Chapter Twenty

3K 58 2
                                    

ADDIE

"Good boy, c'mon kain ka pa." I said habang pinapakain si Travis, yep yun ang ipinangalan ko siya.

"Kailan ka pa nahilig sa aso?" Tanong ni kuya Scorpio na pinapanood ako.

"Di naman sa nahilig, sadyang nakita ko lang siya duon sa resort ni Zaim" I said.

"Ah, kaya pala nawala kayo ng isang linggo." He said at saka pumasok sa loob ng kusina at umupo sa stool na hindi kalayuan sa akin. "Tell me, anong nangyari? Kailangan ka na bang i-check up ni Spade?" Sunod-sunod na tanong nito.

"At bakit naman ako iche-check up ni kuya Spade?" I asked in confusion.

"Isang linggo kayong nawala, imposible naman na walang nangyari sa inyo diba?" He said, binato ko naman siya ng collar ni Travis pero nasalo niya lang iyon. "Don't tell me na walang nangyari sa inyo? Kilala ko si Zaim, he is a horn dog." He said habang nilalaro ang collar na nasalo niya.

"Wala ngang nangyari sa amin kuya, its just a date." I said at saka hinaplos ang ulo ni Travis.

"Sure?" Paninigurado nito.

"Wala ka bang tiwala sa akin kuya?" Natatawang tanong ko.

"Sayo meron, kay Zaim wala." He said at saka ibinato sa akin pabalik ang collar at nasalo ko naman iyon. "If ever na sasasaktan ka niya ulit, ipapadala ka na namin ni Spade sa island na nabili niya." He said

"Kuya naman.." I said.

"I'm serious, hindi ka makakabalik dito sa maynila hangga't hindi mo naka-kalimutan si Zaim." He said at saka lumabas na ng kusina, I rolled my eyes at saka tumingin kay Travis.

"Weird talaga ng mga kuya ko." I said quitely.

.

.

.

"Okay fierce look naman!" Jaimie, our photographer instructed to Louis.

Kasalukuyan ko kasing pinapa-nood ang photoshoot ni Louis, magla-launch na kami ng bagong collection next week.

Kaya hectic ang schedule ko ngayon.

Hindi ko na nga nache-check ang phone ko at noong isang araw ko pa nai-charge iyon.

"Okay, break na muna." Jaimie said at saka tumingin sa akin. "He's a good model Ma'am" He commented.

"Oh paano ba yan? Dapat mataas ang TF ko ah" Louis said.

"Shut up, actually yung mga picture mo nga pwede ng panakot sa daga eh." I said at natawa naman si Jaimie duon.

"Grabe ka talaga sa akin!" Louis said at saka sinapo ang dibdib nito.

"I'm just stating the fact." I grumbled.

"Mainit yata ulo mo? Gusto mo labas tayo?" He asked.

"No thank you, ayoko ng kumalat ulit ang mukha natin sa tabloids" I said at saka kinuha ang cellphone ko na ibinigay ni Patrick. "Naka-charge na to?" I asked.

"Yes Ma'am" He said and I nodded at binuksan naman iyon and I checked for messages.

At tama nga kayo ng hinala, pinaka-marami ang kay Zaim.

"Sorry nga pala sa headline noong nakaraang linggo." Louis said.

"Nah, wala yun. Alam naman natin na nanduon lang tayo para kumain eh" I said.

"For me hin---" He said pero hindi niya naituloy iyon nang padabog na bumukas ang pinto ng studio at nanduon naman si Zaim.

Kaagad naman na napatayo ako at sinalubong siya, bago pa ako makapag-salita ay hinila niya ako at niyakap.

Napuno naman ng 'ayyiee' ang buong studio, I rolled my eyes at saka humiwalay kay Zaim at saka sinamaan ng tingin ang mga nanduon bago hinila palabas si Zaim.

"Ano bang--" I said pero kaagad na naputol iyon dahil hinalikan niya ako sa labi.

"I fucking missed you tifl" He said in a hoarse voice while looking at me.

Kumunot naman ang noo ko ng makita ang histura nito, he got a big bags under his eyes at halata ang pagod sa mukha nito.

"Saan ka galing? Bakit parang tinakbo mo yung opisina ko?" I asked and he chuckled.

"Actually, galing ako sa Dubai kasi inasikaso ko ang business ko duon. Kakarating ko lang" He said at hinampas ko naman siya and he groaned in pain.

"Siraulo ka talaga no!? Pwede naman matulog ka muna bago ka pumunta dito!" I said, this man is really sick, seriously. Almost 12 hours kaya ang biyahe mula duon!

"Ilang araw kitang hindi nakita tifl, gusto lang kita mayakap at masigurado na okay ka lang." Pagpapa-cute nito, hinampas ko naman ulit siya.

"Pwede naman kasing bukas mo na ako puntahan diba!? tignan mo nga yang sarili mo, para kang nanganak ng 10 tuta." I said at gumuhit naman sa labi nito ang ngiting pang-asar.

"Concern ka ba sa akin Addie my love so sweet? kinikilig ako ah." He said habang tinutusok ang braso ko gamit ang hintuturo niya.

Di ko alam kung lalaki ba talaga ang isang to o nagpa-panggap lang.

"Tigilan mo na nga ako, umuwi ka na. Bukas na tayo magu-usap." I said

"But I can't sleep without you by my side." He said.

"Nakapunta ka nga ng Dubai ng wala ako eh" I said.

"Di kaya, nandito ka oh." He said at itinuro ang kaliwang part ng dibdib niya. "Sa puso ko at nandito ka." He said at itinuro naman ang sentido niya. "Sa isip ko." Dagdag nito and he winked at me at gumalaw naman ang mga kikay nito taas-baba.

"So pati yang ka-corny-han mo dala mo din?" I asked and he pouted.

Bakit ba ang cute ng isang to!?

Wala akong sinabi.

"Addie naman, it is called banats not ka-corny-han." He said and I rolled my eyes then I crossed my arms.

"Ano? uuwi ka na ba?" I asked.

"Hihintayin kita." He said.

"Late na ako makaka-uwi." Sagot ko.

"Edi late na din ako makaka-uwi." He said.

"Ba't ba ang tigas ng ulo mo!?" Naiinis na tanong ko dito.

"Kasi matigas din ang ulo mo." Sagot nito, I let out a sigh of defeat at saka hinawakan ang wrist nito at hinila siya papuntang elevator.

Maya maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya hanggang sa magkasalikop na ang kamay naming dalawa.

"Ano ba talagang trip mo Zaim?" I asked all of the sudden habang nakatingin sa reflection namin sa pinto ng elevator.

"Trip ko? ang mahalin ka. Sana parehas tayo ng trip." He answered.

I rolled my eyes again pero lihim na napangiti.

Corny

Pero sweet.

Xxxxxxxxxxxxx

So ano yun? sweetcorn? jusme 😂😂😂

-Queen Jema ♕♛

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now