Chapter 15

352 4 0
                                    

P.O.V. MAE

"Mae sorry nabalitaan ko kay Carlo na muntikan ka daw nalunod" sabi ni Rhea.

"Oo... may multo kasi humila sa paa ko... buti nalang at nasave ako ni Casper"

Sumagi ulit sa isip ko nangyari... lalo na yung yakap nya...

"Hoy miss... paalala lang hah... umaasa ka naman.... at bawal ang assumming nakamamatay" mariin pabiro ni Rhea.

Sabagay tama sya... ilan araw ko na kasi sya gusto kausapin pero laging nakapulupot na parang sawa si Andrea.

........

"Bes diba gusto mo bumawi nung nakaraan sabado?" tanong ko kay Rhea.

"Oo naman"

"Eh kung magvideo-oke kaya tayo  bukas tutal sabado naman yun" paglalambing ko kay Rhea.

"Okey, pero sa isang condition wag na doon sa open na videokehan... naalala ko yung dati na nangvideoke tayo.... eh pinagtitinginan ka... kulang nalang talaga batuhin ka nila eh" pagkasabi nya ay tumawa ito.

"Uy di naman grabe ka sakin" sabi ko.

"Basta bukas ako na bahala"

Dumating ang araw ng sabado nagpa-alam ako kay mama na gigimik kami ni Rhea...

Pumunta kami sa isang videoke bar na may inoffer na v.i.p room videoke.... Pagkapasok namin ay agad ko dinampot ang videoke list at naghanap ako ng mga kantang pangbroken hearted.

Maya maya pa ay may pumasok na naserve ng mga inorder namin drinks at food.

"Teka... hindi para sayo yan... papunta na si Mark dito" tapik ni Rhea sa kamay ko na may hawak ng bote ng alak.

"Huh? kala ko sa akin....kasi tinging ko kailangan ko yan eh"

"Heh bakit marunong ka na ba uminum... ang pagkakatanda ko huli kang uminum nung b-day ni Carlo.... Pero kung gusto mo talaga mag order nalang tayo ng ladies drink" sabi ni Rhea saka ito tumawag sa phone at nag-order.

Mga ilan minuto na rin kami nagkakantahan ni Rhea nang biglang nagka-emergency si Rhea.

"Bes...ok lang ba na iwan kita saglit? si Mark kasi nasa presinto nakipag-away sa kalsada... ayusin ko lang tapos sunod kami dito" di mapakaling sabi ni Rhea.

"Oo naman... ok lang ako dito"

Makalipas pa ang ilan minuto ay wala pa rin si Rhea.. halos makanta ko na lahat ng kantang pang broken hearted.

"Ang tagal naman nila?.... baka di na pupunta yun dito.... pero pano na yung alak sayang naman.... tikman ko kaya?" sabi ko sa sarili ko saka ko kinuha yung isang bote ng alak.

"Teka bat ganun? naubos ko na yung apat?" wala pa sila.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kalasingan.....

..........

P.O.V. CASPER

Habang pauwi ako galing kila Jhonny ay tumawag sa akin si Rhea at nakiusap na tignan ko si Mae sa isang videokehan....

Pagdating ko ay nakita ko si Mae na naka-upo at natutulog sa may lamesa.

"Grabe.... ang takaw sa alak" sabi ko nang makita ko ang apat na bote.

"Mae... gumising ka" mahinang sabi ko saka ko tinapik sa balikat.

"Cashpher.... my boifrenh ghost" sabi nya ng nagising ito at tumingin sa akin.

"Anong ghost pinagsasabi mo" kuno't noong tanung ko.

"Ikaw.... shabe mo dati di mho akoh shashaktan.... peroh ngayon gising kana lagi moh akoh pinapaiyak" sabi nya.

"Minahal kita noon at hanggang ngayon mahal pa rin kita... pero sinasaktan mo ako kaya ayaw ko na sayo"

Bigla ako napa-isip sa sinabi nya...pero binalewala ko nalang dahil alam kong lasing lang ito kaya kung ano ano ang sinasabi

"Mae ang mabuti pa itayo na kita dyan at iuwi na kita sa inyo"

"Panoh mo ako itatayo eh multo ka nga" makulit na sabi nya.

"Hindi nga ako multo" sabi ko.

Mabilis nya hinawakan ang dalawang pisngi ko saka nya ito kinurot.

"Ano ba!" galit na sabi ko.

"Hahaha... hindi ka nga multo" pagkasabi nya ay tuwang tuwa syang tinapik tapik ang pisngi ko.

Bago pa ako mainis ay inalalayan ko sya maglakad hanggang sa kotse ko at inihatid sa bahay nila.

"Hijo ano nangyari sa kanya?" tanong ng mama ni Mae nang pagbuksan kami.

"Eh tinawagan po ako ni Rhea para sunduin sya.... nagkaemergecy daw po kasi Tita" paliwanag ko.

"Ok sige pwede bang pakipanhik nalang sya sa kwarto nya at kukuha ako ng maligamgam na pangpunas"

Binuhat ko si Mae at inihiga sa kama nya... nang aalisin ko na ang kamay nya ay lalo nya ako hinila.... narinig ko binulong nya.

"I love you Casper" para akong kinilabutan ng marinig ko ang tinig nya sa tenga ko... kaya napatayo ako bigla.

Dahil sapagtayo ko ay nahulog ko ang cp ko at pumailalim ito sa silong nang kama.

Pagkapa ko sa silong ay may nahawakan ako... kaya hinila ko ito... laking gulat ko nang makita ko ang isang portrait....

Hindi lang basta portrait... dahil mukha ko ang nakapinta dito... at napansin ko yung suot kong damit ay yung damit ko nang ma-accidente ako.

"Bakit meron sya nito?" tanong ko sa sarili

Mabilis ko binalik sa silong ang painting at kinuha ang cp ko nang maramdaman kong palapit na ang mama nya.

Nagpaalam na rin ako agad dahil malalim na ang gabi.

Pagdating ko sa bahay ay sinumpong ang sakit ng ulo ko... dumeretso ako sa cr ng kwarto at naghilamos ng mukha.

Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo na feeling ko ay tutumba ako... lalo na nang paulit ulit ko naririnig sa tenga ko ang sinabi ni Mae na "Ilove you Casper"

Pumunta ako sa kama dahil baka tumumba ako sa cr.... sasobrang sakit ng ulo ko halos mamilipit ako sa sakit... hindi ko namalayan nakatulog na ako.

"Casper......" sigaw ng isang babae.

Agad ko hinanap ang babaeng sumisigaw at umiiyak... nakita ko sya sa isang sulok nakaupo at nakayuko yakap ang mga hita.. pag-angat nya ng mukha ay nakita ko si Mae.... umiiyak, agad ko sya niyakap pero bigla ito nawala...

Tumakbo ako para muli syang hanapin.

"Mae!.... Mae asan ka" sigaw ko...

"Casper nandito ako" nakangiting sabi nya.

Paglingon ko ay nakita ko ang necklace na suot-suot nya.

"Mahal kita... mahal kita" pagkasabi nya ay niyakap nya ako at hinalikan.

"Mahal kita Mae" bulong ko sa sakanya nang maghiwalay ang mga labi namin.

Hinawakan ko sya sa pisngi nang makita ko unti unti sya naglalaho...

"Mae... wait ano nangyayari sayo...." tulirong sabi ko.

"Mae" sigaw ko.

Nagising ako sa isang panaginip... biglang sumagi sa isip ko yung mga ibang memmories namin ni Mae....

Kinabukasan ay nagpatingin ako sa doctor at pinayuhan ako na sumailalim sa iba't ibang test para malaman kung meron late effect ang accident na nangyari sa akin.

CASPER MY BOYFRIEND IS A GHOST Book 2Where stories live. Discover now