CHAPTER 6

2.4K 56 0
                                    

CHAPTER 6

HINDI nagtagal ang paglalakad nila ni Sebastian. Narinig ni Heather ang lagasgas ng tubig at nang makita niya ang itsura kung saan siya dinala ni Sebastian ay namangha siya.

"Wow," ani ni Heather at naglakad ng kaunti papalapit. Sumasabay ang tunog ng ibon sa tunog ng tubig na nalalaglag mula sa taas. Kung pagmamasdan ang paligid makikita mo ang napakaraming bulaklak. Sa gawing kaliwa ay may batong upuan at maliit na lamesa. Mas lalong gumanda iyon dahil nagiging kulay berde iyon dahil sa damo.

"Ikaw, ikaw ang gusto ko." Sagot ni Sebastian sa tanong ni Heather kanina. Humarap siyang bigla sa lalaki.

"A-ano?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa kaniya. "How can you say that? Kakakita palang natin—"

"'Yan ang akala mo." Ani ni Sebastian at tipid na ngumisi.

"Hindi ko maintindihan Sebastian, paanong 'yun ang akala ko?" Nagtatakang sabi ni Heather. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito.

"Gusto mo na ba talagang malaman?"

"Sino ba namang hindi?" Sabi ni Heather.

Bumukas ang bibig ni Sebastian ngunit walang inilabas na salita. Biglang napatingin si Heather sa braso niya dahil parang nabasa iyon at naramdaman niya nalang na umaambon na. Tumingala si Sebastian. Kalaunan ay hinubad nito ang pang itaas nitong damit. Nagbaba si Heather ng tingin at pinagmasdan nalang ang tubig na galing sa talon.

"B-bumalik na tayo. Baka kasi umulan ng malakas." Naiilang na sabi ni Heather.

"Mas delikado. Dito muna tayo, hanggang sa makasigurado tayo na hindi lalakas ang ulan. Saka tayo bumalik." Ani ni Sebastian saka dahan dahang lumusong sa tubig.

"Umalis ka nga diyan. Baka tumaas 'yung tubig, malunod ka." Saway ni Heather.

"Hindi 'yan, madalas na'ko dito kaya alam ko kung ano ang mangyayari."

Humalukipkip nalang si Heather at kinuha ang damit ni Sebastian saka naglakad patungo sa upuan. Mabuti nalang ay may punong katabi iyon dahilan para makasilong si Heather. Pinagmasdan niya ang mga tanawin sa paligid at hindi siya makapaniwala na may ganitong tanawin pa pala sa Pilipinas. Nakakatuwa naman.

Napalingon si Heather kay Sebastian na umahon na at naglalakad patungo sa kaniya. Hindi niya maalis ang mata niya rito lalo na pa at nakahubad baro ito. Hindi naman sa pinagpapantasiyahan niya ito pero parang ganun na nga.

"Kanin nalang ang kulang nuh?" Nakangising sabi ni Sebastian saka tumingin sa sarili nitong katawa. Nangunot lang ang noo ni Heather.

"Basa na 'yang pang ibaba mo. Wala ka pa naman dalang damit." Ani ni Heather.

"Mayroon akong dala kaso nasa compartment 'yon ng motor. Dito ka lang, kukunin ko lang 'yon." Ani ni Sebastian saka ito naglakad papalayo at naiwan si Heather doon mag isa. Pagkabalik ni Sebastian ay nakapagpalit na ito ng damit.

"Sabihin mo na 'yung dapat mong sabihin." Savi agad ni Heather nang makabalik si Sebastian.

Walang nagawa si Sebastian kundi sumagot. "Planado 'to ng ama mo. Siya ang dahilan kung bakit ka kasal sa akin."

Hindi nakakibo si Heather dahil sa nalaman. Plano ng ama niya? Ang ama niya pala ang dahilan kung bakit siya kasal kay Sebastian. Siya pa naman ang nilapitan ni Heather para hingan ng tulong pero siya pala ang may kagagawan.

"Pinaglaruan niyo ko, ang kakapal ng muka niyo!" Pinaghahampas niya si Sebastian sa sobrang galit. "Kailan pa ha?! Kailan pa kayo nag paplano ng ganito?! Kailan pa?!" Galit na sabi ni Heather.

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon