C3 "Igo"

5.9K 1K 117
                                    

*I am busy with work peeps. Hirap ako magsingit ng update, expect on more delays ahead but I will update as soon as I can.

Witch P.
✿°•✮•°✿

RID2#CHAPTER3
IGO

✿°•✮•°✿

It was a long drive. In fact a very very long drive. It would have been easier if Ken had been with me, pero ano nalang ang sasabihin non sa akin pag sinabi kong ipagda-drive niya ako papunta sa kababata niya?

Hindi niya ako gusto para kay Marikit and I shouldn't be shocked about it nor be mad at him, alam ko namang pinoprotektahan lang niya ang kababata niya.

I sighed while looking at Marikit's house. It is simple. Well ano nga ba ang simple?

I do not even know what is simple in my world anymore.

Medyo madilim pa kasi inumaga na ako ng dating sa Bicol. I reclined my chair and opted to sleep. I could have stopped in a hotel pero wala naman akong hotel na nakita at hindi rin naman ako magtatagal, iuuwi ko lang naman siya sa Manila, how long would that take me?

So I slept until a knock on the mirror of my car disturbed me.

Ang Tatay ni Marikit. What was his name again? Fuck I forgot to ask when he was in Manila.

"Sir Nuñez, ano po ang ginagawa niyo dito?" He gently asked when I slid down the window of my car.

I looked at my watch and it says half past 6 in the morning. I only slept for an hour.

I went out the car to properly greet him.

"Good morning ho" I said while running my fingers in my hair.

"Magandang umaga naman, ano ho ang ginagawa niyo dito?" He asked again. His obvious respect on me, maybe because I was once the boss of his daughter was still there.

"Please call me Gavin if you do not mind" I suggested.

"Sige kung iyan ang gusto mo pero tawagin mo din akong Tay Igo kung ganon"

"Tay Igo?" I asked.

"Rodrigo" He completed. "Ano ba ang sadya mo Gavin? May atraso ba si Rikky? Kahapon lang isang taga Maynila din ang dumating"

"Si Marikit ho ang sadya ko" I said casually.

"Alangan naman na ako?" He frowned. Kung hindi siryoso ang mukha niya ay aakalain kong nagbibiro lang siya. But he was serious. I was silently observing what Marikit got in him pero hindi talaga sila magkamukha.

"Kamukha niya ang yumao niyang Nanay, si Ising, kaya huwag mo na akong pagmasdan, Ang apilyido ko lang ang kinuha niya sa akin"

Ngumiti ako ng pilit. "Maganda ho ang asawa niyo" tanging nasabi ko nalang, because Marikit is a beauty I can't take off my mind. So kung kamukha niya ang Nanay niya, then she should be praised.

"Ex" sabi niya saka tumingin sa bandang bahay nila. Mas maganda si Ising o Isabel kaysa kay Lisa pero hindi naman batayan ang ganda sa pagibig"

Hindi ko siya maintindihan. "May kinakasama na ho kayo e kamamatay ng asawa niyo?" I asked with hesitation.

"Wala ka talagang alam sa buhay ng anak ko, mabuti pa iyong Loki na pumunta kahapon, alam pati birthday ko"

Nanliit ako sa sinabi niya. It was true. Wala akong alam kay Marikit. Moreso about her family.

"Pero hindi naman ako sikat, di ko lang din maintindihan kung bakit alam ni Loki ang birthday ko, may sa-pahid yata iyon?"

"Isa ho siyang sobra sa buwan na tyanak" I wanted to say but then I kept mum, pinsan ko pa din ang ugok na iyon.

"Halika, samahan mo akong bumili ng pandesal, tulog pa naman si Rikky mamya na kayo magusap pag nagising na" he said at nauna nang maglakad. Hindi ko alam kung bakit umaga palang ay may nakatali ng itak sa baywang niya. Fashion ba sa Bicol ito?

Sa isang kanto lang ang maliit na bilihan ng tinapay.

"Dario, twenty nga na pandesal at twenty na spanish bread" Agad na sabi nito sa nagbebenta.

"Spanish bread?" I asked. Ngayon ko lang kasi narinig kasi puro croissant at baguette ang usual kong nakikita sa Hotels.

"Oo favorite ni Rikky, hindi mo alam?"

"Jollibee lang ho ang alam kong favorite non"

Tumawa ito sa sinabi ko. "Ah, kahit naman papaano ay may alam ka sa kanya" Sabi nito.

"Igo, sino ba iyang kasama mo? Boyfriend ba ni Rikky?" The vendor asked.

"Boyfriend ka daw ba ni Rikky?" Baling ni Tay Igo sa akin.

"Hindi ho, hindi pa....Keep the change" Sagot ko sa nagtitinda matapos magabot ng isang libo.

"Ako na ho ang magbabayad para makialmusal na din ako sa inyo kung ok lang Tay Igo" I said pero sa hitsura niya na nakahawak na sa itak niya ay napaatras ako.

"Anong hindi pa? Nililigawan mo ba ang anak ko?" He asked.

Tumatawa na iyong Dario sa nasasaksihang pagka-aburido ni Tay Igo.

"Hihingin ko na po ang kamay niya" I said pero mali yata ang sinabi ko dahil binunot na nito ang itak niya at itinuro sa mukha ko.

Of course I was alarmed but never scared. I was trained in martial arts. Pero kaya ko bang ibalibag ang Tatay ni Marikit? Takot ko lang sa isang iyon.

"Hindi mo girlfriend tapos hihingiin mo ang kamay ng anak ko? Naglolokohan ba tayo?" galit na sabi nito.

"Tay, I meant to say was I am going to court her"

"Jaske, huwag mo akong ini-ingles! Kanina ka pa" Galit na sabi nito pero isinuksok na niya ang itak niya at saka kinuha ang mga tinapay at nagsimula nang maglakad.

"Salamat sa keep the change bosing" sabi ni Mang Dario pero di ko na pinansin dahil hinabol ko si Tay Igo.

"Liligawan ko ho ang anak niyo kahit una niya akong hinalikan" sabi ko na nagpahinto sa kanya sa paglalakad.

"Ulitin mo nga iyang sinabi mo! " He said now eyeing me with seriousness.

"Ok una ko siyang hinalikan pero hiningi niya at tatlong beses po iyon, tell me Tay, I need to court her right? Para sa puri ni Marikit"

"Tatlong beses, tapos hindi kayo magkasintahan?" He asked.

"Pinahawak pa niya ang dede niya" I added.

"Hinawakan mo ang dede niya at hindi talaga kayo?" tanong niya.

Ok did I tell him too much info? Honest lang naman ako.

"Tulungan mo ho ako Tay, para maging kami" I suggested. It seems like I turned the tables into my favor.

Mamya ay tinignan niya ako ulo hanggang paa. He was scrutinizing every detail of my being, na akala mo may laser ang mata niya.

I am confident with my looks. I am handsome for fuck's sake pero nawala lahat ng tiwala ko sa sarili sa susunod niyang sinabi.

"Hindi kita gusto para sa kanya"

Damn! This is harder than I thought.

✿°•✮•°✿
🅿🅴🅿🅿🅴🆁 🅳🅰🅻🅻🅰🅲🅾🆂🆃🅰

Rolling in the deep 2Where stories live. Discover now