Chapter 10

340 4 0
                                    

P.O.V. MAE

Gumagawa ako ng report sa ilalim ng puno nang lumapit si Carlo sa akin.

"Hi pwede ba ako makiupo"

"Yeah sure... may kailangan ka ba"

"Ah oo... little help about sa trigo"

Tinulungan ko si Carlo sa trigo kung anu yung di nya naiintindihan ng maya maya ay bigla sya tumitig sa akin... yung bang titig na nakakakilig..

"Bakit?" naiilang na tanung ko.

Pero imbes na sumagot ay nakangiti lang ito saka nya hinawakan ang buhok ko.

"There you go... natangal ko na yung dahon na nasa ulo mo"

"Hah? thank you" tipid na sabi ko.

"Lunch time na pala... ang mabuti pa ay sumama ka nalang sa akin treat kita for lunch"

Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na nito ang mga gamit ko saka ako hinawakan sa kamay.

Habang hila hila nya ako ay nakaramdam ako ng kilig... dati ay pangarap ko lang sya... pero ngayon eto at hawak pa nya ang mga kamay ko..

****

Pagkatapos ng klase ay pinuntahan ko na si Casper... nakita ko ito nakaupo sa isang bench at sobrang seryoso ang mukha.

"Late ba ako" tanung ko.

"Bakit di ka pumunta?" ganting tanung nya.

"Huh? san?"

"Sa canteen"

"Ah kasi gumawa ako ng report ko... sorry"

Hindi na sya umiimik at biglang tumayo...

"Teka san ka pupunta?" nagtatakang tanong ko dahil may tutor kami ngayon.

"Sa ibang araw mo na ako itutor" pagkasabi nya ay iniwan na nya ako.

Naiwan akong clueless kung bakit parang masama ang loob nya... dahil lang sa hindi ako nakapunta ay galit na sya.

"Nakakainis talaga yun lalakeng yun minsan mabait pero madalas talaga masungit" inis na sabi ko..

Pero ngayon ko lang sya nakitang ganun kaseryoso na para bang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya.

Kinaumagahan ay napansin kong tila iba ang mood nya at para bang lalo syang sumungit... kahit ng mga nagdaan araw ay ilap pa rin sya. Gusto ko sana tanungin kung bakit pero di ko na ginawa baka family problem siguro.

Pero isang araw ay binalita sa akin ni Rhea na nag-away daw si Carlo at Casper...

Habang papunta ako ay nakasalubong ko si Andrea... pinilit ko sya iniwasan pero hinarang nya ako at itinulak... ng walang dahilan.

Napasalampak ako sa sahig at naitungkod ko yung kamay ko kaya bahagyang sumakit.

Pagdating ko sa court kung saan nag-away si Carlo at Casper... ay si Carlo nalang ang nadatnan ko na may dugo sa labi... agad ko sya pinuntahan at inalalayan pumunta ng clinic.

"Ano ba nangyari bakit kayo nag-away?" tanong ko kay Carlo habang nilalagyan ko ng icebag ang kaliwang mata nya.

"Wala... wag mo na intindihin yun wala lang yun" tipid na sagot nya.

Pagkagaling namin sa clinic ay bumalik na kami sa klase...

"Ano kaya nangyari kay Casper?" tanung ko sa sarili.

Halos di ako makapagconcentrate sa pag-aaral dahil nag-aalala pa rin ako kay Casper...

Pagkatapos ng isang subject ko ay saglit ko sinilip si Casper... pero di ko sya nakita at nang tanungin ko sa iba nya ka-klase, ay sinabi nilang hindi na ito pumasok sa iba pa nyang subject...

Lalo ako nag-alala sa nalaman ko... Pag-uwi ko ng bahay ay di ako mapakali kung tatawagan ko ba sya o itetext? at kung ano ang sasabihin ko.

Kaya minabuti ko nalang na tawagan si Rhea...

"Hello Rhea bes tulungan mo naman ako.... ano ba gagawin ko tatawagan ko ba si Mr. sungit o kaya itetext ko ba... pero ano ba sasabihin...? sabihin ko ba na nag-aalala ako sa kanya?" sununod sunod na tanung ko.

"Bes andyan ka ba bakit di ka sumasagot" nagtatakang tanung ko kung bakit di nagsasalita si Rhea.

"Ok na sana eh tinawag mo pa akong sungit... dont worry Im fine" sabi ng nasa kabilang linya.

Nagulat ako nang boses lalake ang nagsalita at nang makita ko kung yung phone ko.... si Casper pala ang natawagan ko... agad ko pinatay ang tawag at ibinababa ang cp sa kama.

"O.M.G... nakakahiya ako!" tulirong sabi ko sa sarili.

"Ano kaya gagawin ko magtatago ba ako sakanya? o kaya wag na kaya ako pumasok? pero magagalit si mama. Ah kunyari nalang di ko alam yun"

***********

P.O.V. CARLO

"Ano ba nangyari" tanong ni Mae habang nasa clinic kami at ginagamot ang sugat ko.

"Wala... wala naman" matipid kong sabi.

Ayaw ko malaman ni Mae na alam kong may gusto si Casper sa kanya.

Nang mapansin kong nakatingin si Casper sa kinaroroonan namin ay pasimpleng hinagod ko ang buhok ni Mae at nagkunwaring may dahon ito sa ulo... Nakita ko ang galit sa mga mata ni Casper bago ito umalis.

Pagdating ko sa bahay ay sandali ako nagbasketball mag-isa sa likod bahay, habang iniisip ko si Mae.

Kung dati ay gusto ko lang sya paglaruan at gamitin para sa pag-aaral ko.... pero nagbago na ang lahat mula nang makilala ko sya ng lubos....At di ko na namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa kanya.

"Mahal kita Mae" bulong ko sa akin sarili.

**************

P.O.V. ANDREA

Halos ibalibag ko ang gamit ko sa sahig ng kwarto ko sa sobrang galit ko.

"Nakakainis kayo" gigil na sabi ko habang pinupunasan ko ang nangingilid na luha.

Di ko na napigilan na mapaiyak... feeling ko walang nagmamahal sakin kahit nga sarili kong magulang di ko nararamdaman ang pagmamahal nila, kahit pa binibigay nila ang lahat ng gusto ko..

Kinaumagahan ay nakita ko si Casper na nakaupo sa bench at nagbabasa ng libro.

"Hi! kamusta na mga sugat mo?" tanong ko.

"Ok naman na ako... bakit?" sabi nya ng di binababa ang libro.

umupo ako sa tabi nya at huminga ako ng malalim saka humarap sa kanya.

" I have something to say" pagkasabi ko ay hinawi ko ang libro na hawak nya saka hinawakan ang pisngi nya hanggang mapaharap sa akin.

Kinabig ko ang ulo nya at hinalikan ko sya sa labi.

"What are you doing?" nagtatakang tanong nya ng bigla nya ako kinabig palayo.

"I like you" matipid na sabi ko.

"Sorry Andrea pero kaibigan lang ang tingin ko sayo" pagkasabi nya ay umalis na sya.

Napangiti nalang ako sa ginawa ko.

Ang totoo ay sinadya ko talagang gawin yun nang makita ko si Mae at Carlo... at kitang kita ko kay Mae ang selos at inis sa ginawa ko.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon