CHAPTER 19

2K 41 0
                                    

CHAPTER 19

KABABABA lang nila ng sasakyan at kompleto na kaagad silang mag kakamaganak para sa camping. Hindi na pinasama ang mga matatanda dahil mahirap daw ang gagawin nila. Kasama ni Heather bumaba ng sasakyan si Logan at Jordan. Kasama din sila Yves, Richard, Dominique at Max. ang ibang lalaki ay hindi niya kilala. Sa ibang sasakyan naman ay nakita niya ang mga kapatid niya kasama si Sebastian at si Roy.

"Dapat pala nag sama pa ng ibang babae nuh?" Napalingon si Heather sa lalaking hindi niya kilala na kumausap sa kaniya.

"Mag a-asume na ako na pinsan kita." Natatawang sabi ni Heather at natawa rin ang kausap niya.

"Ano pa ba? By the way I'm Elijah." Pagpapakilala ng kausa ni Heather.

"Kanino kang anak?" Tanong ni Heather.

"Kay Don Dimitri Delacruz. Panganay na kapatid ng ama mo." Ani nito. "Ang saya nga eh dahil parang hindi nag kakalayo ang mga edad nating mag pipinsan. Kahit sa mga kapatid."

"Ang landi kasi ng mga magulang natin eh." Sarkastimong sabi ni Heather. Tumawa lang si Elijah.

"Okay ladies and gentlemen. Magandang hapon sa mga kapatid at mga pinsan ko. Tonight magkakaroon tayo ng campfire sa loob ng Villa Forest then, you will be separated into five para naman mag kakila-kilala tayo. Ready?" Ani ni Vanessa sa unahan.

"Ready!" Sigaw nilang lahat.

Nauna namang nag lakad ang kapatid ni Heather at nag sisunuran nalang silang lahat panay ang tingin niya kay Sebastian at umiiwas agad siya ng tingin dahil naaabutan niya itong nakatingin din sa kaniya.

"Hoy, hindi na kita nakita sa mansiyon." Napalingon si Heather kay Roy nang kausapin siya nito.

"Ah, oo eh. May mga kailangan lang akong gawin." Pagsisinungaling ni Heather.

"Weh, kailangan gawin pero iba na ang nakalingis sa asawa mo." Kinunotan ni Heather ng noo si Roy.

"'Wag ka ng maingay diyan at mag lakad ka nalang." Ani ni Heather habang sumasampa sa mga bato dahil may kataasan iyon.

"Akin na 'yang bag mo. Ang liit mo na nga mag dadala ka pa ng bag na mas malaki sa'yo." Pang aasar ni Roy kay Heather. Hindi niya binigay ang bag saka inirapan ito.

"Bahala ka diyan." Aniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang sumapit ang dilim ay tumigil na sila sa pag lalakad. Ang ilang lalaki naman ay nag tayo ng bon fire at sila naman ay nag ayos ng mauupuan nila. Nang ma I set up na ang lahat ay nag kaniya kaniya na silang upo at kuha ng pagkain. Kumukunot na lang ang noo ni Heather sa tuwing mararamdamang may nakatingin talaga sa kaniya at parang minamanmanan ang bawat galaw niya. Hindi niya na lang pinansin iyon at nag patuloy sa ginagawa.

Parepareho silang nakapalibot sa apoy at nakaupo sa mga punong kahoy habang may hawak hawak na mga pagkain para sa kanila. Tumayo si Vanessa at nag simula nang mag salita.

"So, right now. Isa isa kayong tatayo then mag papakilala. About sa status niyo ngayon kung ano pinag kakaabalahan sa buhay at syempre kung kanino kayo galing. Dylan, ikaw na mauna." Ani ni Vanessa kay Dylan na paniguradong pinsan nila. Tumayo si Dylan at nakangiting humarap sa kanila.

"Hey, I'm Dylan. Half Italian half Filipino. Pero dito na ako lumaki sa pilipinas. I'm 29 year old. My father is Don Armel Delacruz. And my mother is Delilah Morgana." Sabi nito at naupo na pero bago mangyari iyon ay nag karoon muna ng batian dito.

"Hi everyone. I'm Ethan brother of Dylan. And Benjamin, Mason and Math. They are all my brothers. Uhm, I'm 20 tingin ko ay I'm the youngest—" nagtawanan sila."— and I'm a college student. Naabutan ako ng k-12 e. 'Yun lang naman. Good eve sa inyo." Ani nito at naupo.

"Good evening, I'm elijah. My Father is Dimitri Delacruz. And James, Jake, Larry and Yves are my brothers. I'm 29. 'Yun lang naman." Napapapikit na lang sila kapag walang kwenta ang mga sinasabi ng pinsan nila. Sunod naman ay tumayo siya.

"Hey, good evening everyone. I'm Heather Avery Delacruz. Anak ni Don Renato delacruz. Vanessa, Rebecca and Zoe are my sisters. I'm 23 years old. And my sister's friends are Roy and Sebastian. Let's all welcome them to our family. Thank you—"

"'Diba kasal ka na?" Biglang sigaw na tanong ni Mason. Nag taka naman ang lahat at pati si Rebecca ay na alarma.

"Kay Sebastian Carter Alfonsi daw. Totoo ba?" Tanong ni Ethan. Napanganga nalang si Heather at hindi alam ang isasagot.

"Next!" Sigaw ni Vanessa nang mapansing nagiging awkward na ang lahat.

"I'm Adam. 28, Don Gregor's son." Hindi na siya nakinig sa mga pagpapakilala at tinuon na lang ang pansin sa pagkain.

"Sorry." Nag angat si Heather ng tingin kay Ethan. Hindi niya napansin na pinuntahan pala siya nito.

"It's fine now. " Tipid niyang sabi.

"Sabihin mo lang kung ginagago ka na nung Sebastian, handa akong makipag bugbugan. 'Yun naman ang trabaho namin sa pamilyang ito. Protektahan kayo." Sabi ni Ethan na ikinangiti ni Heather.

"Salamat." Tipid niyang sagot.

Nang matapos ang pagpapakilala ng mga kamag anak niya ay pinag hiwa-hiwalay na sila. Kasama ni Heather si Roy, Jordan, Elijah, Adam at si Sebastian. Ang saya naman talaga.

Habang nag lalakad na sila palayo at nag hahanap ng maayos na pwesto para matulugan ay hindi niya kinikibo ang mga kasama niya na kanina pa maingay at nag tatawanan.

"Hey." Ani sa kaniya ni Sebastian at sinabayan sa paglalakad.

"Hi." Tipid niyang sagot.

"'Yung tanong ni Ethan kanina—"

"Okay na 'yun, wala namang kaso sakin 'yon. Guys okay na dito!" Sigaw ni Heatger.

Pinutol niya ang sasabihin ni Sebastian at hindi na nagsalita. Nilapag naman nila ang mga gamit saka nag kaniya kaniyang ayos ng tent. Pagkatapos niyang maayos ang kaniya ay nanatili na siya sa loob. Ayaw niyang lumabas dahil puro lalaki ang kasama niya. Kahit ba naman na kamag anak niya ito ay hindi niya kilala ang mga tinatagong katauhan ng mga ito.

"Knock, Knock." Mahinang sabi ng nasa labas ng tent niya. Nang buksan ni Heather ang zipper nh tent ay nakita niya si Elijah na may dalang snacks. "Halika, mag midnight snacks muna tayo kahit tulog na 'yung mga kasama natin." Natatawang sabi ni Elijah. Tumango si Heather at saka lumabas ng tent. Nakaupo si Elijah sa lupa at naupo din siya doon dahil muka namang malinis.

"I like your sister." Sabi ni Elijah na biglang ikinatingin ni Heather.

"She's still your cousin." Ani ni Heather.

"Malayo naman ah." Nakalabing sabi ni Elijah.

"Kahit na, saka labag sa rule natin 'yan 'diba?" Tumango tango si Elijah. "Ate Vanessa is a very supportive sister." Ani ni Heather. Inubos na nila ang snack at saka nag paalam na ito sa kaniya para matulog. Naiwan si Heather mag isa sa labas at gising na gising ang diwa niya. Mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi.

Tumayo si Heather at saka sinara ang tent niya. Gusto niyang mag paikotikot sandali. Diyan lang naman siya sa tabi tabi kaya hindi siya paniguradong maliligaw.

Ang daya naman kasi bakit sa dinami dami ng taong pwedeng palitan siya ay si Rebecca pa? Jusko lord e kapatid niya iyon. Pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Sebastian ay hindi niya na makalimutan ang lalaki. Lalo na ang gwapo nitong mukha. Ano ba kasing pumasok sa utak ng ama niya at nagawa nitong gawin iyon sa kaniya. Naiinis din siya dahil bakit pineke pa ang kasal niya kung hindi iyon fake edi sana legal niyang asawa si Sebastian. Ang daya kasi. 

©️AnnaDon

Ps: Correct me if there's something wrong about the chapter like (Grammatical error, misspelled words and such) Thank you😊

You can follow me on my social media Accounts:

Official Fb acc: Joanna London/Anna Don
Facebook Page: Anna Don
Wattpad acc: AnnaDon_02
Twitter acc: MylovelyAnnadon
Instagram acc: Heyyoucallmeanna

❤❤❤

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon