Chapter Eighteen

2.9K 60 1
                                    

ADDIE

Napakunot naman ang noo ko ng may braso akong naramdaman sa bewang ko, dahan-dahan naman na tinignan ko ang katabi ko at nakita ko naman si Zaim na mahimbing na natutulog.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng dumating kami sa resort niya, so far wala namang nagiging problema sa amin.

It's like we are starting over again.

He took me into different tourist spots in his resorts and we considered it as a date.

And no, wala pang nangyayari sa aming milagro. Alam ko naman yang iniisip niyo eh.

Dahan-dahan na inalis ko ang braso niya sa bewang ko at dahan-dahan din na bumangon at tumayo mula sa kama. Binuksan ko naman ang kurtina na nakaharang sa sliding door at liwanag naman ang sumalubong sa akin.

A refreshing morning indeed.

"Hey you beautiful, come back here in bed" Tumingin naman ako kay Zaim na halatang kakagising lang. Kahit na kakagising lang ang gwapo niya pa rin.

"Bahala ka diyan" I said at saka ibinalik ang tingin sa labas.

Ewan ko ba kung bakit ganito ako tuwing umaga, nakatingin lang sa kawalan for how many minutes bago kumilos.

Napatili naman ako ng may bumuhat sa akin and next thing I knew, naramdaman ko na nasa kama ulit ako.

"Zaim ano ba! Sinisira mo ang morning ritual ko!" I said, yes tinuturing ko na ritual iyon.

"I sleep better when you're beside me." He whispered at saka hinalikan ang leeg ko bago isinubsob ang mukha nito duon. "You smell so good" He said seductively, I rolled my eyes at saka dumako naman ang kamay ko sa buhok nito.

"Hindi ka ba magpapa-gupit? Humahaba na ang buhok mo." I suggested.

"Mmm...gupitan mo ko? You know like Ana and Christian..." He said

"Sige, basta payag ka na magkanda-sugat sugat yang anit mo" I said

"Sabi ko nga sa iba na lang ako magpapagupit" Mabilis na sagot nito, I chuckled at saka pinag-laruan ang buhok nito.

"Hanggang kailan na lang tayo dito?" I asked.

"Bakit? Nagsasawa ka na ba sa mukha ko?" He asked

"Oo" Sagot ko, inalis naman niya ang mukha niya sa leeg ko at tumingin sa akin.

"Seriously?" He asked

"Yes, seriously" I said in a straight face, nag-iwas naman ako ng tingin at tumingin sa kisame. "Actually, may isang guy na nagyaya sa akin. I can't wait to be with him" I said

"And who is this guy?" He asked in a dark tone, tumingin naman ako sa kanya and I gave him a sarcastic smile.

"Secret" I said, bumangon naman ito at kinuha ang t-shirt niya sa tabi. "Saan ka pupunta?" I asked

"Hahanapin yung guy na yun. He dare to ask my girl" He said at saka tumayo, mabilis naman na bumangon ako at hinawakan ang kamay nito.

"Joke lang yon, bwiset ka akala ko pa naman umuunlad yang sense of humor mo" I said

Tumingin naman siya sa akin bago tinignan ang magkahawak na kamay namin, maya maya ay ngumiti ito na parang babae na kinikilig.

"Problema mo?" I asked and he chuckled.

"Wala, hinawakan mo kasi yung kamay ko. First time yun ah" He said at saka hinalikan iyon.

"Ang babaw ng kaligayahan mo." I said at saka inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya pero kinuha niya lang ulit iyon at saka iniharap ako sa kanya.

"Ikaw ang kaligayahan ko." He said at saka hinalikan ako sa noo bago ako hinalikan sa labi.

"Okay tama na, nagugutom na ako" I said at saka pumasok sa loob ng CR while smiling widely.

.

.

.

I gripped my spoon tightly at tinignan ang waitress na ayon sa tag niya siya ay si 'Olivia' at si Zaim na nagu-usap.

I don't know kung sinasadya ba ni Zaim na harutin ito or hindi niya lang talaga na napapansin na nilalandi siya ng babaeng ito.

"Addie, anong order mo?" He asked, I smiled sarcastically.

"Do you have a chamomile tea? Yung mainit ah, yung tipong pwedeng ibuhos sa mga makakating babae" I said at saka sumubo sa kinakain ko.

"Ahm...Olivia, we will call you later you may go." Zaim said dismissing her, ngumiti naman ito at saka umalis. "And you? What's your problem?" He asked, I took a sip in my water bago inilapag ang kubyertos na hawak ko.

"Wala naman, I'm just craving for a hot chamomile tea." I said

"Seriously? It's almost lunch" He said

"Wala namang pinipiling oras ang tea" I said at saka kinuha ulit ang baso ng tubig at uminom duon.

"Nagseselos ka ba?" He asked, pabagsak naman na inilapag ko ang baso at saka straight-face na tumingin sa kanya.

"Oo, nagseselos ako at wag mo kong tatawanan at sasabihin na trabahador mo lang siya dito kasi clearly, hindi boss ang tingin ng babaeng iyon sa iyo." Diretsong sabi ko sa kanya using my resting bitch face.

"Woah, chill Addie. I'm just talking to her" He explained.

"Mukha namang nage-enjoy ka eh. Go ahead, hindi naman kita pipigilan." I said at saka tumayo at lumakad palabas ng restaurant na iyon.

Pero kaagad naman na hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako sa paglalakad.

"Addie naman, parang yun lang eh" He said at kaagad naman na nag-init ang dugo ko at hinarap siya.

"Parang yun lang? wow Zaim, hiyang-hiya naman ako sayo. Kahit sinong babae naman kung sila ang nasa pwesto ko magse-selos at magse-selos talaga. Ano? hindi ako pwedeng mag-selos samantala ikaw halos patayin mo na lahat ng nakaka-usap kong lalaki!?" I ranted.

"Addie.." He said

"Saka ka na lumapit sa akin kapag malamig na ang dugo ko. Wag ngayon" I said at lumakad ulit palayo sa kanya.

Napadpad naman ako sa horse riding area, napangiti naman ako ng makakita ng puting kabayo duon.

Nilapitan ko naman iyon at saka hinimas ang ulo nito. Tumingin naman ako sa lumapit na taga-bantay nito.

"I wanna ride this horse, can I?" I asked

"Ma'am, kabilin-bilinan po ni Sir Zaim na hindi po kayo pwedeng sumakay sa kabayo." Ani nito, I squited my eyes on him at kita ko naman ang panginginig nito.

"Sasakay ako. Intiendes?" I asked at tumango-tango naman ito.

Nag-suot muna ako ng mga safety equipment bago sumakay sa kabayo, I smiled ng dahan-dahan na lumakad ito.

Maya-maya lang ay bumilis na ito and my eyes widened ng medyo lumalayo na kami sa ranch.

"Hey! hey! stop!" I said.

Napatili naman ako ng biglang tumayo ito gamit ang paa niya sa likod at dahil biglaan iyon, napa-bitaw ako sa hinahawakan ko then bumagsak ako sa lupa.

I groaned in pain at saka tinignan ang kabayo na sinakyan ko na tumatakbo palayo.

Mahinang napa-mura naman ako at tumingin sa paligid

I'm screwed.

Di ko alam kung nasaan na ako.

Oh shit.

Xxxxxxxxxxxxxxx

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now