Chapter Twenty-Three

2.6K 57 0
                                    

ADDIE'S POV

"Addie, she's just my business partner." Zaim explained, tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ahuh." I said

"Okay, siya yung tumawag sa akin noong nasa hospital tayo. I'm sorry hindi ko kaagad sinabi." He said.

"Eh kung business partners lang pala kayo bakit kailangan ikaw pa ang maghatid sa kanya pauwi? Malay ko ba kung ano yung pinaggaga-gawa niyo sa condo niya." I said as I crossed my arms.

"Nagseselos ka ba?" He asked all of the sudden at mas lalo naman ikinainit ng ulo ko.

"Hindi, naiinis ako. Kasi ako hindi pwedeng makipag-kita sa ibang lalaki samantala ikaw kung sino-sino ang hinahatid." I said.

"Kababata ko siya." He argued.

"Eh kung sabihin ko na kaya ko siyang patayin at palabasin na aksidente lang ang lahat?" I answered.

"Akala ko ba napag-usapan na natin to?" He asked. I just rolled my eyes at saka umalis sa kama. "Oh, saan ka pupunta? Gabi na." Tanong ulit nito.

"You know what Zaim, mas maganda siguro kung hindi muna tayo magkita." I said at saka lumabas na ng kwarto, narinig ko naman ang pagtawag niya sa akin at mayamaya ay hinawakan nito ang braso ko para patigilin ako sa paglalakad.

"Ano? Dahil sa paghatid ko kay Scarlett magseselos ka na? aalis ka na lang bigla?" He asked.

"Hindi naman yun ang issue ko eh." I said at saka ibinigay ang cellphone ko sa kanya kung saan nanduon ang picture nilang dalawa na naghahalikan sa harap ng lobby ng isang condo.

"Addie.." He called me.

"I'll leave you alone first." I said at tuluyan ng lumabas bahay ni Zaim.

.

.

.

"Hoy Addison! Bumangon ka na nga diyan!" Ani ni Kuya Scorpio habang ginigising ako. Sinipa ko naman ito and he groaned in pain. "Ano ba? Ala-una na ng tanghali, hindi ka pa ba babangon diyan? Ilang araw ka ng ganyan!" Dagdag nito and I rolled my eyes at saka bumalikwas mula sa pagkakahiga at inalis ang nakatalukbong na kumot.

He screamed at kaagad na lumayo sa akin.

"OA ha." I commented.

"Bwiset ka! Papatayin mo ba ako sa takot ha!? Bakit ganyan na ang hitsura mo!? Tell me what happened?" He asked. I pursed my lips at kaagad na niyakap siya at umiyak, halata namang nabigla siya duon pero niyakap niya ako pabalik. "Hey...shhh, ano bang nangyari?" He asked softly.

"K-kuya a-ayoko na.." I said while sobbing. "I-I s-saw him k-kissing that S-scarlett girl." Dagdag ko. He sighed at hinaplos naman ang buhok ko.

"It's all about Zaim again, isn't it?" He asked at tumango naman ako.

"B-bakit ganun kuya? Nagmamahal lang naman ako, bakit kailangan ko pang masaktan?" I asked.

"Shhh..you don't deserve that Addie." He said at saka inihiwalay ako sa kanya. He smiled at pinunasan ang luha ko. "C'mon, wag ka nang umiyak. Papangit ka lalo." He said at bahagyang natawa naman ako. Hinampas ko naman siya at natawa naman siya duon. "Alam ko na ang magpapatahan sayo, tara dali. Tumayo ka na" He said at inalalayan naman niya akong tumayo at lumabas kami ng kwarto ko.

"ADDIE, may bisita ka." Tumingin naman ako kay Kuya Scorpio na siyang nagsalita, kasunod naman niya si Patrick.

"Patrick? What are you doing here?" I asked at saka tumayo while clutching the blanket on my shoulder.

"Sorry for the sudden visit Ma'am, pero nagka-problema po about sa paglabas ng bagong magazines kung saan cover si Sir Louis." He said at kumunot naman ang noo ko.

"What? Saan nagka-problema?" I asked.

"Sa publishing po, umatras ang publishing house sa pag-print ng magazine." He said at napamura naman ako.

"Wait here, magbibihis lang ako." I said at saka nagmamadaling umakyat at nagbihis sa kwarto.

Nang matapos na ako ay kaagad na bumaba ako.

"Hey, are you sure you're fine now? Gusto mo samahan kita?" Tanong ni Kuya Scorpio.

"Okay lang ako kuya, business naman ito eh. Babalik din ako kaagad" I said at saka humalik sa pisngi niya at sumunod kay Patrick.

"Bakit naman daw umatras yung publishing house? Eh matagal na tayong kliyente nun ah saka may contract kami." I said nang makasakay ako sa kotse.

"Bago po kasi ang may-ari Ma'am." He said.

"Whoever he or she is. Lagot siya sa akin." I said at saka kinuha ang bagong phone ko. Yung lumang phone kasi nanduon sa bahay ni Zaim.

At ayoko munang bumalik duon.

Mga iilang minuto din ang lumipas bago kami makarating sa building ng publishing house, napahinto naman ako sa pagbukas ng pinto.

"Anong problema Ma'am?" Patrick asked.

"I have a bad feeling about this, pero keri lang." I said at saka inayos ang buhok ko bago lumabas ng kotse.

Pumasok kami sa loob ng building, maraming napapatingin sa amin. Siguro kasi ngayon lng kami napadako dito?

Or dahil sa buhok ko?

Or pwede din dahil sa red na blazer at slacks ko.

May sumalubong naman sa amin na babae.

"Ms. Walker?" She asked.

"Yes that's me." I said.

"Madam is expecting you, this way Ma'am" She said at sinundan naman namin siya ni Patrick

Nang makarating kami sa isang pinto ay kinatok iyon ng babae bago binuksan para sa akin. Saglit na tumingin ako kay Patrick bago pumasok sa loob.

I smirked ng makita kung sino ang bagong may-ari ng publishing house.

"Scarlett." I said and she also smirked at me.

"Addison." She said na para bang matagal na ako nitong hinihintay.

Magiging masaya to.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #7: Zaim FalconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon