CHAPTER 5

2.6K 65 3
                                    

CHAPTER 5

"ISA ka pala sa mga Babaeng anak ni Renato Delacruz?" Tumango si Heather sa tanong ng ina ni Sebastian. Sumabay na siya sa breakfast na ihinanda. "Sige hija, kumain ka pa." Sabi pa ng ina ni Sebastian.

"Sa makalawang linggo na ang kasal ni Calvin, mama. Sasama ba kayo?" Tanong ni Sebastian sa ina nito. Hindi siya pamilyar kay Calvin at wala siyang pakielam kung sino man iyon.

"'Wag na anak. Si Heather na lang ang isama mo." Biglang nag angat ng tingin si Heather sa dalawa. Siya? Sasama? Bakit?

"Ah, 'wag na po. Okay lang po ako dito." Naka ngiting sabi ni Heather. Napatango tango ang ina nito at sumubo ng pagkain.

"Sige. Bale si Girly nalang ang isasama mo?" Tanong muli ng ina ni Sebastian. Bahagyang nangunot ang noo ni Heather dahil sa narinig. Sino naman ang Girly na iyon? At mag ka ano ano sila ni Sebastian. Simpleng tinignan ni Heather si Sebastian na bahagyang natawa

"'Wag na. baka maging dragon 'tong katabi ko." Natatawang sabi ni Sebastian. Nagbaba ng tingin si Heather. Tila ba nahiya dahil sa naging reaksiyon. Pero nakaramdam siya ng disappointment dahil sa narinig. Sino ba naman kasing matinong babae ang sasama sa lalaking may asawa? Buti sana kung kamag anak eh. Paano kung hindi?

Tumayo na si Heather kasabay ng dalawa at ang mga katulong na ang nag linis ng pinagkainan nila. Nagtitinginan sila ni Sebastian kung ano ang gagawin niya ngunit nginingitian lang siya nito.

"Tumawag sakin ang kapatid mo. Titira muna si Roy rito pansamantala." Ani ng ina ni Sebastian.

"Bakit? May sarili siyang bahay hindi ba? Ang huli niyang sinabi, gusto niya ng mag sarili. Pinabayaan ka nga 'diba?" Ani ni Sebastian. Nag bago ang itsura nito at tila ba naging iritado. Hinawakan siya ni Sebastian sa kamay saka hinila papunta sa kwarto. Hindi na nakapagsaita ang ginang at naiwan ito sa kusina.

"Roy? Kuya mo ba 'yon?" tanong ni Heather kay Sebastian. Umupo ang asawa niya sa kabilang gilid ng kama kaharap ng Teresa.

"He's my half brother, anak ni papa sa labas. Mag ka edad lang kami." Seryosong sabi ni Sebastian. Napatango tango nalang si Heather saka na upo sa tabi nito.

"Mayaman ka naman ah, bakit hindi ka rin mag solo?" Malokong tanong ni Heather kay Sebastian.

"Gusto mo na ba?" Seryoso na tanong ni Sebastian.

"A-ano—i-ikaw tinatanong ko eh. Ikaw mag desisyon niyan." Sabi ni Heather saka umatras ng kaunti. Pero lumapit sa kaniya si Sebastian.

"Heather, you're my wife. Kung ano ang desisyon mo, desisyon ko rin." Sabi ni Sebastian.

"Hindi naman siguro ganun 'yon. Saka sa papel lang naman tayo kasal nuh." Peke siyang tumawa. "Saka baka peke 'yon. Pinaglalaruan niyo lang talaga 'ko." Peke ulit siyang tumawa. "Ikaw, kung gusto mo na mag settle, okay na okay sakin 'yon. Tapos iwan mo na 'ko, mas lalong okay sakin 'yon." Ani ni Heather saka ngumiti. Ngumiti din si Sebastian at kinurot ang tungki ng ilong niya.

"Hindi." Biglang nawala ang ngiti ni Heather at masiglang aura niya. Punyeta, hindi pa pumayag ang lalaki.

"Naman oh!" Mahinang sabi ni Heatger at akmang aalis ng kama nang may kumatok sa pintuan.

"Sir, andiyan na po si sir Roy. Pinapababa po kayo ni mama niyo." Ani ng katulong na ikinatingin ni Heather kay Sebastian.

"Pababa na 'ko." Sagot ni Sebastian at tinignan siya nito "Dito ka lang. 'Wag kang lalabas ng kwarto." Hindi nakasagot si Heather at hinalikan siya bigla sa noo. She found that sweet. Napatingin nalang si Heather sa papalayong bulto ng asawa hanggang sa siya nalang ang natira sa loob.

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon