CHAPTER 8

2.3K 53 1
                                    

CHAPTER 8

NGAYONG araw na discharge si Sebastian sa hospital kaya maaga silang nakauwi sa mansiyon. Pilit na pinagpapahinga ni Heather si Sebastian pero ayaw nito. Buti nalang ay napagod ito kaka tanggi at nakatulog rin. Pagod siyang nahiga sa sofa at pumikit. Patulog na sana si Heather nang tumunog ang cellphone niya. Nahanap ni Heather ang telepono niya sa bag ni Sebastian bago ito ma aksidente. Nang tigna niya kung sino ang tunatawag, nakita niya na si Rebecca iyon kaya lumabas siya ng kwarto para sagutin.

"Bakit naman napatawag ka?" Kunot noong sabi ni Heather.

"Kung ako sayo, aalis na ko diyan." Kumunot ang noo niya. "Itanong mo nga kung bakit."

"Bakit?"

"Dahil peke ang marriage contract niyo." Sabi ni Rebecca at narinig niya ang paghalakhak nito.

Natikom ni Heather ang bibig dahil sa gulat at naibagsak niya ang teleponong hawak. Gaano ba ka gago ang buong pamilya niya at ginagawa nila ito sa kaniya?

"Ay jusko, ma'am! Sayang 'yung cellphone. Ano po nangyari?" Inalalayan siya ng kasambayan makatayo dahil halos matumba siya. Nagulat siyang bigla sa nalaman. May kung anong kirot siya sa pusong naramdaman at galit.

"Paki handa 'yung kung ano mang kotse diyan na pwede kong gamitin at aalis ako." Utos ni Heather.

"O-opo sige ma'am." Umalis sa tabi ni Heather ang katulong at maya maya lang ay ibinigay sa kaniya ang susi ng sasakyan. Bumaba siya at agad na lumabas ng mansiyon saka sumakay ng kotse na nakaparada sa labas. Walang pag aalinlangan na pinaharurot ang kotse papunta sa bahay nila. Mabilis iyon at walang pakielam si Heather kung mahuli man siya ng pulis.

Hapon na nang makarating siya sa bahay at nagulat nalang ang mga tao doon na dumating siya. Kahit si Zoe na nakita siya ay nagulat din.

"Ate!" Masayang bati sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin kaya sinundan siya nito. Pagkapasok ni Heather ng salas ay naabutan niya doon si Rebecca na kumakain ng ice cream at nandoon din si Vanessa. Tinignan siya ni Rebecca at tumayo.

"Hi my dear sister—" hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng biglang sampalin ni Heather ng malakas dahilan para matumba ito sa sofa at malaglag ang kinakain nito.

"Anong alam mo? Sabihin mo sakin kung anong alam mo!" Pagalit niyang sabi. Tila naalarma naman ang dalawa niyang kapatid kaya dinidistansiya sila ng mga ito. Nakangiting tumayo si Rebecca sa harap niya.

"Pasalamat ka at wala rito ang mga magulang natin kaya pwede akong gumanti." Lumagapak ang isang malakas na sampal sa mukha ni Heather. "Ang sarap 'diba? Sino ka para sabihin sa kanila ang sekreto ko?! Nangako ka 'diba? Nangako ka na hindi mo sasabihin sa kanila ang nangyari sa akin! Pero anong ginawa mo?! Sinabi mo kaya tinanggalan ako ng mana ni dad! Ikaw ang may kasalanan! Nag mamagaling ka kase! Kaya parusa mo 'yan! Saka 'yung kasal niyo kuno ni Sebastian? Hindi 'yon totoo! Lahat ng iyon peke! At sinasabi ko sa'yo Heather, magdudusa ka sa ginawa mo!" Galit na galit na sabi ni Rebecca.

"Tigilan niyo na 'yan ano ba, ayokong makakarating ito kila mom at dad. Ayusin niyo ang gusot na'to." Ani ni Vanessa.

"Paano ako makakasiguro na peke ang kasal namin?" Tanong ni Heather. Napakaraming sama ng loob na nararamdaman si Heather ngayon at hindi niya alam kung ano ang pwede niyang magawa.

"Hindi siya naka rehistro. Alam mo ba kung bakit ka naka pirma doon? Pinirmahan mo iyon nung party ni Zoe. Nag lasing ka noon diba? Pinapirma sa'yo 'yon ni dad. Pero 'di bale, peke naman kaya walang saysay." Tumawa si Rebecca ng malakas. "Ganiyan gumanti ang Delacruz, Heather."

"Dahil sa ginawa mo, mas binaon mo ang sarili mo sa hukay Rebecca. Magsasama ulit tayo dito sa bahay. Humanda kayo ni dad." Sabi ni Heather saka lumabas ng bahay dahilan para habulin siya ni Zoe.

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon