Chapter Forty-One

3K 67 1
                                    

ZAIM'S POV
 
Recap:
 
"One wrong move, or you will shot through the heart." I said and that's the cue at nagsi-sulputan naman ang mga red dot mula sa laser ng sniper. Tinignan ko naman si Amy and I nodded.
 
Let the games begin.
 
Xxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
Kaagad naman na kumilos si Amy at siniko si Luciano sa mukha, tinutukan niya ng baril ang lalaki habang umaatras papunta sa amin.
 
"Team, prepare." Utos ko at saka umatras palapit kanila Louis at Chrys."In a count of three, ilalabas mo ang bata. May mga tauhan ko na sasalubong sayo sa labas so no need to worry." Bulong ko kay Louis at tumango naman ito.
 
"Totoo nga ang sabi nila, hindi ka mapagkaka-tiwalaan sa mga deal." Ani ni Luciano, he took a step forward pero iniharang ni Amy ang katawan niya sa amin.
 
"Don't move Luciano." Utos ni Amy.
 
"One." Bulong ko.
 
"Why my Amy? Scared that I'll sniped all of the sudden?" Panga-asar ni Luciano.
 
"Two." Bulong ko ulit.
 
"No, I'm afraid that my hands will automatically pull the trigger." Sagot ni Amy.
 
"Three!" Sigaw ko at nagsimula naman akong magpaputok habang papunta sa isang taguan. Tinignan ko naman sila Louis at nakahinga ako ng maluwag ng makalabas sila ni Chrys.
 
Sumilip naman ako mula sa pinagtataguan ko at saka nagpa-putok ng baril ng makita ang isa sa tauhan ni Luciano. Tumingin naman ako kay Amy ng bigla itong lumabas.
 
"Amy! Stay down!" Sigaw ko.
 
"Tumatakas na sila Sir!" Ani ni Amy at saka tumakbo palabas ng building, lumabas na din ako sa pinagtataguan ko at sinundan siya.
 
Pagkalabas naman namin ay naabutan namin sila Zabdiel at Erick.
 
"Kayo na ang bahala." Utos ko at saka sinundan ulit si Amy, sumakay naman kami sa kotse at mabilis na pinasibad iyon. Binuksan naman ni Amy ang GPS sa kotse at may pinindot duon at lumabas naman ang location ng kotse na sinasakyan ni Luciano.
 
Mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo sa kotse kaya ilang minuto lang ay tanaw ko na ang kotse ni Luciano, binuksan naman ni Amy ang bintana niya at saka pinaputukan ang kotse ni Luciano.
 
Nag-sway naman iyon ng konti ang kotse pero tuloy pa rin sa pag-andar.
 
Paulit-ulit na pinaputukan ni Amy ang kotse hanggang sa tuluyan ng pumutok ang gulong sa likuran na bahagi ng kotse.
 
My eyes widened ng inilabas ni Amy ang upper body niya.
 
"Sir, ilapit mo ang kotse" Aniya.
 
"What will you do!?" Naga-alalang tanong ko.
 
Ipinasok naman niya ulit ang katawan niya sa loob at tumingin sa akin.
 
"Do you trust me Sir?" She asked at tumango naman ako, malungkot na ngumiti siya. "Thank you for your trust, ako na ang bahalang tumapos nito...Sir." She said at saka inilabas ulit ang katawan niya and this time, tuluyan na siyang lumabas.
 
Wala na akong choice kundi mas bilisan pa ang pagpapatakbo sa kotse, nang makalapit naman ang kotse ko sa kotse ni Luciano ay kaagad na tumalon si Amy sa bandang likod nito.
 
My eyes widened again, nakaya niya yon?
 
Patuloy lang na sinundan ko ang kotse kahit nanduon na si Amy sa kabilang kotse, I just want to make sure that she is safe.
 
Effortless na pumasok si Addie sa shoutgun seat ng kotse ni Luciano sa pamamagitan ng pagsipa sa salamin nito, mayamaya lang ay biglang lumiko ang kotse at bumangga ito sa isang puno.
 
Inihinto ko naman ang sinasakyan ko na kotse at kinuha ang mga baril ko at lumabas, bigla namang bumukas ang driver's seat ng kotse ni Luciano at lumabas naman duon si Luciano, kasunod naman niya na lumabas duon ang galit na galit si Amy.
 
Kinubabawan niya ito at saka pinagsusuntok, ngayon ko lang napansin na may suot itong bakal sa kamay niya.
 
Para akong nanonood ng real-time action movie.
 
"Hayop ka Luciano! Hayop ka!" Amy screamed at saka hinaklit ang kwelyo ng button up shirt na suot ni Luciano. "Hindi ka na dapat mabuhay..." She said in an almost unrecognizable voice. "HINDI KA NA DAPAT MABUHAY!" She screamed again at saka may inilabas na kutsilyo at mabilis na isinaksak iyon kay Luciano.
 
Nanatiling nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa may lumabas na dugo sa bibig ni Luciano at tumigil na ito sa paghinga.
 
Tumingin naman si Amy sa akin and she smiled, I saw the blood in her teeth kaya mabilis na dinaluhan ko siya.
 
"Amy? Saan ka may tama?" I asked,
 
Tumingin naman si Amy sa tagiliran niya kaya tumingin din ako duon. Kaagad naman na hinawakan ko ang isang malaking glass shard na nakabaon duon at hinugot iyon, she gasped kaya tinignan ko siya ulit.
 
"Don't you dare to close your eyes captain! Don't you fucking dare!" Utos ko.
 
Tatayo na sana ako ng biglang may tumama sa balikat ko, I screamed in pain at tinignan kung kanino galing ang bala na iyon and I saw Scarlett, she's holding gun at nakatutok iyon sa akin.
 
Dahan-dahan naman na tumayo ako at hinarap siya.
 
"Is this what you want? To kill me?" I asked.
 
Narinig ko naman ang pagkulog ng langit at maya-maya ay biglang bumuhos ang ulan.
 
"I hate you Zaim! I really hate you!" She screamed, napansin ko naman ang panginginig ng kamay niya habang hawak ang baril.
 
I can disarm her anytime dahil duon.

"Then pull the trigger, kill me." Panghahamon ko. I closed my eyes at hinintay na iputok niya ang baril sa akin.
 
"I can't." She whispered at saka ibinaba ang baril. "I can't kill the man I love." Dagdag nito.
 
Itinaas naman niya ulit ang baril pero this time itinutok niya naman ito sa sarili niyang sentido, she gave me a sad smile.
 
"If you're happy, I'll be happy too..." She said.
 
Nag-iwas naman ako ng tingin at nakarinig ako ng pagputok ng baril at ang pagbagsak ng isang katawan sa lupa. Tinignan ko naman si Sacrlett na wala ng buhay na nakahandusay sa kalye.
 
Napa-upo naman ako at napasandal sa gilid ng kotse ni Luciano ng makaramdam ako ng panghihina.
 
Mayamaya ay nakaramdam ako ng pagtapik sa pisngi ko, iminulat ko naman ang mata ko at tinignan kung sino iyon and I saw Scorpio.
 
"What's up loverboy? Balita ko iniwanan mo daw si Addie ah." Aniya and I chuckled.
 
"Prepare my jet." Mahinang sabi ko.
 
"At bakit ko naman gagawin iyon?" Pagtataka nito.
 
"May babalikan pa ako sa Thunycea." I said at tuluyan ng nawalan ng malay.
 
 
 
 
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now