CHAPTER 7

2.3K 59 0
                                    

CHAPTER 7

TATLONG ARAW nang coma si Sebastian pero ang sabi ng doctor ay gigising din ito. Maaring sa pang apat na araw o aabot pa ng isang linggo. Tatlong araw na ring walang maayos na tulog si Heather at ganon din ang nanay nito. Paminsan minsan ay tumutulong sa pagbabantay si Roy ngunit umaalis din ito kaagad. What a help...

"Hija, may bisita ka." Nilingon ni Heather ang ginang sa pinto at kasama nito ang nanay niya. Hindi lang iyon dahil kasama rin nito ang ama niya.

"Anong ginagawa niyo rito?" Seryosong tanong ni Heather.

"Anak nag aalala ako sayo—"

"Nag aalala? Wow, big word." Putol ni Heather sa sinasabi ng ina niya.

"Mawalang galang na pero sana 'wag kayo rito sa kwarto ng anak ko mag bangayan." Natahimik si Heather. Maya maya ay tumayo siya saka lumabas ng kwarto oara magpunta sa cafeteria. Sumunod kay Heather ang mga magulang. Siya naman ay bumili ng kape mula sa Machine.

"Anak—"

"Dad, bakit niyo naman ginawa 'yon? Ano pa bang plano niyo sakin at para makapag handa ako. Sinasabutahe niyo na po ako eh. Bakit 'yung mga kapatid ko hindi niyo maganyan?" Galit na sabi ni Heather. Ang sinasabi niya ay tungkol sa plano ng ama na pagpapakasal para sa kaniya.

"Dahil diyan sa attitude mo!" Pagalit na sabi ng ama ni Heather at inaawat naman iyon ng ina niya. Pero hindi siya nagpatinag at taas noo parin niya itong hinaharap.

"Attitude ko? Ako lang ba talaga? Nakakasiguro ba kayo doon dad? Eh si Rebecca? May alam ba kayo tungkol sa kaniya? Wala, kasi puro ako yung pinupuna niyo. Akala niyo purong birhen kaming magkakapatid? Hindi dad. Hindi. Dahil may isang nakapasok." Kompronta ni Heather sa ama.

"At ngayon gumagawa ka na ng kwento tungkol sa mga kapatid mo? Anak, saan ka ba nag pupupunta at nagiging ganiyan ka?!" Ani ng ama niya.

"Go on dad. 'Wag niyo kong paniwalaan. Pero ito lang naman kasi ang gusto kong sabihin eh. Gusto ko ng divorse. Kung hindi niyo kayang I- handle ang ugali ko, aalis ako. Ako na po mismo ang mag aadjust. Pag kagising na pag kagising mismo ng asawa ko na kayo ang may kagagawan, makikipaghiwalay ako agad." Sabi ni Heather saka galit na bumalik ng kwarto.

Pero hindi inaasahan ni Heather ang madadatnan sa kwarto. Nakita niya si Sebastian na binibigkas ng paulit ulit ang pangalan niya sa ina nito.

"Nsaan si Heather? Ma, si Heather po?" Napatitig si Heather kay Sebastian na panay ang hanap sa kaniya.

"Nsaan si Heather? Bakit ba kasi ayaw niyong sabihin sakin?!" Bulyaw ni Sebastian sa ina nito. Bakit siya nagagalit ng ganiyan?

"Heather!" hinahawakan ng mga nurse ang braso nito dahil pumapalag at gustong bumaba ng kama. "Heather!" Samantalang ang ina niya ay panay ang haplos at mangiyak ngiyak. Nang makita ni Heather ang syringe na hinahanda ng nurse ay kumunot ang noo niya.

"Nandito na 'ko, bitawan niyo na 'yan." Sabi ni Heather saka naglakad papalapit kay Sebastian na agad siyang niyakap. "Nandito na ako, okay ka lang ba?" Mahinahong sabi ni Heather.

"Please don't go, stay with me. Please stay. Okay ka ba? Wala bang nag tangka sa'yo ng masama? I was about to pick you up with my car... but accident happened—"

"Okay lang ako." Hinimas ni Heather ang likod ni Sebastian. "Ano ba ang nangyari? Bakit ka na aksidente ano bang ginawa mo? Nag alala sa'yo ang mama mo. Nataranta ako bigla alam mo ba 'yon?" Nakakunot noong sabi ni Heather.

"Hindi kita nakita sa bench kaya nataranta ako. Akala ko kung may kumuha na sa'yo." Walang emosyong sabi ni Sebastian.

"Magpahinga ka na, kagigising mo lang kasi." Sabi ni Heather at tipid na nginitian si Sebastian.

"'Wag kang aalis. Okay lang ba?" Napatitig si Heather kay Sebastian. Paano kaya kung sabihin niya pa na makikipag divorse siya rito? Kaya niya pa ba kaya? Hala, baka na fall na siya. Pero baka rin hindi.

"H-hindi ako aalis." Marahan siyang ngumiti.

