CHAPTER 2

3K 73 4
                                    

CHAPTER 2

NANG ma-i-park ni Heather ang sasakyan ay agad siyang umakyat sa kwarto ng mga magulang niya. Kakatok palang sana siya pero bigla namang bumukas ang pinto at nadatnan ang ama.

"Dad..." Aniya ng mangiyak-ngiyak. Kunot noo naman siyang tinignan ng ama.

"Tignan mo nga kung anong oras ka na umuwi. Gabing gabi na. Hindi ka nagpaalam ng maayos sa mga pinsan mo. Naglaro ka nanaman 'no?" Galit ang tono ng ama ni Heather ngunit mababa lang ito. Hindi niya napigilan ang sarili na maluha ngunit pinanatili niya ang sarili na tahimik.

"Dad, hindi na po ako maglalaro Dad." Ani ni Heather saka napahagulgol. Bigla niyang niyakap ang ama pero hindi niya aakalain na yayakapin siya nito pabalik at himasin ang likod ng ulo niya.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong ng ama ni Heather sa kaniya.

"Dad, nagkaroon kasi ng bet. Tapos, ako 'yung naging bet. Dad natalo po ako." Sagot ni Heather at napahagulgol muli.

"Tapos?"

"Tapos po, baka hanapin niya 'ko ayoko pa po ikasal dad!" Ani ni Heather.

"Problema mo na iyon Heather. Malaki ka na 'diba? Nasa tamang edad kana. Panahon na para pabayaan kita." Tumutulo lang ang luha ni Heather havang nakikinig sa ama. Ngiting pumasok ulit ang ama niya sa loob ng kwarto at pinagsaraduhan ng pinto si Heather. Umiiyak na pumanik ng kwarto si Heather wala siyang maisip na paraan para masulusyunan ang problema niya.

Morning came. Masakit ang ulo ni Heather dahil nilunod niya ang sarili sa alak kagabi kaya may hang over siya ngayong umaga. Pagkabangon niya sa higaan ay naligo na siya at nagbihis na komportable sa kaniya. Bumaba na si Heather ng kusina at nadatnan niya ang ina na nag hahanda ng umagahan nila.

"Saan ka nang galing kagabi?" Walang emosyong sabi ng ina niya.

"Wala po." Sagot ni Heather. Kagabi ay napag isip isip niya na lumipad ng ibang bansa. Hanggat kaya niya pang takasan ang lahat ay tatakasan na niya.

"Kumain kana, nakakain na kanina ang mga kapatid mo. Na late ka kasi ng gising kaya 'dimo sila nakasabay." Sabi ng ina ni Heather.

Bahagyang tumango nalang si Heather saka kinain ang pagkain na naka hain sa hapagkainan. Siya na rin ang naghugas ng pinggan niya dahil nasa day off ang lahat ng katulong.

Pagkatapos non ay pumanik na siya sa kwarto niya para tawagan ang isa sa kaibigan ng ina niya. Nag pa book si Heather ng ticket papuntang Europe. Pinaayos niya agad ang mga papeles niya kagabi kaya mabilis siyang makaka alis. Pagkatapos niyang tawagan ang kaibigan ng ina ay si Gail naman ang tumawag sa kaniya.

"Napatawag ka?" Tanong ni Heather kay Gail nang sagutin niya ang tawag nito.

"Kamusta ang lagay mo?" Ani ni Gail. Pabagsak na naupo si Heather at napasabunot sa sariling buhok.

"Uhm, Gail... aalis muna ako. Gusto kong magpalamig. Baka hindi na rin ako bumalik—"

"Nasisiraan ka na ba? Makukulong ka! Tatakasan mo 'yung kontratang pinirmahan niyong dalawa? Pinaimbistigahan ko si Mr. Alfonsi, hindi siya basta basta isang bilyonaryo Heather. Malaking kalaban si Sebastian kung kakalabanin mo man. Wala kang takas sa presinto alam mo ba 'yun? Ang daming koneksiyon ng lalaking 'yan!" Ani ni Gail.

"Eh? babayaran ko 'yung abogado niya. Madali lang naman yon—"

"Wala siyang abogado... kasi Abogado na siya eh." Ani ni Gail. Nasapo niya ang noo dail sa konsumisiyon.

"Eh anong gagawin ko?!" Hindi napigilang magtaas ng boses si Heather sa kaibigan. Napupuno na siya sa lahat ng bagay. Ikaw ba namang magpakasal sa taong hindi mo kilala, ano 'yun joke?

"'Wag mong takasan ang bet. Harapin mo 'yung problemang sinimulan mo."

"Napaka daling sabihin niyan Gail." Yamot na sabi ni Heather.

"Makukulong ka? O magpapakasal ka? Parehas lang 'yon. Kulong pero may sarap diba—"

"Gaga ka." Naiinis na sabi ni Heather saka binabaan ng telepono si Gail. Nagbibiro ba siya? Sarap? The fuck? Padabog niyang ibinalik ulit ang mga damit sa closet niya at padabog niya ring ibinalik ang maleta niya.

Kasal gusto nito? Sige bibigyan niya ng maala godzilang asawa si Sebastian Carter Alfonsi. Hindi rin siyang masayang kalaban kung hindi magandang kalaban ang hayup na 'yon. Pinupuno nito pasensiya niya? Sige. Mag tutuos sila ngayon.

NAKARATING si Sebastian sa bahay ni Heather. Pinapasok siya ng ina nito. Balak bisitahin ni Sebastian si Heather kaya siya nasa tahanan nito. Sakto namang lumabas ang ama ni Heather na ikinatigil ni Sebastian.

"Sebastian, good morning." Pormal na sabi ng ama ni Heather.

"Good morning sir." Balik na bati ni Sebastian.

"It's dad. This time, Dad na ang itatawag mo sa akin—"

"Renato." Pinandilatan naman ng ina ni Heather ang asawa nito at lihim siyang natatawa. Inakbayan lang ng ama ni Heather ang ina nito at iginiya na papasok.

"Nasa kwarto lang si Heather, tatawagin ko lang siya."

"Hindi na po. Hayaan niyo lang siyang bumaba." Sabi ni Sebastian. Hindi siya yung tipo ng lalaki na pipilitin ang isang tao sa isang bagay. Pero iba ang pilit na ginagawa nila kaya sana kahit doon man lang ay magkaroon ito ng laya.

"Sige, maiwan ka na namin." Ani ng mga magulang ni Heather. Tumango si Sebastian sa mag asawa at naupo sa sofa. Ilang minuto lang siyang nandoon nang may lumabas na babae at naupo sa pang isahang sofa. Halata sa mukha nito na kapatid ito ni Heather ngunit mas matured ang mukha. Hindi man lang ito nag taka kung bakit siya naroon o baka alam na nito ang dahilan. Ilang saglit ay naka ngiti itong tumingin kay Sebastian at nakikipag kamay.

"Hi, I'm Rebecca. You are?" Ani ni Rebecca na kapatid ni Heather. Hindi tinanggap ni Sebastian ang pakikipag kamay nito pagkuwan ay sinagot nalang ang tanong ni Rebecca.

"Sebastian." Sagot ni Sebastian. Hinawi naman ni Rebecca ang buhok niya at pinapunta lahat sa likod at ngayon niya lang nakita na naka off shoulder ito.

"May gusto ka ba? Water? Juice? O... ako?" Tinaasan ni Sebastian ng kilay si Rebecca. Yeah, he already fucked a lot of women pero may respeto parin siyang pinangangalagaan. Hindi siya pinalaki ng ina niya para maging 'fuck boy'. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Rebecca at natuon ang atensiyon niya sa isa pang babaeng nagtungo sa salas.

"Ate!" Ani ng babae at saka tumingij kay Sebastian. "Pasensiya ka na rito sa ate ko ah. Tinamaan nanaman ng saltik to eh."

"Zoe!" pinandilatan naman ni Rebecca ang nakababatang kapatid na si Zoe.

"Sige ano, susumbong kita kay ate Heather kapag 'yan kinalantari mo rin." Ani ni Zoe. Piningot naman ni Rebecca ang kapatid at hinila palayo. Ganon pala ang mga kapatid nito. Parang halimaw. Si Heather kaya?

Napatingin siya sa babaeng bumababa ng hagdan at nakasuot ng puting bestida na hanggang tuhod ang haba. Hubog sa katawan nito ang damit at nakadagdag pa sa ganda nito ang kulay chocolate nitong buhok at morena nitong kutis.

Gulat na nakatingin kay Sebastian si Heather nang makita siya nito sa salas. Sebastian made a sexy smile for Heather. "Hey love,"

Bakas sa muka ni Heather ang gulat at paagkalumo. Nakakagulat nga naman kasi na magpakasal sa isang estrangherong katulad niya. Hindi nga naman 'yon maganda. Pero kung ang papakasalan naman niya ang ganito klaseng babae at sobrang ganda, why not? Saka hindi 'to lugi sa kaniya nuh, ang gwapo kaya niya.

©️AnnaDon

Ps: Correct me if there's something wrong about the chapter like (Grammatical error, misspelled words and such) Thank you😊

You can follow me on my social media Accounts:

Official Fb acc: Joanna London/Anna Don
Facebook Page: Anna Don
Wattpad acc: AnnaDon_02
Twitter acc: MylovelyAnnadon
Instagram acc: Heyyoucallmeanna

❤❤❤

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon