CHAPTER 31

279 4 0
                                    

P.O.V. MAE

Tinawagan ko si Casper at sinabi kong susunduin ko si Hope sa school nya..

"Birthday kasi ni mama eh gusto daw nya kasama si Hope... sa bahay mo nalang sya sunduin" paliwanag ko kay Casper.

Pagdating ko sa school nang paakyat na ako ng hagdaan ay nakasalubong ko ang mga kaklase ni Hope at ang teacher nito.

"Maam ano pong nagyayari?"

"Maam nagka-spark po sa second floor baka po kasi magkasunod kaya pinababa na kami"

"Asan po si Hope?" Tanong ko ng mapansin kong wala sya sa mga hilera ng mga studante.

"Teka andito lang yun kanina..." nagpanic na si  Maam lalo na ng may biglang sumabog at nagumpisa na ngang umapoy.

"Teacher bumalik po sya kukunin daw po nya stuff toy nya" sigaw ng isa nyang kaklase.

Di na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis ako umakyat ng second floor at hinanap sya.

"Hope!  Hope!" sigaw ko sa kabila ng pag-ubo dahil sa usok..

Inisa isaisa ko na ang mga kwarto nang bigla ako may nakitang bata duguan " tulungan mo ako" sabi nito.

Napaatras ako nang makita kong isang multo pala ang bata.. kaya napatakbo ako.

Nakarating ako ng 3 floor...Hanggang marinig ko ang isang iyak mula sa isang silid ng buksan ko ay nakita ko si hope nakaupo sa gilid yakap ang mga binti at ang stuff toy nya.

Bigla ako nagkaroon ng vision kung saan nakita ko ang sarili ko na parang kay Hope... takot na takot at tinatawag ko ang pangalan ni Casper.

Dahil sa vision ko ay nakaramdaam ako ng pagkahilo... "Hope anak andito na si mommy"

"Mommy... Im scared" sabi nya sa pagitan ng pag-iyak.

"Shhh wag kang matakot... lalabas tayo dito pero i need you to listen to mommy at dapat susundiin mo hah"

Tumango lang si Hope.

Pagbukas ko ng pinto ay medyo malakas na pala ang apoy kaya muli ko ito isinara... naghanap ako ng tela at binasa ko sa water dispenser saka tinalokbong ko kay Hope...

Pagbukas ko ng pinto at habang sinusuong namin ang apoy at usok ay muling sumakit ang ulo ko.

Naalala ko yung nangyari sa akin, yung araw ng graduation kung saan sinapian ng masamang espirito si Andrea.. pati ang pagsagip sakin ni Casper mula sa nasusunog na building.

"Hope deretso deretso ka lang wag kang lilingon ok...no matter what" sabi ko sa kabila ng sobrang pagkahilo.

Naramdaman ko na parang babagsak na ako pero pinipilit ko maglakad dahil kailangan ko maialis si Hope...kahit na pasuray suray na ako sa paglalakad..

Hindi ko nakita na may pabaksak na kahoy buti nalang ay naisangga ko ang kamay ko kaya hindi napuruhan yung ulo ko..

Bumagsak ako sa sahig at nanlalabo na ang mga mata ko... pero nakita ko si Hope na may kumuhang bombero kasama noon ay nakita ko si Casper..

"Casper Casper" mahinang sabi ko bago ako tuluyan nawalan ng malay.

********************

P.O.V. CASPER

"Hi? ah ganun ba ok... sige kasi may emergency meeting din ako so, male-late na ako susunod sa bahay nyo.. paki sabi nalang kay mama happy birthday" pagkasabi ko kay Mae sa kabilang linya ng telepono ay nagpunta na ako ng conference room.

Maya maya ay biglang pumasok ang secretary ko sa gitna ng meeting.

"Excuse me po sir... may emergency lang po kay Hope"

Nakaramdam ako ng kaba, mabilis ako lumabas ng room.