"Promise?"

Tumango si Heather. "Promise." Nginitian siya ni Sebastian at umayos na ng higa. Hawak niya ang kamay nito hanggang sa makatulog ulit ito. Nakatingin lang sa kanila ang ginang habang nagpupunas ng luha. Inalis ni Heather ang kamay ni Sebastian at kinumutan ito ng maayos Dumiretso si Heather sa mini table at nagsalin ng tubig.

"Alam mo, madalas ka niyan ikuwento sakin." Biglang sabi ng nanay ni Sebastian. Tinignan ni Heather ang ginang at nagtatakang tinanong ito.

"Kailan pa po?"

"Noong isang taon pa." Napaubo siyang bigla. noong isang taon pa? Pero nagkita lang sila, limang araw na ang nakakalipas.

"Ano po ang ikinukwento niya?" Tanong ni Heather ulit.

"Tungkol sa mga achievements mo. Na ang ganda ganda mo daw. Totoo nga ang sinabi niya, maganda ka ngang talaga." Ngumiti nalang si Heather. Patay talaga ang ama niya sa kaniya. Napaka creepy non, noong isang taon pa siya nito kilala samantalang siya hindi niya alam kung sino ito.

"Sige po. Labas lang po ako ikukuha ko po kayo ng pagkain." Sabi ni Heather.

"Sige, salamat."

Paglabas ni Heather ay naabutan niya si Gail na nakatutok sa cellphone at naglalakad sa hallway.

"Bakit nandito ka?" Bigla niyang sabi na ikinagulat ni Gail.

"Ay putakteng bulate!" Napahawak sa dibdib si Gail dahil sa gulat. "Loko ka! Ito pala 'yung kwarto mo. Kanina pa ako hanap ng hanap, paano kasi, hindi ka nag re'reply sa text ko!" Kunot noong sabi ni Gail.

"Oo nga eh, pasensiya na. Aareglohin ko pa 'yung mga katarantaduhang pinag gagagawa sa akin ni Dad. Tara samahan mo muna ako sa cafeteria, ikukuha ko lang ng pagkain si mama." Sabi ni Heather.

Pinanlakihan ni Gail ng nata si Heather. "Wow, mama na lala ah." Ngumisi ito. "Close na ba kayo ng byenan mo?" Natatawa nitong tanong.

"Ayos naman siya." Sagot ni Heather saka naglakad papunta sa cafeteria.

"Eh si Sebastian? Mabait ba 'yun sa'yo? Baka sinasaktan ka non o kaya naman kinukulong, teka virgin ka pa ba? Baka pinilit ka non ah! Ay nako sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan pag nagkataon." Ani ni Gail.

Natawa nalang si Hather sa paratang ni Gail. Hindi niua na iyon pinansin saka bumili na ng pagkain

"Okay naman siya sakin. May hindi pagkakaintindihan pero hindi naman siya nananakit. Alam mo na, away mag asawa." Sabi ni Heather.

"So pangangatawanan mo na talaga ang pagiging asawa?" Tanong ni Gail na hindi nasagot ni Heather. Hindi niya alam kung handa na ba talaga siya pangatawanan ang pagiging asawa o itutuloy niya ang planong divorce para dito. "Ah, parang hindi ka pa nga ready. Nasa sa'yo na rin naman kung gusto mo na hayaan nalang o hiwalayan mo. Ikaw ang bahala, mukang mahal mo naman eh." Ani ni Gail.

"Hindi ko naman siya mahal eh."

"Eb pag nagtagal—teka patatagalin mo ba?" Napapikit si Heather dahil bigla siyang naguluhan sa sitwasyon niya.

"Bakit kasi ang dami mong tanong? Naguguluhan ako eh." Inis na sabi ni Heather.

"Eh mabuti na 'yung maraming tanong kaysa naman nag s-stay ka sa isang desisyon tapos mali pala, pagsisihan mo pa sa huli." Sabi ni Gail. Napailing nalang si Heather saka kumuha na ng pagkain para makabalik na sila sa kwarto ni Sebastian "Hindi na rin ako magtatagal. May duty pa ako eh, dinaanan lang kita. Alis na ako ah? bye." Pekeng nginitian ni Heather si Gail dahil naglakad na ito agad paalis.

"Ma, pagkain niyo po." Sabi ni Heather at inilagay iyon sa lamesa.

"Salamat hija." Sabi ng ginang. Naglakad naman siya papunta kay Sebastian saka pinakatitigan.

So ano na ang plano? Iiwan ba kita o mag s-stay pa ako sa'yo?

©️AnnaDon

Ps: Correct me if there's something wrong about the chapter like (Grammatical error, misspelled words and such) Thank you😊

You can follow me on my social media Accounts:

Official Fb acc: Joanna London/Anna Don
Facebook Page: Anna Don
Wattpad acc: AnnaDon_02
Twitter acc: MylovelyAnnadon
Instagram acc: Heyyoucallmeanna

❤❤❤

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon