"Ika-sampung taon na, alam mong ikaw ang mauuna. Bakit hindi ka pa nagtutungo sa silid Sofodos?"

"Paumanhin pinunong Takara, ako'y magtutungo na."

Nang mag-angat ako ng tingin dito ay tanging papaalis na likuran na lamang nito ang nakita ko.

Huminga ako ng malalim bago mabilis na sumunod sakanya, maiinitin ang ulo at mainipin ang aming pinuno, kung kaya't kailangan mo siyang sundin kung ayaw mong mapahamak.

Ang huling nabalitan ko na namatay sa kalapit na kaharian ay dahil sa paglalapastangan nito sa aming pinuno, kung kaya't walang gustong sumuway sakanyang utos.

Habang patagal ng patagal ang paglalakad namin, tuluyan naring nilamon ng dilim ang aming paligid.

Huminto kami sa isang pamilyar na pinto, gawa ito sa kahoy kung kaya't halatang-halata ang hampas ng latigo dito.

Pumasok kami sa loob, doon ay namataan ko ang lahat ng mga mangkukulam na kasama ko sa kahariang ito, kaming lahat ay may bilang na limampu, kasama na ang aming pinuno. At lahat ng mata nila ay na saakin. Nakapalibot ang mga ito sa bawat sulok ng malaking silid.

Nginitian ko muna ang kaibigan kong si Sehira bago nagsimulang maglakad palapit sa gitna ng nasabing silid.

Sofodos, ito ang tawag sa silid kung saan ipinaparanas ang isang libong hampas ng latigo sa buong katawan sa mga katulad kong mangkukulam, at tanging si pinunong Takara lamang ang gumagawa nito saamin. Ngunit kapag binibilang ko naman ang paghampas niya ay lumalampas sa isang libo, madalas ko ring mapansin na ako palaging pinag-iinitan nito. Ngunit hindi ko naman alam kung bakit.

Isinuot ko na ang kadena na gawa sa bakal na nakakabakit sa matibay na sahig ng silid. Dito kumukuha ng lakas ang mga mangkukulam na katulad ko sa'twing madarama ang sakit ng latigo.

Sa ganitong uri ipinadarama saamin ni pinunong Takara na wala ng prinsipe ang magnanais na tumulong at magligtas saamin, na wala na kaming silbi sa mundong ito sapagkat wala naman kaming kapares.

Gusto ko itong tutulan ng una kong mapag-alaman ang ginagawa nito sa mga kapwa ko, ngunit hindi ko na lamang isinatinig at piniling gayahin ang mga ito. Dahil pare-pareho naman kami ng estado sa buhay at nakikita ko namang ginagawa din ito ng iba, kung kaya't hindi na ako umimik pa. Isa pa, may utang na loob ko sakanya at ayaw ko na ng gulo pa. Madadamay lamang ang iba.

Lumapit na saakin si pinunong Takara na may dalang latigo. Una nitong pinuntirya ang likod ko.

"Ugh!!!" Umpisa pa lamang ay halos magdilim na ang paningin ko.

Ilang daang taon na itong ginagawa saakin ni Pinunong Takara, ngunit hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako masanay-sanay. Siguro nga ipinanganak ako na madanas ang ganitong buhay.

"Ugh!!!" Sinunod nito ang balikat, braso at binti ko.

Hindi ko lubos maisip na nakaya ko ang ganitong buhay dito sa Binnevia, ngunit masaya naman dahil nakakilala ako ng totoong kaibigan.

Napapikit ako sa hapdi ng humampas ang latigo nito sa batok ko, tila mawawalan ako ng ulirat sa sakit.

Nag-isip na lamang ako ng ibang bagay upang ibaling sa iba ang sakit na nadarama ko. Biglang sumagi sa isipan ko na puro lamang babae ang nakikita ko, kahit kailan ay hindi pa ako nakakakita ng lalake. Ni lmahe ay wala. Ano kaya ang itsura ng lalake? Nang prinsepeng dapat na magliligtas saakin? May dibdib din kaya sila?

Natapos ang araw na iyon na nanlulumo ako at hindi makagalaw, nananakit ang buo kong katawan. Gusto kong mamahinga, tinulungan ako ni Sehira na makatayo at inalalayan saaking silid.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now