Chapter 17

349 3 0
                                    

P.O.V. CASPER

Di ko maitago ang sayang nararamdaman ko dahil sa wakas ay may kasagutan na ang mga paulit ulit kong panaginip... bukod doon ay masaya akong ok na kami ni Mae.

Kinaumagahan ay nagpunta ako kila Mae para sunduin ito at sabay na kami pumasok..

"Mula sa araw na ito lagi na kita susunduin at ihahatid kaya dapat on time ka" kunot noong sabi ko.

"Teka.... bakit parang mas istrikto ka pa ngayon kaysa noong tutor mo pa ako"

"Aba nagrereklamo ka? gusto mo yatang ikiss kita" pagbibiro ko.

"Wala namang ako sinabing nagrereklamo ako... saka bawal ang kiss..." mabilis nya tinakpan ang bibig nya.

Kahit walang pang formal na kami na nga ay masaya na ako na alam kong mahal nya ako at kontento na ako na ganito kami dahil alam kong priority nya ang pag-aaral...

Makalipas ng isang buwan ay naging maayos naman ang set up namin ni Mae na M.U. tuwing wala kami pasok ay nagdadate kami... namamasyal, nood ng sine o kaya nasa bahay nila at nagdidiner kasama ang mama nya na nagkukulitan.

Isang gabi pagkagaling ko sa puntod ng lola ko ay naisip ko na dumaan sa kanila... para kasing di kumpleto ang araw ko na di ko sya nakikita...

"Magandang gabi po tita... idadaan ko lang po sana kay Mae itong mga bulaklak" sabi ko nang pagbuksan ako ng mama nya ng pinto.

"Hay naku.... nagmamadali syang umalis.... ito kasing si Carlo ay tumawag daw at may importanteng sasabihin... pinigilan ko nga na wag na umalis pero matigas ang ulo... baka daw mapahamak si Carlo at mukha daw lasing"

"Tita nabanggit ba nya san daw po sila magkikita" kuno't noong tanung ko.

Nang sinabi ng mama nya na sa plaza sila magmemeet ay halos paliparin ko na yung sasakyan sa magkahalong galit at pag-aalala.

Nakita ko mula sa di kalayuan ang paghalik ni Carlo kay Mae pati ang sapilitan nitong muling pagyakap dito.

Mabilis ako naglakad at walang kaabog-abog ay hinila ko si Mae papunta sa likuran ko at saka sinuntok ko sa mukha si Carlo...

Gumanti ng suntok si Carlo... hanggang sa nagsuntukan na kami...

"Carlo.... Casper tama na yan" naririnig kong sigaw na pag-awat ni Mae.

Susuntukin ko pa sana si Carlo na nakahandusay na sa lupa, pero biglang humarang si Mae.

"Tama na... hayaan na natin sya... lasing sya... baka lalo sya mapano..." mahinahon pag-awat nya.

Lalo ako nakaramdam ng galit dahil parang pinagtatanggol pa nya ito.

"Sa susunod na lalapitan at hahawakan mo pa si Mae... higit pa dyan ang matatamo mo" galit na pagbabanta ko...

Mabilis ko hinawakan sa kamay si Mae at inilayo sa lalakeng yun... saka ko pinasakay sa kotse.

"Wait lang tatawagan ko lang si Rhea at papuntahin para alalayan si Carlo" sabi nya.

"Teka nga bakit parang kinakampihan mo sya...wag mo sabihin may nararamdaman ka rin nung hinalikan ka nya" pasigaw na sabi ko.

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin? concern lang naman ako dahil kaibigan ko pa rin sya... ngayon kung di ka makaintindi ay umalis ka na pero di ko sya iiwanan sa ganun kalagayan" mabilis sya tumalikod at kinausap sa telepono si Rhea.

Pagkatapos nya makipagusap sa cp ay padabog syang sumakay ng kotse..

"Im so sorry... di ko lang talaga napigilan yung pagseselos ko nung hinalikan ka nya" mahinahon sabi ko.

"Sorry rin.. dapat talaga di na ako nagpunta dito..mabuti pa umuwi na tayo nang magamot natin yan mga galos at pasa mo"

Pagdating namin sa bahay nila ay nasermunan kami ng mama nya....

"Yan kasi nadamay pa ako tigas kasi ng ulo mo" pabulong na pang-iinis ko.

"Ah... nang-aasar ka pa hah" pinagdiskitahan nya tuloy ang sugat ko.

"Array....! dahan dahan naman... joke lang yun gusto ko lang na bago ako umuwi ay makita kong nakangiti ka na" hinawakan ko ang mga kamay nya...

Dahan dahan akong lumapit at nang palapit na ng palapit ang mukha ko para halikan sya ay saka naman pagdating ng mama nyang may dalang gamot na pangpahid para sa sugat...

"Ahhy naku may dumi ka sa baba mo" pasimple kong itinaas at pinunasan ang baba nya para makalusot.

"Ah ma magpapa-alam na po syang aalis" tarantang sabi ni Mae nang makita nya ang makahulugan tingin ng mama nya.

Bago ako umalis ay tatangkain ko pa sana ituloy ang naudlot... hahalikan ko na sana sya ng biglang lumabas ang mama nya.

"Mae... pumasok ka na sa loob at malamok na" tawag ng mama nya..

"So pano bye" napakamot nalang ako sa ulo at umalis na.


..............

P.O.V. MAE

Magkasamang saya at lungkot ang nararamdaman ko....nalulungkot ako kasi kung kailan si Casper na ang mahal ko ay saka naman nagtapat ng nararamdaman si Carlo....

Tinawagan ko si Rhea para kamustahin si Carlo.

"Bes ok naman na sya.... hinatid ko na sa kanila"

"Bes thanks hah..."

"Ano ka ba syempre ok lang yun kasi pareho ko naman kayo kaibigan... maiba ako... ano na kayo na ba ni Casper?" kinikilig na sabi Rhea.

"Hindi pa.... pero niyaya nya ako makipagdate"

"Dapat maganda ka sa date nyo.... bukas punta ako sa inyo... at umpisahan na natin ang operation transformation"

Matapos namin mag-usap ni Rhea ay nakangiti akong nakatulog.

Kinaumagahan pagpasok ko ay nakita ko si Carlo... naawa ako nang makita ko ang mga pasa nya...

"Mae.... Im so sorry sa nagawa ko sayo kagabi" nahihiyang sabi nya.

"Ah ok na yun kalimutan nalang natin" mahinahon sabi ko.

Paalis na ako ng hawakan nya ang kamay ko at pilit ako pinaharap sakanya.

"Mae.... mahal kita" pagsusumamo nya.

"Im sorry Carlo pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo" hinawakan ko ang dalawa nya kamay at ibinaba ito.

Pero muli nya hinawakan ang kamay ko...... Nagulat ako nang may isa pang kamay na nakahawak sa kamay nya.

"Pre bitawan mo sya!" nakita ko ang galit sa mga mata nya.

"Wag ka makialam nag-uusap pa kami" mariin sabi ni Carlo.

Pero imbes na sumagot si Casper ay hinila na nya ako palayo...

"Teka nga may gusto ka ba sa mokong na yun.... alam mo naman nagseselos ako..."

Napangiti at kinilig ako sa sinabi nya.... kaya bago pa nya mapansin ang pamumula ng pisngi kaya mabilis na ako nagpaalam.

"Hoy Mae.... ganun na lang yun pagkatapos ko sabihin na nagseselos ako lalayasan mo ako" pasigaw na sabi nya..

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon