Chapter 24

291 6 1
                                    

P.O.V. CASPER

Lumipas na ang isang buwan mula nang magkasunog sa school pero comatose pa rin si Mae.

Humahangos ako nagpunta ng hospital ng ipatawag kami ni tita Martha ng doctor ni Mae.

"Shes 1month pregnant" narinig kong sabi ng doctor.

"Teka pano nangyari yun eh comatose sya.... pano sya mabubuntis?" nagtatakang tanong ni tita Martha sa doctor.

"Tita let me explain.... dapat po ipagtatapat namin sa inyo ang nangyari sa amin sa boracay, pero sinabi po ni Mae na after graduation nalang namin sasabihin sa inyo..... sorry po tita" mahabang paliwanag ko.

"Pero doc... ano mangyayari sa anak ko ngayon buntis sya?" muling baling ni tita Martha sa doctor.

"Dont worry misis.... may mga rare case na po na tulad ng sa anak nyo ang magdala ng bata sa sinapupunan nya at manganak via c.s..... pero sa ngayon mas lalo natin sya bantayan dahil maselan ang kondisyon nya" pagkasabi ng doctor ay naiwan na kami ni tita Martha sa kwarto.

"Casper... gusto ko pagkagising ng anak ko ay magpakasal na kayo... maliwanag"

"Yes tita.... mahal na mahal ko po sya" mariin sabi ko sa mama nya.

Lumipas ang ilan buwan, araw araw ako nagpupunta ng hospital pagkagaling ko sa trabaho.. nag-uumpisa na rin ako magpatayo ng bahay para pagnagising na sya ay magpapakasal na agad kami.

"Casper si Mae" sabi ni Tita Martha nang tumawag sya sa akin.

Dali dali akong nagpunta ng hospital kahit na may meeting ako sa mga client ko.

"Tita ano nangyari kay Mae?" tanong ko nang makita ko ang mama niya na nakaupo sa bench sa labas ng silid at umiiyak.

"Di ko alam basta nalang sya nagseizure" nanginginig na sabi ni tita Martha.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor.

"Doc. ano ang lagay ng anak ko?"

"Misis.... huminahon po kayo.... bigla bumaba ang vital signs nya buti nalang at naagapan natin....dahil kung hindi baka po magkaroon sya ng cardiac arrest.... pero kailangan na po natin isagawa ang C.S. asap" paliwanag ng doctor.

"Teka doc. 7mons palang syang pregnant di po ba delikado yun?" tanong ko.

"Kung hindi natin gagawin yun baka mamatay ang bata pag-nagcardiac arrest si Mae...pero gusto ko rin ihanda nyo ang sarili nyo.... dahil sa kalagayan nya ay 50/50 ang chance ng survival.... mabuti pang iwan ko na kayo para makapagdesisyon kayo"

Para akong upos na kandilang napasandal sa pader sa sinabi ng doctor... di ko lubos maisip na pwede syang mawala sa akin anytime.

Napagdesisyonan namin ng mama ni Mae na isagawa na ang C.S. bukas.. kaya naisip kong pakasalan na sya bukas bago sumalang sa operasyon... at sa tulong ng mga legal council at ang mama nya ay pumayag naman sila.

Kinabukasan ay maaga ako gumising.... nagsuot ako ng damit na coat and tie na blue, magkalong tuwa, lungkot, sakit at kaba ang nararamdaman ko ng mga oras na nagpunta na ako sa hospital.

Sumaglit muna ako sa chapel ng hospital para magdasal.

"Lord this is it.... please iligtas nyo po ang mag-ina ko.... wag nyo po muna kunin sa akin si Mae at ang anak namin...." mataimtim na pagdarasal ko bago ako pumasok ng kwarto nya.

Nadatnan ko pagpasok ko ng kwarto ay mga kaibigan namin na sila Rhea at Carlo pati narin si tita Martha at ang parents ko na naghihintay sa akin.. Dumating na rin ang pari na magkakasal sa amin.

"Napakaganda mo sa araw na toh" bulong ko kay Mae... kahit na may tubo itong nakasaksak sa bibig at nakalagay lang sa ibawbaw nya ang gown at nakalagay lang sa gilid ang bouquet of flowers.

Naging maayos ang pagpapakasal namin... pagkatapos ng isang oras ay nagsama sama kaming muling nagpunta ng chapel upang manalangin dahil isasailalim na sa operasyon si Mae.

Pagkalipas ng ilan oras ay lumabas na ang doctor.

"Congratulation sir... you have baby girl" nakangiting sabi ng doctor.

"Doc.... ang asawa ko si Mae kamusta na? ok lang ba sya...." nag-aalalang tanong ko.

Nakita ko biglang nawala ang kaninang ngiti ng doctor at nanatili itong tahimik.

"Doc.... bakit di kayo nagsasalita? kamusta na ang asawa ko doc!" halos pa sigaw ko nang sabi.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Where stories live. Discover now