"Sir tumawag po yung school ni Hope... nasusunog daw po yung building at natrap daw po si Hope at ang mommy nya" nanginginig na sabi ng secretary ko.

"What?"

Patakbo kong lumabas ng office at nagmadali akong nagpunta ng school ni Hope.

"Please Lord wag nyo po sana sila pabayaan" taimtim na panalangin ko.

Pagdating ko sa school ay nakita ko na napakalaki na ng apoy...patakbo akong pumasok ng building pero hinarang ako ng mga bumbero.

"Ano ba papasukin nyo ako nasa loob yung mag-ina ko..." pasigaw na sabi ko.

"Sir kami na po ang bahala... dito nalang po kayo masyadong malaki na po ang apoy" paliwanag ng bombero.

"Okey.... okey bitawan nyo ako" sabi ko ng mahinahon at umatras ako.

"Hindi pwedeng maghintay lang ako dito at walang gawin" bulong ko sa sarili habang nagiisip ako ng paraan pano ako makakapasok.

Nang makahanap ako ng pagkakataon ay mabilis ako tumakbo at pumasok ng building.. umakyat ako ng hagdaan..

"Hope Hope! sigaw ko"

"Sir ano po ginagawa nyo dito" tanong ng isang bombero.

"Pwede ba wag nyo na ako pigilan ang mas importante ngayon ay mahanap ang mag ina ko" galit na sabi ko..

"Daddy!!!" sigaw ni Hope sa kabila ng pag-iyak... mabilis ko kinuha si Hope nang makita ko itong naglalakad mag-isa.

"Hope anak.." niyakap ko sya nang mahigpit.

"Si mommy" sabi nya saka tinuro nya ang hallway.

Mabilis ko pinasa si Hope sa mga bombero at tumakbo sa dereksyon na tinuro ni Hope.

"Mae! Mae!" sigaw ko.

"Casper" narinig kong sabi nya ng makita ko syang nakahandusay sa sahig at wala nang malay.

Mabilis ko sya bihuhat at inilabas ng building buti nalang at may ambulansya nang naka-abang.

"Daddy.... matutulog nanam ba si mommy ng matagal?" tanong ni Hope mula sa likuran ng sasakyan.

Kasalukuyan namin sinusundan ang ambulansya. "I dont know sweety pero sana naman hindi"

Pagdating namin mg hospital ay tinawagan ko si mama Martha at sinabi ang nangyari.

Pagkalipas ng ilan minuto ay dumating ang mama ni Mae.

"Casper kamusta na si Mae?" nag-aalalang tanong nya.

"Nasa emergency pa po sya Ma"

"Bakit ba laging ganito nalang..." naiiyak na sabi ni Martha.

"Wag po kayo masyado mag-alala wala pong masamang mangyayari kay Mae"

Maya maya pa ay lumabas na ang doctor. " Sino po ang kamag-anak ng pasente.

"Kami po... ako po ang asawa"

"Mr. wag na po kayo masyadong mag-alala dahil maliit lang naman po ang sugat nya sa ulo. at may mga paso lang sya sa kamay"

"Pwede na po ba namin sya makita?"

"Sa ngayon ay wala pa rin syang malay kaya nilagyan muna namin sya ng oxgen.. ninahanda ko na po sya sa private room.. sige po maiwan ko na kayo.."

"Thanks God" taimtim na bulong ni mama Martha.

"Ang mabuti pa i-uuwi ko muna si Hope" sabi ko.

"Ako na..at kukuha na rin ako ng mga gamit ni Mae sa bahay.. tutal andoon naman si tiyo Marlon mo na titingin kay Hope"

"Sige po.. thank you po Ma... ako na po bahala kay Mae"

Pagpasok ko ng room kung asan si Mae ay nakita ko itong nakahiga at may benda sa ulo at kamay.

"Mae please wake up... ok lang kahit di mo na ako makilala.. basta ang importante ay gumising ka.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon