CHAPTER 25

2.1K 44 0
                                    

CHAPTER 25

Napamulat si Heather nang makarinig niya ang pag eing ng cellphone niya. Agad niya iyong hinanap sa may bed side table at saka kinuha. Tinignan ni Heather kung sino ang tumatawag at agad naman niyang sinagot nang makita na si Gail iyon.

"Hello?" Inaantok na sabi ni Heather.

"Bwisit ka! Ano?! Mag kakalimutan na tayo?! Halos apat na buwan kang hindi tumawag at kung tatawagan man kita hindi mo sinasagot! Pinuntahan kita sa bahay mo tapos ang sabi nila ay umalis ka na daw! Jusko kang babae ka! Kung nag tatago ka sabihin mo sa'kin at ipapadala kita sa isang damakmak na warehouse dito sa bansa! Leche!" Pabulyaw na sabi ni Gail mula sa kabilang linya na ikinataw ani Heather.

"Sorry na po." Aniya saka inaantok na naupo sa kama.

"Ano?! Sorry?! Demonyita ka! Pumunta tayo sa Starbucks at doon tayo mag usap! Ngayon na!" Tinawanan niya lang ito at pinatay na ang cellphone. Agad naman siyang nag linis at nag bihis. Tinignan ni Heather ang orasan sa bisig at nakitang 3:38 na. Napahaba ata ang tulog niya.

Inaantok na lumabas ng bahay si Heather at nag pahatid nalang sa driver. Nang makarating siya sa pupuntahan ay nakita niya si Gail na nakatangod at masama ang aura. Pag kapasok niya ng Starbucks ay nakangiti lang siya rito.

"Kamusta?" Natatawang tanong ni Heather kay Gail.

"Anong musta? Pero sige," Ngising ngising sabi ni Gail. "na promote ako. Tapos, gosh. Ang lupit ng misyon ko. Kailangan kong mag ala James Bond, I mean Angelina Jolie. Astig pre." Pag kukwento ni Gail kay Heather.

"Na miss kita." Biglang sabi ni Heather kay Gail. Napalabi naman si Gail saka sinugod siya ng yakap.

"Saan ka ba galing?!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Gail.

"Nako, mahabang kwento." Natatawang sabi ni Heather kay Gail.

"Hmm, I'm all ears. Bilis, mag kwento kana." Sabi ni Gail. Bago mag kwento si Heather ay nag order muna sila at huminga ng malalim. Pagkatapos ay nag simula na mag kwento si Heather. Hindi mawari ang reaksyon ng kaibigan dahil lukot na lukot ang muka nito habang nag kukwento siya.

"'Yun lang." Ani ni Heather nang matapos siyang mag kwento.

"Sino'ng tanga?" Sarkastimong sabi ni Gail dahilan para mawalan ng emosyon si Heather. 'Yung tipong seryosong seryoso kang mag kwento tapos ganito ang itatanong sa'yo.

Sarap tadyakan eh.

"Ikaw. Bwiwist ka." Yamot na sabi ni Heather kay Gail. Pagkatapos nilang mag bonding sa isang mall ay umuwi na rin sila. Wala kasi siyang sapat na enerhiya para makipag baliwan sa kaibigan. Pero proud siya na may kaibigan siyan prangka.

Pagkauwi ni Heather sa bahay ay naupo muna siya sa sofa at nag pakuha ng hapunan. Pagkatapos ay umakyat na ng kwarto at muling sinakop ang kama para sa isang mahaba habang tulugan.

PRENTENG nakaupo si Sebastian sa sofa habang inaantay na bumaba si Rebecca. May check up sila ngayon at ang ina niya ang pumilit sa kaniya na samahan ito. Pero sa totoo lang ay ayaw niya. May private nurse naman na pwedeng sumama kay Rebecca kaya para saan pa siya roon?

Support? Bulshit.

"Sebastian, how's your day hijo?" Tanong ng ina ni Rebecca.

"Ayos lang po." Tipid niyang sagot.

"Great. Antayin mo nalang na bumaba si Rebecca. Ganyan talaga kapag buntis, laging gusto na maganda ang itsura." Ani ng ina ni Rebecca.

Tumango si Sebastian at hindi na pa sumagot. Nang umalis ang ginang ay nakita niya ang frame ni Heather sa lamesa. Nag init ang ulo niya bigla dahil naalala niya ang ginawa nito sa kaniya. May sumagi sa isipan ni Sebastian, iniisip niya na kung kamusta na kaya ang lagay ni Heather. Pero agad na pintulo ni Sebastian ang pag iisip kay Heather dahil sa tuwing iisipin ni Sebastian si Heather ay lagi lang siyang naiinis. Wala naman daw kasing nagawang maganda si Heather para kay Sebastian.

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon