Chapter Thirty-One

2.9K 57 0
                                    

ZAIM'S POV

"I don't see any valid reasons kung bakit kailangan sa bahay mo ako umuwi." Pagre-reklamo ni Addie na siyang nasa shotgun seat.

"May permission naman to ng Kuya Scorpio mo, wag ka ng mag-relamo diyan" I said, she huffed and crossed her arms at saka tumingin sa labas.

"Bakit ka bumalik?" She asked.

"Hindi naman ako umalis ah." I said.

"So ano yung nalaman ko kay Jude na pumunta ka na ng Dubai para duon na manirahan?" She asked again.

"Jude is just talking gibberish." Sagot ko, iniliko ko naman ang kotse papasok sa village kung saan nanduon ang bahay ko.

"Ha, gibberish your face." She sassed back, I rolled my eyes. Patience Zaim, patience.

Awtomatiko namang bumukas ang gate ng bahay ko ng makarating kami duon, diretso na pinaandar ko lang ang kotse hanggang sa makarating kami sa garahe.

Nauna namang bumaba si Addie, I heard her gasp kaya lumabas ako kaagad at tinignan kung anong nangyayari sa kanya.

"Kailan ka pa nagpa-renovate ng bahay?" She asked, I chuckled at saka isinara ang pinto ng kotse.

"Matagal na." I said at saka hinawakan ang kamay nito at marahang hinila papasok ng bahay ko. She gasped again at saka tinignan ang loob ng bahay. "You liked it?" I asked.

"Y-yes...it's beautiful." She said habang nakatingin sa painted na kisame ng bahay ko.

"Mas maganda ka." Banat ko, sinaaman naman niya ako ng tingin bago ibinalik ang tingin sa kisame.

"Nasaan na ang kwarto ko? Gusto ko nang magpahinga." She said.

"Jude II will lead the way, may kailangan lang akong asikasuhin na mga e-mails." Sagot ko at saka hinalikan siya sa noo bago iniwan duon kasama ang humanoid na si Jude II.

Damn, hanggang ngayon wala pa rin akong plano kung paano siya ligawan ulit.

"Hello Liam?" I asked.

"Oh napatawag ka? Kamusta na si Addie?" He asked from the other line.

"She's good. Listen, nai-kwento sa akin ni Cameron na sayo daw siya lumalapit kapag may love problems siya." I said.

"And?" He asked and I let out a sigh.

"I need help." Dagdag ko.





ADDISON'S POV

Tinignan ko ang paligid nang makababa ako ng hagdan. Nang masiguro ko na walang tao ay dahan-dahan na lumakad ako papunta sa front door.

Dahil madilim na ang paligid at iilang ilaw na lang ang bukas, kailangan kong mag-doble ingat kasi baka may mabangga ako na kung ano at magising pa ang mestisong hilaw na iyon.

Kinuha ko naman ang isang susi ng kotse, naka-sabit iyon kasama ang iba pang susi ng kotse niya sa isang tabi.

Damn, sana yung makuha ko ay yung may gas pa.

Dahan-dahan naman na iniikot ko ang doorknob at binuksan ang pinto ng buong ingat.

*click*

Napa-sigaw naman ako sa gulat ng bumukas ang ilaw bigla, at dahil biglaan iyon kaya naitapon ko rin ang susi sa sahig.

"Saan ka pupunta?" Tumingin naman ako kay Zaim na siyang nagsalita, and I found him on the top of the stairs.

Topless.

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now