CHAPTER 4

2.7K 64 2
                                    

CHAPTER 4

TULALA si Heather nang paghiwalayin ni Sebastian ang mga labi nila. Diretso siyang tinignan sa mga mata ni Sebastian ngunit magkalapit na magkalapit parin ang mga muka nila samantalang ang kaniyang puso ay sobrang bilis na ng pag pintig, animo'y kabayo na sobrang bilis ng takbo.

"So, mabaho ba hininga ko?" Nakangising sabi ni Sebastian. Agad na lumayo si Heather upang bigyang distansiya ang mga mukha nila. Nakagat niya nalang ang labi nang maramdaman na ganun pala ang pakiramdam ng halik. Hindi na kumibo si Sebastian saka pinaharurot na ang sasakyan pa alis.

Kalaunan ay tumigil nalang ang sasakyan sa tapat ng isang magarang mansiyon. Nakatingin lang doon si Heather hanggang sa inaya na siya ni Sebastian na bumaba ng sasakyan. Napatitig si Heather sa kabuoan ng mansiyon. Mas magara iyon kaysa sa mansiyon na pagmamayari nila. Totoo nga na bilyonaryo si Sebastian.

Maya maya ay may mga lumabas na mga lalaking naka suit at kinuha sa compartment ang mga gamit niya. Si Heather na sana ang kukuha non ang kaso ay kinapitan siya sa kamay ni Sebastian at hinila papasok ng mansiyon.

Pagkapasok niya ay may lumabas na matandang babae at may mga nakasunod ritong mga katulong. Inakbayan siya ni Sebastian. Pero bago iyon ay nakita niya ang suot niya. Yung bestidang suot niya kanina ay 'yun din ang suot niya ngayon. Saka mukang ipapakilala pa siya nito sa mga magulang nito, pero okay lang. Gusto nga niyang umayaw ito 'diba?

Kita ni Heather kung paano nagulat ang mukha ng ina ni Sebastian. Bakas sa mukha ng ginang ang saya.

"Mama, si Heather..." ani ni Sebastian saka bahgyang tumingin kay Heather. "my wife." Dugtong ni Sebastian. Nakatingin lang si Heather kay Sebastian habang sinasabi nito ang mga katagang iyon.

"Ang ganda ganda naman ng manugang ko." Nakangiting sabi ng ina ni Sebastian. Simple siyang ngumiti.

"Salamat po." Aniya ng nakangiti. Ayaw niyang gumamit ng pekeng ngiti dahil mabait naman sa kaniya ang ginang at hindi nito deserve 'yon.

"Tatia, paki dalhan mo naman ako ng pagkain sa kwarto ko." Ani ni Sebastian sa isang katulong. Nakangiti ang katulong kay Sebastian pero nang tignan ni Heather ang katulong ay sumama ang mukha nito.

"Ang galling pumili ng anak ko. Maganda ka, gwapo ang anak ko, oh diba ganda ng lahi!" Ani ng ina ni Sebastian at masayang pumalakpak. "Anak, isagad mo ha..." pilyang sabi ng ina ni Sebastian sa anak. Natawa nalang si Sebastians a sinabi ng ina. Si Heather naman ay hindi na nakakibo dahil sa gulat ng sinabi nito.

"Sige na, aakyat na kami sa kwarto. Ang haba ng biyahe namin. Napagod kami." Ngumuso naman ang ina niya at pinaningkitan silang dalawa.

Hinila na siya ni Sebastian pa akyat sa kwarto nito. Nang makarating sila doon ay nakita ni Heather ang mga bagahe na nandoon na. Inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng kwarto. Magara iyon kumpara sa kwarto niya. Ang kaso ay hindi siya komportable na magkatabi sila matutulog o sa parehong kwarto sila magsasama. Nakakailang.

"Hindi ba pwedeng sa iba nalang ang kwarto ko?" Ani ni Heather.

Umiling si Sebastian. "Bakit? Ayaw mo ba akong katabi?"

Nagbaba ng tingin si Heather. Pagkuwan ay kinuha nalang ni Heather ang mga bagahe niya.

"Gusto mo bang tulungan kitang magpasok ng mga bagahe." Tanong ni Sebastian. Umiling si Heather bilang sagot.

"Bakit ang bilis ng kasal natin? Kahapon lang tayo nagkakilala ah. Anong nangyari? Ni hindi ko nga alam kung may pipirmahan ba doon— for sure may pipirmahan doon—" Kuwan ay natanong ni Heather.

"'Wag ako ang tanungin mo diyan. Tanungin mo ang ama mo." Sagot ni Sebastian.

"'Wag tayong mag gagohan dito, alam kong alam mo kung paano, saka bakit ganon nalang pumayag si dad? May usapan ba kayo?" Kunot noong tanong ni Heather. Tanging pagkibit balikat lang ang sinagot ni Sebastian sa kaniya.

Napailing iling si Heather at kinuha ang lahat ng dalabg damit at pinasok sa walk-in closet nito. Habang naglalagay ng damit ay inis na inis siya. Bakit ba kasi kailangan pa nitong mag sinungaling sa kaniya? saka si dad? Hindi iyon papayag basta basta na may makalapit na lalaki sa kanilang magkakapatid. Pero si Sebastian? Hindi lang nakalapit, kundi nahalikan pa siya nito. Bwisit!

Pagka labas ni Heather sa walk-in closet ay agad itong dumiretso sa banyo dala ang damit na pampalit. Binuksan niya agad ang shower at pumailalim doon matapos niyang hubarin lahat ng damit.

"I'm so into you, I can't barely breathe." Heather started to sing Ariana Grande song 'Into you', she used to sing sometimes when she's in the shower.

"And all I wanna do is to fall in deep."

"But close ain't close enough till we cross the line, yeah yeah."

"So name a game to play and ill roll a dice, hey."

"Oh baby look what you started, the temperature's rising in here."

"Is this gonna happen?"

"Been waiting and waiting for you to make a move—"

"—So you want me to make my move now, yeah?" Napatigil si Heather nang marinig ang boses ni Sebastian sa labas ng banyo. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa gulat.

"K-kanina ka pa diyan?" Tanong ni Heather.

"Ang ganda pala ng boses mo." Sabi ni Sebastian at hindi manlang nag abalang sagutin ang tanong ni Heather. Tuloy pa rin ang paglagasgas ng rubig mula sa shower pababa sa katawan ni Heather.

"S-salamat." Tipid niyang sagot. Pinatay ni Heather ang shower pagkatapos ay tinuyo ang sarili at sinuot ang t-shirt niya na kulay pink na silk at shorts niya na katerno non. Pagkalabas ni Heather napatitig siya kay Sebastian na nakahamba sa pader na katabi ng pintuan ng banyo.

"Matutulog na ko..." ani ni Heather saka dirediretsong nagounta sa kama at pinunasan saglit ang ulo. Akma siyang hihiga nang pigilan siya ni Sebastian. Kinuha nito ang twalya na hawak saka maiging tinuyo ang buhok ni Heather.

"Masamang natutulog ng basa ang buhok alam mo ba 'yon?" Ani sa kaniya nito.

Hindi nakasagot si Heather sa halip ay tumingin siya kay Sebastian. Malimit na bumuka ang bibig niya ngunit walang lumabas na kahit na anong salita doon. Tipid na ngumisi si Sebastian at hinawakan ang baba ni Heather at itinaas iyon dahilan para tumikom ang bibig niya.

S-salamat." Ani ni Heather saka hindi nag atubiling humiga.

"Good night... love." Ani ni Sebastian. Matagal bago bumati ng magandang gabi si Heather.

"G—goodnight." Ani Heather at pilit na natulog. Nakarinig muna siya ng ilang malalalim na hininga ni Sebastian bago siya makaramdam ng antok.

©️AnnaDon

Ps: Correct me if there's something wrong about the chapter like (Grammatical error, misspelled words and such) Thank you😊

You can follow me on my social media Accounts:

Official Fb acc: Joanna London/Anna Don
Facebook Page: Anna Don
Wattpad acc: AnnaDon_02
Twitter acc: MylovelyAnnadon
Instagram acc: Heyyoucallmeanna

❤❤❤

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon