Epilogue

5.2K 102 2
                                    

THIRD PERSON'S POV
 
Kaagad naman na nagmulat si Addie ng mata at hinawakan ang ilong niya, may basa kasi siyang naramdaman duon. Tinignan naman niya iyon and her eyes widened ng makita na dugo iyon.
 
Dahan-dahan naman siya na tumayo para hindi magising si Zaim na mukhang mahimbing ang tulog sa tabi niya.
 
Pumasok naman siya sa Cr at kaagad na nag-hilamos, habang naghihilamos siya ay isa-isang nagsibalik sa alaala niya ang nagdaang 4 na taon.
 
Her depression stage, her recovery, the start of her own business, ang pagbabalik ni Zaim, the marriage certificate wicked trick, the issue between Louis and her, the confrontation and everything.
 
Nasapo naman niya ang ulo niya ng bigla itong sumakit, humawak naman ito sa sink para hindi siya matumba.
 
"Fuck." She hissed in pain habang hawak ang ulo niya.
 
"Addie?" Narinig na pagtawag sa kanya ni Zaim.
 
"Lumayo ka Zaim, ayaw kitang makita ngayon." She grumbled, seeing Zaim is the last thing she wants to do.
 
Bigla namang bumalik ang galit niya kay Zaim ng maalala niya ang mga pinagagagawa nito sa kanya.
 
"Addison? May masakit pa sayo?" He asked again, she gritted her teeth at kinuha ang hairbrush na malapit sa kanya, binuksan naman niya ang pinto at tumambad sa kanya si Zaim na kakagising lang.
 
"I hate you!" She said at saka binato ito ng hairbrush pero mabilis ang reflexes ni Zaim kaya naharang ito ng braso niya.
 
"What's your problem!?" Naiinis na tanong ni Zaim, minsan talaga hindi na niya gets si Addie.
 
"I hate you! I hate you! I really hate you!" Sunod-sunod na sigaw ni Addie and this time binato naman niya ito ng lalagyan ng shaving cream pero gaya kanina nasalag lang din iyon ni Zaim.
 
"Addie, calm down okay? Sabihin mo sa akin kung anong problema para ma-solusyunan ko." Marahang pagpapaliwanag ni Zaim, alam niya na matatalo at matatalo lang siya kung sasabay siya sa init ng ulo ng buntis niyang fiancé.
 
"Naalala ko na lahat! How dare you to do that to me ha!?" Galit na tanong ni Addie sa binata. "You. Tricked. Me." she said emphasizing every word.
 
"Oh shit, tama nga si Spade." Bulong ni Zaim, kaagad naman na lumuhod ito at niyakap ang bewang ni Addie. "I'm so sorry Addison, nagawa ko lang naman yun kasi ayokong mawala ka sa akin ulit." He said while looking at her.
 
"Ayaw mawala!? Ha! Zaim, ikaw ang nag-iwan so it's not my fault kung mawawala ako sayo" She said. "Magpakasal ka mag-isa mo." Dagdag niya that made his eyes widened.
 
"NO! hindi pwede Addie! Um-Oo ka na! wala ng bawian!" Zaim argued.
 
"Exactly, ako ang um-oo at ako rin ang may karapatang huminde." Sagot ni Addie, kaagad naman na tumayo si Zaim at saka niyakap ang dalaga.
 
"Please Addie don't leave me, mababaliw ako lalo." He plead.
 
"Edi mabaliw ka." Addie answered at saka itinulak si Zaim. "Get off Zaim!" She said.
 
"No." Zaim firmly said.
 
"I said get off! Gusto mo sukahan kita!?" Naiinis na sabi ni Addie, kaagad naman na lumayo si Zaim at si Addie naman ay pumunta sa may toilet bowl at duon nagsuka.
 
Morning sickness, she really hate it.
 
Hinawakan naman ni Zaim ang buhok na tumatabon sa mukha ni Addie at saka hinaplos ang likod nito. Zaim also hates it everytime na nagsusuka si Addie, sabi naman ni Spade sa kanya ay normal iyon sa mga buntis pero hindi pa rin mawala ang paga-alala sa kanya.
 
Nang matapos na si Addie ay si Zaim ang nag-flush habang si Addie ay nagto-toothbrush, halata sa dalaga na nanghihina ito dahil sa higpit ng hawak niya sa sink.
 
Pagkatapos niyang mag-toothbrush ay kaagad na inalalayan siya ni Zaim palabas ng kwarto hanggang sa maka-balik ito sa kama nila.
 
"I'll go and get some tea and crackers." Ani ni Zaim at kaagad na umalis, hindi naman sumagot si Addie instead ay humiga ito ang ipinikit ang mata.
 
Mga ilang minuto ay bumalik si Zaim na may dalang tray kung saan nanduon ang tea at crackers, nang maamoy ni Addie iyon ay kaagad na nagising siya at bumangon.
 
"Careful, its hot." Zaim instructed ng makita na kinuha ni Addie ang tasa.
 
Zaim examined Addie's face, tinitignan niya kung galit pa rin ito sa kanya kasi magre-ready na siyang tumakbo palabas ng bahay.
 
"Thank you." Mahinang sabi ni Addie ng maubos na niya ang tea at ang crackers na nasa tray.
 
"Can we talk now? Hindi ka ba galit?" He asked.
 
"Wala ako sa mood na magalit ngayon, bukas na." Addie answered and that made Zaim almost laughed pero pinigilan niya ang sarili niya.
 
Ayaw na niyang mapunta ulit sa bad side ni Addie.
 
"Stay there." utos ni Addie and Zaim smiled at saka hinawakan ang kamay nito.
 
"I told you, I won't leave." He said and grazed her knuckles.
 
Nanatili naman na nakatingin sa kanya si Addie and that made Zaim's heart leaped. Baka pinaglilihian na niya ako, ani nito sa kanyang isip.
 
"What?" He asked.
 
"Alam mo ba noong bumalik ka, I branded you as a curse." She said at kumunot naman ang noo ni Zaim duon.
 
"Sa gwapo kong ito? Curse?" He asked.
 
"Yes, you're a curse that can break my heart anytime...again." She said quietly, saglit naman na natahimik ang dalawa bago binasag ulit ni Addie ang katahimikan. "But, I proved it that...you're not a bad curse after all." She said and that made Zaim's heart melt over and over again.
 
Zaim smiled at saka hinalikan ang kamay ni Addie. "What if we have a chance to rewrite our stars w--"
 
"Stars?" Addie butted in.
 
"I mean, like a destiny you know, so back to my question. Would you rewrite your own star if you have a chance?" Zaim asked.
 
Saglit naman na natahimik si Addie bago sumagot. "No...I will not." She said.
 
"Bakit naman? Gusto mo bang maranasan ulit ang mga naranasan mo?" He asked.
 
"If I will rewrite my destiny or my star, there's a 50 percent chance na hindi kita makikilala and I don't know why I can't imagine myself without you." Sagot ni Addie na ikinatuwa naman ni Zaim.
 
"I love you Addie, 3000." He said and Addie smile because of that. He's really a marvel fan addict, Ani ni Addie sa isip niya.
 
"I love you too, 100 percent." She said.
 
"100 percent? Why is it?" Tanong ni Zaim at nagkibit-balikat naman si Addison.
 
"Well, 100 percent of my heart, my body and my soul. It's all yours." Ani ng dalaga and she scrunched up her nose. "I'm starting to talk like you, nakakaasar" She said at ikinatawa naman ni Zaim iyon.
 
"Bakit naman? I'm a sweet man kaya dapat matuwa ka na naa-adapt mo na ang ugali ko." Zaim said.
 
"No its not sweet, it's corny." Sagot ni Addie.
 
Sasagot sana si Zaim para kumontra pero sinamaan lang siya ng tingin ni Addison kaya pinili niya na itikom ang bibig nito.
 
"Okay fine, defeated." Zaim said in a sigh and that made Addie smiled in triumph.
 
.
 
 
 
 
.
 
 
 
 
.
 
Kinuha naman ni Zaim ang maleta na dala ni Addie, sinamaan naman siya ni Addie ng tingin pero ngumiti lang ang binata sa kanya.
 
"Ako na." Addie said at sinubukang agawin ang maleta na inagaw sa kanya ni Zaim.
 
"Oh no Addie baby, ako na." He said at saka tumingin ulit sa dalaga. "Ayoko ng pag-awayan to." Ani ni Zaim.
 
Addie rolled her eyes, kaya ko pa naman eh OA ka lang masyado. Aniya sa kanyang isip.
 
"I can't believe na babalik na tayo sa Pilipinas." Addie said habang naglalakad sila sa hallway ng departure area para sa mga private jet.
 
"Me too." Zaim commented, napahinto naman sa paglalakad si Addie ng bigla itong may naisip.
 
"Kaya ba tayo magpapakasal sa Pilipinas para walang divorce?" Addie asked at ngumiti naman ulit si Zaim.
 
"Nadale mo." He said, hinampas naman siya ni Zaim at natawa naman siya duon.
 
Mayamaya lang ay hinawakan ni Zaim ang kamay niya at pinagsalikop iyon.
 
"Tara na?" He asked and Addie smiled.
 
"Tara na, magpakasal na tayo sa Pilipinas." Ani ni Addie at saka ipinagpatuloy ang paglalakad sa hallway ng departure area.
 
 
 
 
Ikaw ang sumpa na hindi ko lalabanan kahit na paulit-ulit akong mapasailalim dito.
 
--- Addison Walker.
 
 
 
 
 
 
 
 
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
 

Finished:
May 15, 2019
12:37 pm

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now