CHPATER 21

2K 40 4
                                    

CHAPTER 21

TULALANG naka titig si Heather sa kisame habang alalang alala ang nangyari kagabi. Tandang tanda ni Heather kung paano siya halikan at hawakan ni Roy. Lahat ng pag iisip niya ay nahinto nang may biglang kumatok sa kwarto niya.

"Pasok." Ani ni Heather. Pumasok sa loob ng kwarto si Vanessa na may dalang tray at ang laman non ay pagkain.

"Good morning, kanina ka pa dito... hindi ka bumaba kanina. Saka si Rebecca hindi din bumaba ng kwarto." Ani ni Vanessa at nag lakad patungo sa kama ay doon ipinatong ang tray. Bumangon si Heather at umayos ng upo. Nakatingin lang sa kaniya si Vanessa ngunit wala siyang pinakitang kahit na anong emosyon.

"Halos kuyugin ng mga pinsan natin si Roy kagabi. Nag si-uwian din 'yung mga pinsan natin kaninang madaling araw dahil sa nangyari. Sinabi ko na huwag na iyon ipaalam sa iba dahil mag kakaroon lang ng eskandalo. Ano bang ginawa mo at humantong sa ganun?" Tanong ni Vanessa at maya maya lamang ay tumulo na ang luha ni Heather. "Hindi na kita pipilitin. Alam mo ba, si Rebecca ay iyak ng iyak kagabi dahil sa nangyari?" Nag angat si Heather ng tingin kay Vanessa. "Selos na selos siya. Galit siya sa'yo ngayon. Feeling niya siguro—"

"Tangina? Nag seselos?" Sunod sunod na pumatak ang mga luha ni Heather saka umalis ng kama. "Kulang nalang babuyin ako ni Roy pero anong iniisip mo?! Iniisip mo na nag seselos si Rebecca! Putangina niyong lahat!" Galit na galit na sabi ni Heather at lumabas ng kwarto ngunit sa pag labas niyang iyon ay nadatnan niya si Sebastian at Rebecca na nag tatalo.

"—So ano 'yung nakita ko? Guni guni ko? Iisipin ko nalang na wala lang 'yon? Sebastian hindi ako tanga!" Ani ni Rebeca habang umiiyak.

"Rebecca this is fucking too much! Nakikita mo ba ang sarili mo? Desperada ka na! Ginahasa na si Heather pero ano'ng nasa isip mo? 'Yung walang kwentang pag seselos mo! Ilugar mo 'yang pag seselos mo o kung ayaw mo naman, mag hiwalay tayo. As easy as that right?" Sabi ni Sebastian.

"Ayoko!" Ani ni Rebecca na ikinaluha ni Heather. "Ayokong makipag hiwalay! Buntis ako Sebastian! Buntis ako!"

Halos mayanig ang mundo ni Heather nang marinig ang mga katagang iyon na galing sa bibig mismo ni Rebecca. Ang lahat ay natigilan dahil sa narinig. Ilang saglit ay nag landas ang luha ni Heather nang makaramdam ng kirot sa puso. Mas masakit iyon kaysa sa huling sakit na naramdaman niya. Ngayon napagtanto niya na ang lalaking mahal niya ay mag kakaanak na sa iba. Mas masakit pa ito sa masakit.

"Anong sabi mo Rebecca?" Biglang narinig ni Heather ang boses ng ama na bakas din sa mukha ang pag ka gulat.

"Yes dad," ani ni Rebecca at ngumisi habang lumuluha. "you heard that right. Yes po, I'm pregnant. At si Sebastian po ang ama." Tumingin naman ito kay Sebastian. "You're going to be a father."

Parang na estatwa naman si Sebastiab at tinignan si Heather kalaunan. Nasalo nito ang binabaha niyang mata.

"I'm sorry..." Sebastian mouthed at Heather.

Tinignan ni Heather ang ama. "Dad—"

"Papuntahin mo dito ang parents mo at pag uusapan natin ang kasal." Ani ng ama niya kay Sebastian. Hindi na nito narinig ang tawag ni Heather at umalis na sa sala. Tinignan naman niya ang ina na tila walang magawa sa nangyayari.

"Hi Heather!" Sigaw ni Rebecca sa kaniya sa itaas ng hagdan. "Magiging tita ka na! Hindi ka ba masaya? Bakit ka umiiyak? Tears of joy ba iyan? O tears of sadness kasi nalaman mong—"

"Tama na Rebecca. Congrats for the baby." Pigil sa kanila ni Vanessa. Parang bigla nalang nag laho sa paningin nila si Sebastian. Umiiyak si Heather na umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto. Sumunod sa kaniya si Vanessa at pinanood ang galaw niya. Kinuha ni Heather ang cellphone at tinawagan si Reix.

Ika nga ng ina ni Heather. "Edi kung dumating 'yung panahong iyon. Kailangan mo na makipag sapalaran. May mga pagsubok na darating at kung mahal mo ipaglalaban mo. Parang bag, kapag hiniram ng kapatid mo pero ayaw mo. Makiki pagbangayan ka pa sa kapatid mo, para manalo lang na huwag ipahiram ang bag mo. Ganoon lang iyon."

"Reix. I need you to do something, please?" Sabi ni Heather nang sagutin ni Reix ang telepono.

"Kailangan kong gawin mong legal ang kasal ko. Gusto ko mas mabilis pa sa segundo. Pwede?" Aniya at pinipigilang humagulgol.

"O-okay sige. Mag papadala ako ng tao diyan okay?" Tumango si Heather sa hangin.

"Salamat." Aniya at pinatay na ang telepono.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Vanessa at tila ba nagulat sa sinabi niya.

"Ginagawa ang tama." Taas noong sabi ni Heather at akmang lalabas siya ng kwarto nang hawakan ni Vanessa amg braso niya.

"Heather, tama na. Can you just let Sebastian go for Rebecca? They were meant for each other! Itutuloy mo ang kasal kay Sebastian? Tapos ano? Mananatiling bastardo ang anak ni Rebecca? Ilalagay mo lang sa iskandalo ang pamilya natin!" Ani ni Vanessa.

"Wala akong pakielam. Bakit ba ganiyan ka? Naging akin si Sebastian noong una. Akin siya!" Ani ni Heather at nakatanggap siya ng biglang sampal mula kay Sebastian.

"Tama na Heather! Nahihibang kana! Maawa ka naman sa kapatid mo!" Ani ni Vanessa kay Heather.

"Maawa?! Sino ba ang mas kaawa awa sa amin ha?!" Bulyaw ni Heather kay Vanessa.

"Siya! Siya ang mas kawawa sa ating mag kakapatid!" Galit na sabi ng kapatid niya. "Alam mo kung bakit? Kasi hindi natin siya purong kapatid!" Biglaang sabi mi Vanessa na ikinataka bigla ni Heather.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagugulphang tanong ni Heather.

"Anak ni dad sa ibang babae si Rebecca." Mahinang sabi ni Vanessa. Kita ni Heather ang pag tulo ng luha ni Vanessa at biglang pagluhod nito sa harap niya.

"Bata pa ako noon. May babaeng pumunta rito sa mansiyon. Hardinera siya sa amin dati. Sabi niya anak daw iyon ni dad. Nung pina DNA namin, totoo nga. Nagalit si mom, syempre. Pero wala kaming nagawa kundi tanggapin dahil mag kakaroon ng iskandalo sa pamilya natin. Bawal ang anak sa labas. Kaya kaming tatlo lang ang nakakaalam. Tinuring na anak ni mom si Rebecca. Minahal namin siya na parang tunay na kadugo. Minahal din naman niya kayo. Alam ko iyon dahil sinasabi sakin ni Rebecca na mahal na mahal niya kayo. Tayo. Kaya please, ipaubaya mo na si Sebastian kay Rebecca. Please." Pagmamakaawa ng kapatid niya.

Napahagulgol bigla si Heather. "Putangina naman... bakit may ganito tayong issue? Ate naman! Bakit may ganito?! Ano 'to?! Bakit ngayong mo lang sinabi? Ate ano bang klaseng gulo 'to?" Ani ni Heather at napasabunot sa sariling buhok.

"Hindi na mahalaga kung bakit ngayon ko lang sinabi. Ang mahalaga ay ibigay mo na si Sebastian kay Rebecca. Ipaubaya mo na."

Lumuhod si Heather para mag pantay ang muka nilang dalawa. "Sorry pero ayoko. Hindi rin binibigay ng isang Delacruz ang gustong gusto nito sa ibang tao. Ang kaniya ay kaniya."

Tumayo si Heather at kinuha ang brown envelope saka lumabas ng kwarto. Pagkababa niya ng sala ay nakita niya si Rebecca na nag pupunas ng luha. Nakaramdam si Heather ng awa para sa kapatid.

"Ano? Natauhan ka na?" Mataray na sabi ni Rebecca kay Heather.

"Ma'am, may pumunta pong abogado rito, hinahanap kayo." Sabi ng katulong kay Heather. Ibinigay ni Heather ang brown envelope sa katulong. Laman non ang papeles ng kasal nila ni Sebastian.

"Ibigay mo iyan sa kaniya." Tumango ang katulong nila at umalis na. Hinarap ni Heather ang kapatid at isang sampal ang ibinigay niya rito.

"Ganyan gumanti ang isang Delacruz." Sa lakas ng sampal ni Heather ay napadapa si Rebecca ng malakas. Bigla siyang napaatras nang makakita ng dugo na biglang dumaloy sa lapag.

©️AnnaDon

Ps: Correct me if there's something wrong about the chapter like (Grammatical error, misspelled words and such) Thank you😊

You can follow me on my social media Accounts:

Official Fb acc: Joanna London/Anna Don
Facebook Page: Anna Don
Wattpad acc: AnnaDon_02
Twitter acc: MylovelyAnnadon
Instagram acc: Heyyoucallmeanna

❤❤❤

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon