Chapter 6

404 4 0
                                    

P.O.V. CASPER

Nagulat ako nang bigla ako sipain ng babaeng ito kaya napasalampak ako sa sahig at nahila ko ang kumot kaya bumagsak din ang babae at di sinasadyang magtama muli ang mga labi namin pero sa pagkakatao ito ay medyo tumagal.

Natulala ako nang maramdaman ko ang labi nya na para bang nahalikan ko na ito noon pero di ko maalala kung kailan at kung saan..

"Do you really want to stayed on my chest" tanong ko nang makabawi ako sa pagkabigla.

Agad ako tumayo at inisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko na parang kakaiba.

"Manyak... pinagsamantalahan mo ako"

Nawala ako sa pagmuni muni nang bigla nya takpan ang dibdib nya dahil inisip nyang yung ang tinitignan ko.

"Wala ka naman hinaharap at hindi kita type" pagalit na sabi ko para itago ang pagkapahiya ko.

Paika ika akong lumabas ng kwarto dahil sa sakit ng likod at paa ko na tinadyakan nya.

Maya maya pa ay nagpaalam na ito umalis... sinadya kong wag sya tignan dahil nakikita ko ang mga labi nya na kanina lang ay nahalikan ko.

"Hijo pinabibigay nya yung tsinelas.... ang sabi ko nga sa kanya ay kanya na ito pero ipinagpilitan pa rin nya isauli sayo" paliwanag ni Mang Oleng ng makasalubong ko ito pagkatapos magkape.

"Haiz ang hina umintindi.... di ko naman sinabi na agad nya isauli yung tsinelas.... ibig sabihin naglakad ito nang nakapaa" nagmadali ko kinuha ang susi dahil kanina pa ito naka-alis malamang medyo malayo na ito.

Nakita ko syang nakaupo sa gilid ng kalsada... bigla ako naalarma ng makita kong may dugo sa paa nya.

"Ang sabi ko sayo ibalik mo yung tsinelas sa ibang araw hindi agad agad" inis na sabi ko para ikubli ang pag-aalala ko.

Pero di sya nagsalita at nakita ko na patuloy pa rin ang pagdudugo ng sugat nya.

"Halika na ihahatid na kita" muling sabi ko.

Nagmatigas ito kaya napilitan ako buhatin sya at isakay sa kotse.

Maya maya pa ay napansin kong nakapikip sya... buti na nga lang at nakapikit sya kung hindi ay nahuli na naman nya akong nakatitig sa mga mata at labi nya.

"Dont worry di kita hahalikan kukunin ko lang yung seatbelt" pasimpleng sabi ko.

Hindi na sya kumibo muli nang nasa byahe na kami, pero idinaan ko muna sya sa hospital para mapagamot ang sugat saka ko sya inihatid.

Nang makarating na kami sa sinabi nyang adress ay nagulat ako nang bigla itong nawala agad sa kotse at nasa harap na ito nang gate

.Gusto ko sana hingin ang pangalan at number nya pero may biglang lumabas na babae kaya di ko na nagawa.

"Wala bang kahit thank you manlang?" pagbibiro ko.

"Thank you" pagdidiin nya.

Kaya nagpasya na ako umalis pero bago pa ako nakaalis ay narinig ko tinawag sya sa pangalan Mae.

Napahito ako bigla nang marinig ko ang pangalan nya..kakausapin ko pa sana sya pero nakapasok na sila sa loob ng bahay.

Nang makauwi ako ay pabagsak ako nahiga sa kama, dahil kanina pa sa daan iniisip ko, kung yung bang Mae na tinawag ko sa pangaginip ay sya din yun Mae na nanakilala ko ngayon.

"Imposibleng iisang tao lang sila o baka naman nagkataon lang... pero bakit ganun ang naramdaman ko kanina nung dumampi ang mga labi nya? pero ano ang koneksyon nya sa buhay ko? sino ba talaga si Mae sa buhay ko?" parang sasabog ang ulo ko sa kakaisip sa mga tanung ko.



CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Where stories live. Discover now