Chapter 26

275 6 2
                                    

P.O.V. MAE

Pagmulat ko nang mata ay may nakita ko ang isang bata sa may tabi ko at tinatawag akong mommy.. hindi ko man alam kung bakit ganun ang tawag nya sa akin ay magaan ang pakiramdam ko sa bata kaya marahan ko inangat ang kamay ko at hinaplos ang mukha nito.

Pero dahil nang hihina ako at di makapagsalita ay tinititigan ko mabuti ang bata habang pilit ko iniisip kung sino sya..

"Mabuti naman at gising ka na?" narinig kong sabi ng doctor.

Sandaling tinignan ako ng doctor at isinailalim sa mga iba't ibang test... at pag balik ko sa kwarto ay nakita ko si mama na umiiyak... hindi sya makapaniwalang gising na nga ako mula sa mahabang comatose.

"Maaa-ma" pilit kong sabi.

"Mae anak buti naman at nagising ka na" sabi  ni mama habang panay ang yakap at iyak nya.

Napansin ko ang isang lalake na nasa gilid na nangingilid ang luha habang karga karga nya ang batang nasa tabi ko kanina.

"Thanks God gising ka na hon" pagkasabi nito ay niyakap nya ako.

"Sino ka?" kuno't noong tanong ko sa lalake ng humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin.

"Mae anak... sya ang asawa mo si Casper at sya naman si Hope ang anak nyo" paliwanag ni mama.

"Asawa? anak? pano nangyari yun? eh hindi ko naman kilala yan lalakeng yan... si Carlo ang mahal ko" pilit ko iniisip kung pano nila nasasabing asawa at anak ko sila kung hindi ko naman sila kilala.

Sandaling nabalot nang katahimikan ang buong silid, buti nalang at pumasok ang doctor.

"Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna at kakausapin lang namin ang doctor mo" pagkasabi ni mama ay naiwan ako mag isa sa kwarto.

Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung ano ang nangyari sa akin... kung bakit ako nacomatose... sa kakaisip ko ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

******

"Andrea pakawalan mo ako" sigaw ko nang pagmulat ko ng mata ay nakagapos ang mga kamay ko at may lubig na nakapulupot sa leeg ko... habang nakikita ko tumatawa si Andrea.

Pinilit ko kumawala sa pagkakatali nang biglang natumba ang tinutung-tungan ng mga paa ko kaya humigpit ang tali sa leeg ko at unti unti na akong di makahinga.

"Tulong !" malakas na sigaw ko kaya saktong nagising ako sa isang malagim na bangungot.

"Mae are you ok" saktong pagdating ni Carlo sa ito lumapit para pakalmahin sa akin.

Napahagulgul ako sa pag iyak kaya mahigpit ko niyakap si Carlo.. "Akala ko mamatay na ako" nanginging na sabi ko.

"Shhh... panaginip lang yun" sabi nya habang marahan nya hinahagod ang likod ko.

Hindi ko na pansin na nasa kwarto din pala si Reah... kung hindi pa sya pasimpleng umubo ay di pa ako kakalas sa pagkakayakap.

"Reah, sorry di ko napansin na nandyan ka pala" nakangiting sabi ko.

"Mabuti naman at gising ka na.." matipid na ngumiti sa akin si Reah.

"Carlo pwede ba kita makausap... may gusto lang ako sabihin sana sayo" muling baling ko sa kanya.

"Ah ok sige sa labas muna ako titignan ko si tita" pagkasabi ni Reah at lumabas na ito ng kwarto.

"Ano ba yung sasabihin mo?"

Nagbuntong hininga ako ng malalim para kumuha ng lakas na ipagtapat ang pagmamahal ko sa kanya.

"Amm.. ano kasi dahil sa nangyari sa akin... may isa ako natutunan... na maiksi lang ang buhay... kaya siguro di pa ako kinuha ni Lord dahil hindi ko pa naipagtatapat sayo na....Carlo mahal kita" lakas loob kong pagkumpisal sa nararamdam ko saka ko sya niyakap muli.

Pero pinihit nya ako palayo "Mae may asawa at anak ka na si Casper at si Hope"

"Pati ba naman ikaw naniniwala doon? ilan beses ko bang dapat sabihin sa inyo na hindi ko nga sya kilala... bakit ba pinagpipilitan nyo" halos maluha na ako sa inis.

"Pero Mae-"

mabilis ko pinutol ang iba pa nyang sasabihin " Next time nalang tayo mag-usap parang biglang sumakit ang ulo ko dahil sa mga kasinungalingang pinagsasabi nyo"

Humiga na ako at tumalikod dahil unti unti na bumuhos ang mga luha ko sa mata... kung di lang ako naaksidente... kung di lang sana ako nakomatose di na sana ako nahihirapan ng ganito.

"Hon are you ok?"

"Dont call me hon your not my husband and please leave me alone" mariin sabi ko habang nanatili akong nakatalikod.

"Mae"

"Please lang gusto ko na magpahinga" halos pasigaw na sabi ko.





***********

P.O.V. CASPER

Agad ko tinawagan si Mama Martha para ibalita na nagising na si Mae..

Maya maya pa ay dumating na nga ito.  "Casper asan ang anak ko?" tarantang tanong nya.

"Ma huminahon po kayo dinala lang po ng mga doctor para isailalim sa mga test.. maya maya rin po ay ibabalik na sya dito.

Nang ipasok na nila si Mae sa kwarto ay pansamantalang binigyan ko ng momment ang mag-ina..

"Hon buti naman at gising ka na" mahigpit kong niyakap si Mae habang karga karga ko si Hope.

"Sino ka?" tanong nya.

Nabigla ako.. panong di na nya ako kilala?

Nang pumasok ang doctor ay kinausap namin ni mama Martha tungkol sa kalagayan ni Mae.

"Doc anong nangyari bakit po di ako kilala ng asawa ko?"

"Meron po syang selective memory lost.. ang ibig sabihin may part sa past nya na di nya maalala maaring tao o pangyayari" mahabang paliwanag ng doctor.

Pero kahit yata malinaw na ang paliwanag ng doctor ay di ko pa rin maintidihan kung bakit sa dinami dami ng makakalimutan nya ay ako pa..

"Doc babalik pa po ba yun mga alaala nya?"

"Yes... pero kung gano katagal ay di natin masasabi.. sa ngayon mas mabuti munang pagpahingain nyo muna sya pag magaling na sya saka nyo ipaalala ang mga bagay bagay... step by step"

Biglang sumagi sa isip ko yung nangyari sa akin noon... nang di ko rin sya makilala... alam kong darating din ang araw na maaalala ako ng puso nya.

Sandaling nagpaalam si mama na kukuha ng iba pang gamit ni Mae sa bahay nila kaya magisa ako bumalik sa kwato.

Pagbalik ko ay sya naman paglabas ni Reah sa kwarto ni Mae.

"Reah tapos na kayo mausap?" nagtatakang tanong ko.

"Nasa loob si Carlo kinakausap si Mae" tipid na sabi nito.

"Ah ganun ba teka silipin ko lang sila"

Pagpihit ko ng doorknob ay sakto naman nakita ko magkayakay si Mae at si Carlo at narinig ko mula sa bibig ni Mae na mahal nya si Carlo.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.. hindi ko alam ang dapat ko maramdaman.. kaya muli ko sinara ang pinto ang hindi ko alam ay nakita rin pala ni Reah ang nangyari.

Nakita ko syang nagpunas ng luha... "Reah are you ok?"

"Yes.... masakit lang sa kalooban na di ko maipagtapat sakanya na asawa ko si Carlo.. parang feeling ko kasi trinaydor ko sya nung mga panahon na tulog sya"

"Ano ka ba wala naman sila dahil alam naman natin na ako ang mahal nya at nangyayari lang ito dahil may sakit sya... kaya hayaan muna natin sila" paliwanag ko kahit na deep inside nasasaktan din ako.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Where stories live. Discover now