C2 "Bisita"

7.2K 1.1K 108
                                    

RID2#CHAPTER 2
BISITA

✿°•✮•°✿

"Oh may bisita ka yata?" Sabi ni Shakira nang mamataan namin ang isang itim na sasakyan sa harapan ng bahay namin.

Nakaangkas kami kay brownie at pareho kaming basa. Gusto daw kasi magpaalam ni Shaks kina Tatay at T'yang kaya sumama siya sa akin sa bahay. Aalis na kasi sila ng maaga kinabukasan.

Bumaba ang isang lalake at base sa suot nitong itim at ngiting mapanlinlang ay napasinghap nalang ako.

Loki Leviste. Ano naman kaya ang nakain niya at nandito siya?

"Rikky si Loki iyan diba?" bulong ni Shaks sa akin.

"Kilala mo?" I asked.

"DJ kaya iyan at may sariling radio station, dali ipakilala mo ako"

At one point I started to be nervous. Hindi paparito ito kung di importante ang sadya niya.

Naunang tumalon si Shaks pababa mula kay brownie kasi siya naman ang nasa likuran ko.

Nakita kong kinukuhanan ako ng picture ni Loki habang nasa kalabaw pa ako. Ano naman kaya trip nito?

Tatawa tawa siyang lumapit.
"Yaya Rikky" he exclaimed

I got off brownie at ibinigay ang tali kay Shakira.

Dinilatan niya ako kaya nirolyohan ko siya ng mata.

"Shakira si Loki Leviste, Loki si Shaks, bestfriend ko" pakilala ko sa kanila.

"Hello Madam Waka" Loki said na ikinalaki ng mata ni Shakira.

Natawa ako sa reaction ni Shaks. Of course Loki is Loki, hindi ko alam pero dakilang tsismoso lang talaga siguro ito kaya halos alam niya lahat.

"Paano mo alam yan?" Shakira asked.

"I am Loki" saad niya na ikinalukot ng mukha ni Shakira.

"I just know who are the coolest DJs in the industry. Do not freak out" Loki said at cool lang na hinihimas ang sungay ni brownie.

"Ang by the way girls. Nice looks, all wet and sultry" sabi pa nito.

"Bakat lang ang mga bra namin, huwag kang OA" Shakira said at hinila na si brownie para maitali sa puno.

I crossed my arms over my chest.

"Ano ang kailangan mo?" I asked.

"Magpalit ka muna yaya, masyadong bakat" saad nito sabay tawa. Aba? Mana yata sa pinsan niya ito ah! "

"Ano ba ang ginagawa mo dito Loki?" naiirita ko nang tanong.

"Nauuhaw ako, kanina pa ako dito, baka pwedeng pumasok?" imbes ay sabi niya.

Tumawa si Shakira. "Oo naman, basta ikaw Loki" sabi pa nito. At bumait?

"Wala kaming mineral water" sansala ko. Ayaw ko kasi siyang pumunta sa loob. Sa hilatsa ni Loki hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa utak nito.

"Rikky, OA, pasok na tayo" Sabi ni Shaks at nauna na sa bahay namin.

"Tara sa loob?" Loki said. Wow ha, siya pa nag-aya pumasok?

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" I asked again at nagpatianod nalang na pumasok.

"I wanted to see you" ngisi nito.

I rolled my eyes at him. 'Hay Loki huwag ako!'

✿°•✮•°✿

Three days have gone.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon