Chapter 18

335 3 0
                                    

P.O.V. MAE

Pagkatapos ng exam at thesis defense... ay nagkaroon kami ng outing magkakabatch at kaibigan sa boracay... buti nalang at pinayagaan ako ni mama na sumama... paconcuelo ko daw at makakagraduate ako na salututorian...

"Tara na labas ka na dyan sayang naman yung pag-papaganda mo kung di mo naman ipapakita" panay ang katok ni Rhea sa pinto ng cr.

Ilan buwan rin namin pinaghirapan na mag-apply ng pampaputi at pangpakinis na niregalo sa akin ni Rhea dati.... muli ko sinulyapan ang sarili ko sa salamin... kung dati ay marami ako pimples.... ngayon ay makinis na ang mukha ko... at marunong na rin ako mag-apply ng make up.. bukod dun ay nakapagparebond na rin ako ng buhok.

Nakailan katok pa si Rhea sa pinto nang mapagpasyahan ko nang lumabas.

"Wow sexy.... bagay naman pala sayo... tara na nga at kanina pa naghihintay sila" hinila na ako ni Rhea papunta sa mga kasamahan namin na kanina pa nagswiming.

Sandali ako natigilan nang makita ko na nakatingin ang lahat sa akin... di ko alam kung ok lang ang suot ko o pangit.... kaya pumihit ako patalikod para lumayo pero bago pa ako nakahakbang ay may pumigil sa braso ko.

"Where are you going?" tanong ni Carlo.

"Nahihiya kasi ako..."

"What! you look gorgeous....bagay na bagay sayo" pagkasabi nya ay inakay nya ako papunta sa mga kaibigan namin

Nagtataka ako bakit parang wala si Casper... ayaw ko naman tanungin kung nasaan sya..

Naisip ko na maglakad-lakad muna at habang naglalakad ako ay nakita ko si Casper sa di kalayuan may kasamang babae at nakapulopot ito sa kanya at parang uminit ang ulo ko nang makita kong hinalikan sya ng babae.

Mabilis ako tumalikod at patakbong lumayo..

"Mae are you ok?" tanong ni Carlo nang makita nya akong nagpupunas ng luha.

Pero imbes na sumagot ako ay nagmadali ako naglakad papasok sa suite.. Nagpalit ako ng damit at lumabas rin agad...

Nagpunta ako nang bar mag-isa at uminom... nakailan tungga pa ako nang alak nang maramdaman ko ang tama ng alak at nakaramdam na ako nang pagkahilo.

"Hi miss....!" sabi nang isang lalake.

"Hi!" ganting bati ko... inisip ko yung nakita ko kanina... na kung kaya ni Casper mambabae at mangloko... kaya ko rin.

Sandali kami nagkwentuhan at nag-inuman.

"Mukhang lasing ka na gusto mo ba ihatid na kita sa hotel mo?" nakangiting alok ng lalake.

"No... kaya ko naman"

"Tara na Mae hatid na kita!" pagkasabi nya ay hinawakan nya ako sa braso at bewang saka inalalayan lumabas ng bar.

"Ako na kaya ko naman maglakad" inalis ko ang kamay nya sa bewang ko.

Pero imbes na bitawan nya ako ay lalo nya ako hinawi palapit sa kanya.... at nang akma nya akong halikan ay ay iniwas ko ang mukha ko at pilit ko syang itinulak.

"Teka ano ginagawa mo... bitiwan mo ako" mariin sabi ko.

Magsasalita pa sana sya nang biglang may sumuntok sa panga nya at mabilis nya ako hinila halos madapa ako sa pagkakahila ni Casper.

Gumanti ng suntok ang lalake hanggang nagsuntukan silang dalawa.... na-awat lang nang dumating sila Carlo at mga kaibigan namin.

Galit na hinila ako ni Casper papunta sa hotel.

"Wait wag mo naman ako kaladkarin" inis na sabi ko.

Pero hindi nya ako sinagot hanggang sumakay kami ng elevator. saka ko lang napansin ang dumudugong bibig nya na pumutok yata at ang namumulang pisngi nya.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Onde histórias criam vida. Descubra agora