CHAPTER 12

2.1K 54 0
                                    

CHAPTER 12

MAPUSOK na hinahalikan ni Sebastian si Heather at halos sa bawat sulok sila ng kusina napupunta. Ilang minuto na silang naghahalikan ngunit wala ni isa sa kanila ang gusto magpapigil. Hoping na makaalala pa sana siya bukas.

"Heather."

Rinig ni Heather na may tumatawag sa kaniya ngunit kada ilalayo niya ang labi ay humahabol ng halik si Sebastian.

"Heather!"

Sa pangalawang tawag sa kaniya ay tinulak na ni Heather si Sebastian palayo. Pagdilat niya ay nanlaki ang mata niya nang mapagtanto ang ginawa nila.

"Holy... shit." Nasapo ni Heather ang mukha at napailing iling. Dahan dahan niyang inalis ang kamay niya sa muka at tinignan si Sebastian.

"Oh jusko, hindi." Inilapat muli ni Heather ang mga kamay sa mukha nang makaramdam ng sobrang hiya. Maya maya ay may naramdaman si Heather na kamay na humihimas sa braso niya.

"Look at me, ibaba mo 'yan." Ani ni Sebastian ngunit hindi siya sumusunod. "'Wag mong antayin na magalit ako, sabi ng ibaba mo 'yan." Naka ngiwi siyang ibinaba ang kamay niya at tinignan ito.

"Uhm?" Inosenteng tanong ni Heather.

"Do you like it?" Sebastian asked and then he smirked. Umatras naman si Heather dahil sa tanong nito at nailang siya don. Akmang aatras pa sana si Heather ngunit bumangga na siya sa pader. "I'm asking you, love... do you like it?"

"Hindi nag sisinungaling ang lasing." Natatawang sabi ni Gail.

"What the fu—"

"—Tsk,tama na 'yan. Tawag na kayo doon. May game tayong gagawin, bilis na." Umalis na si Heather sa kusina at iniwan ang dalawa doon. Bago iyon ay nakita pa ni Heather si Sebastian na nakangisi sa kaniya. Napailing iling nalang siya at hindi napigilang mapangiti.

"Okay, maglalaro lang naman tayo. Masayang laro. Its drink and dare—"

"Ano balik highschool lang?" Natatawang sabi ng isang lalaking hindi niya kilala.

"Alam mo William, tumatanda na tayo—"

"Ehem ikaw lang." Ani ng lahat ng lalaki kay Reix

"Boys versus girls ang magiging magkalaban— like the usual, right? May mga question na itatanong sa atin at si Reix ang magtatanong non." Reix raised his glasswine. "Kung sino 'yung taong nasa unahan ng linya niyo, siya 'yung unang maglalaro. Kapag hindi nasagot dahil times up na, papipiliin 'yung player kung drink or dare. Pero kapag nanalo, siya pa rin ang maglalaro. Pwera nalang kung naka pause ang question niya. Meaning siya lang ang maglalaro ng buong game—as in out na lahat. Game?" Ani ni Gail.

"Game!" Ani nilang lahat.

Nakabukod na ang lalaki sa babae at nasa gitna nila ang mahabang lamesa na may mga matatapang na alak at isang bowl ng papel kung nasaan ang mga tanong. Apat silang babae samantalang kanina ay ang dami dami nila.

"Oops, ako muna." Malanding sabi nung babaeng hindi niya kilala. Nakita niyang si William ang tumapat rito at nagsimula na ang laban ng dalawa. Pasimple siyang tumingin kay Sebastian at mabilis niya iyon iniwas dahil nakatingin din ito sa kaniya.

Natalo ang babae sa unang game nila at 'Drink' ang pinili nito. Sumunod naman ay ang kasunod nitong babae. Pumikit lang si Heather sandali pero agad siyang napamulat nang bigla siyang itulak ni Gail kaya nagising siyang bigla. Saka niya lang nalaman na tapos na ang babae at panalo daw ito. Napatingin si Heather sa harap niya at nakita niya si Sebastian na nakangisi sa kaniya.

"Oh walang maglalaplapan sa kusina pav natapos 'tong laro ah!" Sigaw ni Reix saka tumawa ng malakas.

"Putcha, pause!" Sigaw bigla ni Gail at naghiyawan ang lahat.

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon