Chapter 4

440 5 0
                                    

P.O.V. MAE

Dumating na ang araw ng birthday ni Carlo... buti nalang at sembreak at next week ang pasok para next school year at dahil nakapag-enroll na ako ay pinayagan ako ni mama na umatend.

Nung una ay ayaw ko umatend dahil nga wala ako isusuot na damit pero buti nalang at pinahiram ako ni Rhea ng lahat ng kakailangan ko at ang isa pa ay nilibre pa nya ako sa parlor.

"Friend ang ganda ganda mo" sabi ni Rhea habang nakatingin kami sa full size mirror.

Halos di ko na nga makilala ang sarili ko.. dahil mula sa makapal at buhaghag na buhok ngayon ay straight at shinny pa... isama mo pang nagkakorte na rin ang mga kilay ko at ang mukha ko sobrang kinis dahil natakpan ng make up ang mga pimples ko.

"Para akong si Cinderella kasi pang 12 midnight lang ang kagandahan ko" natatawang sabi ko.

"Ano ka ba friend maganda ka na talaga dati.. and remember yung mga binigay ko sayo nung birthday mo tuturuan kita panu gamitin ang lahat nang yun" nakangiting sabi nya.

Nagmadali na kami pumunta sa venue nila dahil baka wala na kami maabutan... pagdating namin ay napansin ko na halos lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang nagtataka kung ako nga ba ito o namamalik mata lang sila.

Nabungaran namin na nakatanaw si Carlo at maya maya pa ay sinalubong nya kami, napakalawak ng ngiti na namamangha sa kagandahan ko ngayon gabi.

"Hi!" nakangiting sabi nya nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

"Ah happy birthday Carlo" naiilang na sabi ko.

"Ehem! happy birthday Carlo" sabi ni Rhea.

"Thanks Rhea" reply nito nang hindi pa rin inaalis ang mga mata nya sa akin.

"Ang mabuti pa iwan ko muna kayo" sabi ni Rhea sa akin.

Pipigilan ko pa sana sya pero mabilis itong nawala sa tabi ko.

"Ah halika doon tayo" sabi ni Carlo nang mapansin nyang naiilang na ako sa mga tingin nya.

"Ang ganda mo ngayon gabi.... ah i mean lalo ka gumanda" muling sabi nya.

Pagpasok namin ay agad nya ako inakay sa isang sulok na table na para bang ako lang ang bisita sa mga oras na yun.

Para akong pipi na di ako nagsasalita dahil tuliro pa ang isip ko na ngayon ko lang naranasan ang attention na pinapakita ngayon ni Carlo... napakasweet....kaya kinikilig ako ng kunti.

Hindi pa man kami nakakapagusap ng matagal ay tinawag sya at hinila ng kaibigan kaya pansamantala itong umalis.


..........

P.O.V. ANDREA

Pagdating ko sa venue ay nakita ko si Mae na kausap si Carlo... nakaramdam ako ng selos ng makita ko kung pano tignan nito si Mae at kung gaano ito kasaya...

Naalala ko na ganun sya dati sa akin nung kami pa kung hindi ko sa sya iniwan at ipinagpalit....baka masaya pa rin sana kami....

Kaya ngayon gagawa talaga ako nang paraan para makuha ko sya ngayon gabi.

Inutusan ko si Elaine na tawagin si Dave at Jake para sa plano ko.

At umayon ang pagkakataon nang makita ko si Mae na mag-isa na at nasa isang sulok ay kumuha ako ng redwine.

"You look so tense" sabi ko sa kanya.

"Kung lumapit ka sa akin para mangulo pwede ba wag ngayon" inis na sabi ni Mae.

"Chill....wala ako balak manggulo... gusto lang kita alukin... here.... redwine lang yan at hindi nakakalasing... pangpatangal ng kaba at hiya" inabot ko ang wine.

Pansamantala itong natigilan pero buti nalang at inabot nya ang baso saka uminom....

"Talagang ganyan pag unang tikim... wait kuha pa kita para masanay ka lalo na sa mga ganitong party" nakangiting sabi ko.

Pero ang di nya alam ay sinalinan ko ang baso nya ng brandy... Makailan ulit ko pa sinalinan ang glass wine nya hanggang mapansin ko na lasing na ito kaya sinenyasan ko na si Jake para sa plano.

At ako naman ay nagpunta kay Carlo na nagkakasiyahan na.

"Wait Carlo where you going?" malanding tanung ko saka ko pinulupot ang kamay ko sa kanyang leeg.

"Excuse me lang Andrea pupuntahan ko kasi si Mae" pilit nya inaalis ang kamay ko sa leeg nya.

Kaya ang ginawa ko ay siniil ko sya ng halik ng matagal.

.........

P.O.V. MAE

Sandaling umalis si Carlo dahil niyaya sya ng mga kaibigan nito kaya naiwan ako sa isang mesa nang biglang dumating si Andrea at inalok ako ng wine.. nung una ay ayaw ko talaga tanggapin ang alok nya pero nang sabihin nyang pang patangal ito ng kaba at hiya ay kinuha ko ang wine sa kamay nya.

Maya maya pa ay nakaramdam ako  nang pagkahilo pagkatapos ng makailang saling ni Andrea sa baso ko.

"Mae mukhang lasing ka na yata?" tanung ni Jake.

Pinilit ko iminulat ang mga mata ko at tumayo....Pero muntik na ako matumba buti nalang at nahawakan ako ni Jake.

"Tekha hahnapen ko lang shi Rheeah" lasing na sabi ko saka pinilit ko tumayo.

"Alam ko kung nasan si Rhea halika at puntahan natin"

Dahil sa nakainum ako at sa kagustuhan ko makauwi na ay sumama ako kay Jake...

Habang naglalakad kami napansin ko na parang lumalayo na kami sa party.... at papunta na kami sa mga parking area.

"Asan ba talaga si Rhea?"

"Doon ko sya nakita.... pero kung pagod ka na upo ka muna dito sa kotse ko" agad nya binuksan ang backseat.

"Hindi na pupuntahan ko nalang si Rhea"

Bago pa ako nakahakbang ay sapilitan na nya ako ipinasok sa kotse saka mabilis nito isinara ang pinto... pagkatapos ay marahas nya ako hinawakan sa balikat ay tinangkang halikan.

"Ano ba bitiwan mo nga ako at aalis na ako" pagkasabi ko ay sinampal ko sya ng malakas.

"Ang arte mo.... buti nga papatulan pa kita" galit na sabi nya.

Lalo na naging marahas si Jake at itinulak nya ako hanggang mapahiga ako saka nya ako dinantayan at pilit na hinahalikan habang hinihipuan nya ang legs ko..

Nang hihina na ako nang mga oras na yun dahil sa tama ng alak at sa takot... pinilit ko sumigaw pero malabong marinig ako ng nasa labas dahil bumuhos ang malakas na ulan....

"Kailangan ko makaisip ng paraan" agad ko hinawakan ang paa ko at pinit ko inabot ang sandal ko.

Mabilis ko sya pinukpok sa ulo saka ako nagmadaling lumabas..

Pinilit ko tumakbo kahit na pasuray suray ako  at isama mo pang sumasama ang pagpatak ng mga luha ko sa pagbuhos ng ulan... idagdag pang tuliro ako....nagmadali ako tumawid nang di tumitingin sa kalsada....

Sandali ako natigilan nang marinig ko ang malakas na preno ng gulong at nakakasilaw na liwanag na lalong nagpapahilo sa akin.

Pilit ko nilalabanan ang pagpikit ng mga mata ko... maya maya pa ay may lumabas na lalake mula sa kotse.

"Casper" mahinang sabi ko bago ako nawalan ng malay.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon