PROLOGUE

10.2K 112 8
                                    

PROLOGUE

"THANKS DAD." Ani ni Heather ng nakangiti sa ama. Today is Heathers 23rd birthday and she's happy because of her father's gift. A Yacht. The most expensive one, of course. "Dad, tatawagan ko lang si Gail, invited kasi siya tonight."

"Eh si Donald? Hindi mo ba iimbitahan?" Ani ng ama ni Heather. Nangunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ng bwisit niyang manliligaw. Ka batch mate ni Heather si Donald noong college at nagtangka itong manligaw sa kaniya ngunit hindi niya ito binigyan ng pagkakataon.

"Dad naman, hayaan niyo na 'yung tao. Saka ano naman po ang gagawin niya dito? I don't even have an intention to talk to him though."

Lumantad ang pagkadismaya sa mukha ng ama ni Heather. Noong nakaraang taon ay narinig niya ang ama na nakikipag usap sa ama ni Donald. Narinig ni Heather ang pag uusap ng mga ito tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa. Ngunit hindi siya pumayag.

Tinanungan nalang siya ng ama saka tinalikuran. Kinuha ni Heather ang telepono sa bulsa saka tinawagan si Gail.

"Hey bitch," Unang sabi ni Heather nang sagutin ni Gail ang tawag. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. "pumunta ka dito mamaya."

"Pupunta talaga ako. Kailangan ko bang magdala ng credit card kung sakaling maubusan ka ng pera pang sugal mo?" Natatawang sabi ni Gail sa kabilang linya. Alam na ng kaibigan ni Heather ang mangyayari ngayong gabi kaya niya iyon nasabi.

"As if I can go Gail, baka mahuli na ako ni ate Vanessa. Magsusumbong 'yon kay dad for sure." Ani ni Heather.

"Tigilan mo na kasi 'yan..." ani ni Gail.

Hindi agad nakapagsalita si Heather dahil sa sinabi ng kaibigan. "I'll hang this up now. See you later." Ani ni Heather saka pinatay ang telepono. Tinignan ni Heather ang orasan.

3:38pm.

Hapon palang at siguro naman ay malamig na ang hangin at hindi na mainit sa labas. Bakit ba naman kasi ang init sa Pinas. Nagbihis si Heather ng preskong damit katulad ng denim short at itim na sando at pinarisan iyon ng gray na blazer. Hindi siya nag suot ng mga sandals or highheels dahil parang sagabal iyon kaya nag snickers nalang si Heather. Dirediretsong lumabas si Heather saka sumakay sa sariling motor. Ito ang madalas gawin ni Heather kapag nababagot siya.

Binuhay ni Heather ang makina ang motor saka nagsuot ng helmet. Sa totoo lang ay walang lisensiya ang motor niya. Ang katwiran ay hindi naman kasi niya ginagamit iyon, siguro ay isa sa isang buwan o tatlong beses sa isang taon niya lang iyon magamit. Nagtatagal ang mga gamit ni Heather sa kaniya dahil kahit hindi iyon ginagamit ay alagang alaga naman ang mga iyon.

Mas pinabilis ni Heather ang pagpapaandar sa sasakyan hanggang sa makaabot siya sa dulo ng bangin. Kung makakapunta ka roon ay matatanaw mo ang lungsod na medyo ngunit malabo dahil sa pollution. Ang langit ay pinag halong asul at puti at maganda iyon tignan. Sa umaga ay kitang kita mo rin ang mga naglalakihang buildings na natatanaw mula sa maynila.

Sa kalagitnaan ng pamamahinga ni Heather ay napalingon siya sa likod nang makarinig ng sasakyan na paparating at huminto kalaunan. Inantay ni Heather makababa ang mga nakasakay sa kotse bago suya nagsalita

"Excuse me," ani ni Heather nang makitang bumaba ang dalawang driver ng kotse. "Sino kayo?"

Nahawigan ni Heather ang mukha ng dalawang magkamukhang lalaki. May hawig ito sa itsura ng ama niya at doon niya napansin na baka kamag anak nila ito.

"Hi miss, I'm Logan, Logan Anthony Delacruz—" Delacruz...Kamaganak nga nila ang mga ito...baka pinsan. "—and this is my twin brother, Jordan Timothy Delacruz. Pinsan mo kami." Ani ng lalaki. Tumango nalang si Heather.

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon