahan lang ho ako sa inyo hindi ako tomboy" I told her, matandang ito, makabintang!

A small smile scaped her lips at bumaba na nang pagbuksan siya ng driver niya. Bumalik na kasi si Ken kay Gavin kaya hindi ko kilala ang isang ito.

"Thank you Kuya" I told the old man na ikinataas ng kilay ni madam chignon pero nauna parin itong pumasok sa loob.

Nakakaloka ang posh cafeteria na ito. Parang ayokong umupo sa leather chair nila, ang puti kasi baka madumihan ko ipabayad pa sa akin.

"Feel comfortable Miss Soliven" basag ni Madam Chignon sa katahimikan ko.

"Ano po ba ang kailangan niyo, di naman po ako gutom, kagagaling ko lang sa Jollibee" I said nang nagtawag siya ng waiter.

"Two Ceylon Tea please and Cinnamon tarts" she ordered.

Tinitignan ko lang ang bawat galaw niya.

"I should be honest with you Miss Soliven, I didn't like you for my son"

Heto na! heart to heart talk na kami!

Tumango lang ako. Ramdam ko naman na allergic ito sa akin.

"Aren't you curious on why I didn't like you?"

"Madam Nuñez, hindi lahat ng tao appreciative sa lahat ng nakikita nila. Sadyang iba-iba lang ho ang mga tao"

"Still, you ought to know" sabi nito kaya tinignan ko nalang siya.

"I did not like the total you, physically! You do not insert any effort to fit in Gavin's world. Masyado kang nagpapakaluma sa maling kadahilanan" Kritika niya.

Lagi nalang bang ganito? May atake sa pananamit ko?

"Naka shorts po ako" putol ko sa kanya. "Makaluma pa ba iyon?"

Napataas ang kilay nito at tumikim ng tart.

"You readily fire back. Taklesa ka, you do not know when to shut your mouth and stop reasoning out." dagdag pa nito.

Magsasalita sana ako pero naputol sa ere ang sasabihin ko nang marealized ko na totoo ang sinabi niya.

"But you see, there must be something good in you that was why my son was all crazy about you"

Was, bakit ba was ang ginagamit nito? Has Gavin moved on?

"Pero hindi ko makita iyon until you two separated. Hindi ko alam kung sino ang nakipaghiwalay but the mere fact that you left explained everything."

"Isa kang maprinsipiyong babae."

"Pinupuri mo na po ako?" I tried to mock.

She arched her brow. "Miss Soliven, Gavin is one beautiful man, he can have 100 children around if he wanted to and he would still be rich."

Kinunutan ko siya ng noo. Ano ba ang punto niya?

My point is mayaman siya and if you were ordinary woman, who just wanted a good life and his wealth, you would just let that fact go and just accept him as he is kasi nasa kanya na lahat. But you see, principled people are hard to find, hindi kasi nabibili iyon and you got that."

"You sacrificed your love for my son just for Titi, alam ko na gusto mong buo ang pamilya ng apo ko, bagay na hindi mo naranasan. You are selfless and that made me change my mind. I want you to be my daughter in law  now and no one else kahit na ang pangit mong manamit at nakakasuka ang buhok mo"

Gusto kong magreact sa sermon niya pero natuwa naman ako masyado kaya naluha ako ng slight.

"Tama na ang prinsipiyo mo dahil hindi na kailangan" She said at may inilapag na sobre sa mesa. May nakasulat na Rikky sa sobre kaya kumunot ang noo ko.

"Ano ho iyan?" I asked.

"I think my son didn't want you to read that for a reason I do not know pero hayan na, ako na ang magbibigay"

"Kanino ho galing? " I asked.

"Just read it, aalis na ako at hintayin mo ang isa pang driver dito. You are not roaming around without one from now on"  she instructed.

"Ho?"

"Much as I wanted to take you to my son, may pupuntahan pa kasi ako, ikaw na ang pumunta kay Gavin magisa" she said at kinuha na ang bag niya at naglagay ng pera sa mesa para sa bill.

"And Rikky" she said. It was her first time to call me with my first name.

"Ho?"

"Do not be so easy on Gav, " sabi niya.

"Gusto niyong pahirapan ko siya?" I asked.

She puts on her sunny's. "More on tease him, he's so uptight these past years. And don't you think it's just right to punish him a bit?"

"Punish?"  Ulit ko.

"Yeah, our man shouldn't leave us and comes back when they feel like to." sabi nito.

Ang gulo ng matandang ito. Pareho sila ng anak niya.

Tumango nalang ako.

When she left ay sa sulat natuon ang pansin ko.

Binuksan ko ito at inumpisahang basahin.

My Dearest Rikky,

Tumahip ang dibdib ko sa paunang mga letra. I know it in my heart that the letter was from Ica kaya binasa ko ang dulo ng sulat and I confirmed it.

With love and much respect in you,

Jessica.

Nadoble ang kaba ko. Hindi ko alam kung handa akong basahin ito ngayon, baka kasi maiyak nalang ako bigla.

I sighed and decided to read the letter just thesame kahit na naguguluhan ako kung bakit ayaw ibigay ito ni Gavin sa akin.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon