Chapter Sixteen

3.1K 65 0
                                    

ADDIE

I hummed softly habang nagluluto ng scrambled egg, hinayaan ko munang maluto iyon at tinignan ang niluluto ko na fried rice.

It's a good morning, and a good morning deserves a good breakfast.

Hahawakan ko sana ang kawali kung saan ako nagluluto ng itlog pero may mas naunang humawak duon at binaliktad.

"I'll handle this" Zaim said and he lazily smiled at me, hindi naman ako sumagot at hinalo ang sinangag. "By the way." Zaim said, lumingon naman ako sa kanya at hinalikan niya ako bigla sa labi.

"W-what was that for?" I asked and he smiled again.

"That was my way of greeting my wife." He said at saka isinalin na ang niluluto na itlog sa plato at umalis sa tabi ko. Samantala ako ay pinatay na ang apoy ng kalan at saka isinalin ang sinangag sa plato.

While setting up the table biglang yumakap si Zaim mula sa likod at napahinto naman ako duon.

"Thank you.." He whispered.

"For what?" I asked

"For giving me a chance again...sa hindi mo pag-iwan sa akin." He said and I smiled an little. "Date tayo?" He asked.

"Huh?" I asked, para kasing nag-echo lang iyon sa pandinig ko.

"Sabi ko date tayo" He said

"Bakit naman?" I asked at saka humarap sa kanya. He gave me a peck on my lips.

"Wala naman, gusto ko lang mag-date tayo. Sabi mo nga diba? Back to basics" He said, I rolled my eyes at saka tinalikuran siya. "Ano? Oo o Oo?" He asked at bahagyang natawa naman ako sa tanong niya.

"Oo na, para namang may choice ako" I said at natawa naman siya duon at hinalikan ulit ako sa pisngi.

Ba't ba masyadong manyak ang lalaking to ngayon?

Nagsimula na kaming kumain at sakto namang pumasok si Jude II, may inabot ito na folder kay Zaim. Binuksan naman ito ni Zaim at dumilim ang mukha nito.

"What's the problem?" I asked ng ibalik niya ang folder kay Jude II. He just gave me a tight smile.

"Nothing Addie my love so sweet, just a simple problem in the company" He said.

"Really? Maybe I can help" I offered.

"No need my wife, just sit there and relax okay?" He said at saka uminom ng juice. "Pero tuloy pa rin ang date natin" Pagpapaalala nito.

"Oo na." I said and he smiled on that, alam niya kasi na hindi na ako makakatanggi.

.

.

.

"Pasaan tayo?" I asked ng mapansin na parang papalayo kami sa siyudad.

"Magde-date, pero parang bakasyon na din" He said

"Akala ko ba may pupuntahan ka na party?" I asked again ng maalala ang sinabi niya sa akin.

"Alam kong imbitado ka din duon, and it was moved next next week." He said at saka lumiko kami papasok sa isang village.

I squinted at nakita ko naman ang pangalan sa may gate.

Zaim's paradise.

Tumingin naman ako kay Zaim at tumaas ang kilay ko, he chuckled.

"Fine, this is my own resort. Kakatayo lang nito last month at gusto ko ikaw ang unang makakita bago ang mga kaibigan ko." He said at saka huminto naman kami sa tapat ng guard house.

"Baba na tayo" He said at kumunot naman ang noo ko.

"Wala pa tayo sa mismong gate ng resort" I said

"I have a rules here, kailangan maglakad papunta sa mismong gate ng resot para mas feel ang pollution free" He said at binuksan ang pinto sa side niya at bumaba. Inalis ko naman ang seatbelt ko at bago ko pa mabuksan ang pinto sa side ko ay bumukas na iyon.

Zaim offered his hand at kinuha ko naman iyon at bumaba. Medyo mataas kasi ang kotse niya.

"Ikaw na ang bahala dito Remi" Utos ni Zaim at inabot sa kanya ang susi at saka pumasok kami sa mas maliit na gate.

Napa-'wow' naman ako ng makita ang mga puno na tumatakip sa daan mula sa sinag ng araw.

"You like it?" He asked habang naglalakad kasabay ko, tumango naman ako habang tumitingin sa paligid. "Wait, is that a horse? pwede siyang sakyan?" I asked

"Ako pwede mo kong sakyan." He said, kaagad naman na nag-init ang mukha ko at saka sinipa siya sa tuhod and he groaned in pain.

"Ang lantod mo talaga!" I said.

"What? sabi ko pwede mo kong sakyan, you know. Piggy back ride, ikaw ha iba nasa isip mo Addie my love so sweet" Pang-aasar nito, I just rolled my eyes at akmang sisipain ko ulit siya pero nakalayo na kaagad ito. "Anyways, yes. Pwede siyang sakyan pero ayokong ma-aksidente ka kaya hindi ka makaka-sakay hangga't walang pahintulot ko." He explained at saka inakbayan ako habang naglalakad kami.

"Ang daya naman." I pouted.

"Addie, ibabalik pa kita sa Manila ng buo. Alam ko naman na hindi ka marunong mangabayo eh..." He said

"Marunong ako!" I argued and he gave me a boyish smile.

"Marunong nga, pero ibang pangangabayo yun Addie." He said at naramdaman ko ulit ang pag-init ng mukha ko. "O wag mo kong sisipain." He warned.

"Malantod" I said at sakto naman na nakarating na kami sa mismong gate ng resort.

Pagkapasok namin ay may ilang tao na napapatingin sa amin. And I don't know why.

Zaim hold my hand at pumasok kami sa isang building kung saan nanduon ang front desk.

Lahat ng mga lalaking nanduon ay nag-bow ng makita kami.

"Naka-ready na ba ang VIP room?" Zaim asked

"Yes Sir, here's your key" Ani ng lalaki na nasa gitna. Tatlo kasi sila

Tumingin naman ako sa lalaki na nasa kanan ng lalaking nagsalita, nakatingin kasi iyon sa akin pero kaagad na nag-iwas ako.

"Good, and by the way boys." Zaim said at saka inakbayan ulit ako. "This is my wife Addison, kapag may nabalitaan ako na nambastos sa kanya. I will terminate him immediately, understood?" Zaim asked with full of authority.

"Yes Sir." The three said. Tumango naman si Zaim at saka lumakad na kami papunta sa elevator.

"Kailangan mo ba talagang sabihin na asawa mo ako?" I asked.

"Addie my love so sweet--" He said pero pinutol ko lang iyon.

"Hindi ka ba napapagod sa endearment na yan?" I asked again.

"Hindi. So ang sinasabi ko Addie my love so sweet, sinabi ko iyon kasi ang resort na ito ay puno ng mga VIP guess at karamihan ay lalaki." He said

"And?" I asked for more information.

"I just want them to know that you're my wife and that means you are mine." He said and he gave me those one of his sexy smirk.

Damn this man.

Xxxxxxxxxxxxxx

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now