Chapter Fifteen

3.1K 62 0
                                    

ADDIE

"Good Morning Mrs. Falcon" Tumingin naman ako sa nagsalita, its Jude pero bakit mas naging 'sharp' ang features niya.

"Uhm..Jude? Ikaw yung nakita ko sa may garden diba?" I asked, kanina kasi nadaanan ko yung garden at nanduon siya may binabasang libro.

"I'm Jude II, Ma'am" He introduced and my eyes widened. Parang dati boses lang ang naririnig ko sa kanya then ngayon tao na siya? "I'm just a humanoid." He explained at napa-wow naman ako at hinawakan ang pisngi nito, malamig.

"Okay, nasaan ang magaling mong amo?" I asked and he smiled, he smiled???

"This way Ma'am" He said at nauna itong maglakad sa akin, na-amazed naman ako kasi ang lakad niya ay parang sa totoong tao talaga.

Nakarating naman kami sa tapat ng glass door and I saw Zaim inside, playing a piano. Awtomatikong bumukas naman ang glass door na iyon at humakbang ako papasok.

Even though it seems I have everything

I don't want to be a lonely fool

All of the women, all the expensive cars, all the money don't amount to you

His voice, its good.

Ngayon ko na lang ulit siyang narinig na kumanta.

So I can make believe I have everything, but I can't pretend that I don't see

That without you girl my life is incomplete

Without you girl my life is incomplete

Tumingin naman ito sa akin pagkatapos niyang kumanta, he smiled at saka tumayo.

"Hindi pa rin ako sanay sa buhok mo, pero believe me. You're beautiful kahit anong kulay ng buhok mo." He commented

At eto na naman siya.

"What brings you here Addie my love so sweet?" He asked.

"Sinusundan mo ba ako?" I asked at tumaas naman ang kilay niya.

"Uhm...what?" He asked in confusion.

"Pwede ba Zaim, wag ka nang mag maang-maangan, alam kong alam mo kung ano ang issue ko." I said, he sighed at saka bumalik sa pagkakaupo sa upuan sa harap ng piano and he start to play a random piece.

"Asawa kita Addie, normal naman siguro na sundan kita lalo na at lalaki ang kasama mo." He said

"Yan na naman tayo sa asa-asawa na yan eh, hindi mo ako asawa Zaim. Fuck that marriage contract." I said and he chuckled humorlessly.

"Kahit ano pang sabihin mo Addie, asawa kita." Pamimilit nito. "Wag ka ng lalabas ulit kasama yung lalaki na yun." He said.

"At bakit? Sino ka para pigilan ako?" I asked, huminto naman siya sa pag-play ng keys at tumingin sa akin.

Tumayo ito at at saka may kinuha sa mesa bago lumapit sa akin.

"I'm your husband." He said at iniabot iyon sa akin.

It was a tabloid, nanduon ang picture namin ni Louis sa café then katabi ng picture na iyon ay ang picture namin ni Zaim sa wedding reception nila Darwin at Michelle.

Addison Walker caught having a date with an unknown man, what about Zaim Falcon?

Tumingin naman ako kay Zaim na hinihintay ang reaksyon ko, he sighed at saka kinuha iyon sa akin.

"I'm attending a party next week, I'm planning to introduce you to media as my wife." He said.

"Nagpa-plano ka ng hindi ko alam? Teka lang ha." I said and I licked my lips. "Sa pagkaka-alam ko ako ang issue dito." I argued.

"At tinutulungan kitang maialis sa issue na ito." he answered.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo Zaim." I said at saka tinalikuran ito at lumakad papunta sa pinto.

"Okay then you have to choose, susundin mo ang plano ko o papatayin ko na lang ang lalaking iyon, madali lang namang i-fabricate iyon eh at mag-mukhang aksidente" He said at nakarinig naman ako ng pagkasa ng isang baril.

"You will not do that!" I said and faced him again.

"I will Addie, I will.." He said in a menacing tone, humakbang ito palapit sa akin.

"Please don't Zaim, h-hindi ka mamatay tao." I plead

"I'm a monster Addie" He said at saka tinignan ang baril na hawak nito. "Just choose, pareho magiging convenient sa ating dalawa ito." He whispered pero umiling lang ako.

"Bakit ka ba nagiging ganito Zaim? Hindi ka naman--"

"KASI NAGSESELOS AKO!" He suddenly yelled at nagulat naman ako duon. "I almost drag you out there when I saw the two of you, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong maging masama sa paningin mo." He said at napahinto naman ako sa sinabi niya, nagkasalubong ang mga mata namin. "Natatakot ako Addie, natatakot ako na baka maagaw ka ng iba sa akin. Minsan na kitang nasaktan kaya hindi imposibleng mangyari iyon." He explained, he took a step forward at saka kinuha ang kamay ko.

"Tingin mo ba magmamahal ako ulit matapos ng ginawa mo sa akin?" I asked

"Addie.." He said in a hoarse voice.

"Matapos ng ginawa mo sa akin, pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ulit kasi yang pagmamahal na yan? Sumpa lang yan sa isang tao. Pwede ka nitong sirain at unti-unting patayin." I said, binawi ko naman ang kamay ko mula sa pagkakawak niya. "Tama na Zaim, ayoko na. Nasasaktan lang ako kapag nakikita kita, kapag nakikita kita naaalala ko ang ginawa mong pag-iwan sa akin." I explained.

At hindi ko naman inasahan ang ginawa nito.

He kneeled down at saka niyakap ako sa bewang at ibinaon ang mukha nito sa tiyan ko.

Naramdaman ko naman ang pagbasa ng damit ko, dahil sa luha niya iyon.

"Please don't, don't leave me Addie." He said in a cracked voice.

Napakurap-kurap naman ako ng maramdaman ang namumuong luha sa mata ko.

"Pareho lang tayo nasasaktan Zaim." I said.

"I know...but please hold on Addie. Please...give me another chance." He plead at tuluyan naman akong naiyak sa mga sinabi niya.

I don't want to be hurt again.

I want to protect myself.

I want to stay away from him.

Niyakap ko naman ang ulo nito at hinaplos iyon.

But I can't.

Xxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now